Professional Documents
Culture Documents
Limang daang taon... Hindi biro ang ganyang karaming taon upang mabulok lamang ang
isang maliit na plastik ng tsitsirya na ating ginagamit upang kainin ang laman nito sa loob ng
ilang minuto lamang. Alam naman natin na maaaring ikasira ito ng mundong ating ginagalawan.
Sa aking pagsusuri, ang ating bansang Pilipinas ay nakakalikha ng humigit-kumulang tatlumput-
limang toneladang basura sa araw-araw. Isipin natin ang isang taon na ganyan karami ang
pinoproblema ng ating bansa at halos wala tayong muwang kung paano natin ito
masosolosyunan. Hihintayin pa ba natin ang limang daang taon upang mawala ang problema
natin ng kasalukuyan? Kailan tayo aaksyon? Paano na ang ating susunod na henerasyon?
Sa aking pag-scroll sa mga social media applications sa aking cellphone ay napatigil ako
sa isang video. Nakita ko kasi na interesado ang paksa ng video na ito. Sa kanyang "Title and
Thumbnail" pa lamang na "The Exciting Journey of Trash! by NasDaily" ay talagang mapapa-
click ka agad bunga ng kuryusidad ng munti nating isipan. Ano nga ba ang kawili-wiling
paglalakbay ng basura? Bakit ito naging kawili-wili?
Pero bago natin simulan, kilalanin muna natin si Nuseir Yassin o mas kilala bilang
NasDaily. Marahil may nakita ka nang video sa iyong Facebook Feed na gawa ng naturang
content creator. Si Nussair ay naglakbay sa animnaput-apat na bansa sa isang libong araw
upang gumawa ng araw-araw na isang minutong mga videos. Ngayo'y siya'y nagbabalik upang
lakbayin ang daigdig at gumawa ulit ng mga videos sa bawat linggo sa isandaang beses. Ang
mga videos na kanyang ginagawa'y patungkol sa kagandahan, kultura, at mga tao sa iba't ibang
bansa na kanyang nilakbay at isa na riyan ang ating bansa.
Alam natin na kapag sinunog natin ang ating mga basura lalo na kapag ito'y plastik o di-
nabubulok ay nakakalikha ng isang toxic na usok na maaaring mag-ambag sa polusyon sa
mundo. Pero alam mo ba na ang incineration plant ng Singapore ay sobrang malinis kaya hindi
nito sinisira ang ating kalikasan?
Ang mga tauhan sa plantang ito ay nagtratrabaho upang isala ang maruming usok na
nalilikha ng nasunog na basura sa isang napaka-komplikadong paraan para makapaglabas ng
hangin na sobrang linis na mas malinis pa sa hangin sa paligid mo. Ang hangin na lumalabas
sa chimneya ng plantang ito ay naglalabas ng malinis na hangin na mas maliit pa sa isang
micron. Kaya't ang akala nating chimneya na marumi tulad ng sa mga factory ay malinis pala.
Ang mga prosesong ito sa islang ito ay sobrang linis na ang mga corals sa tubig ay
buhay na buhay, ang mga halama'y napaka-tingkad at berdeng berde ang kulay, at ang mga
hayop pa rito'y buhay na tila sanktwaryo sa ganda. Sa ibang salita, ang Singapore ay
kumukolekta ng basura, sinusunog, gumagawa ng elektrisidad, at tinatapon ang mga abo sa
isang malayo at ligtas na lugar. Kaya ang isang maliit na plastik ng tsitsirya na imbes mamalagi
ng daan-daang taon ay kaya nitong mawala kailanman sa isang araw lamang.
Nasa kamay natin ang pagbabago. Tayo'y maging pagbabagong gusto nating makita sa
ating mundo. Kaya ano pa ang hinihintay natin? Tara na't magtulungan at ating iligtas ang
mundo para sa susunod pang henerasyon.