You are on page 1of 2

Spoken Poetry

Palubog na Agrikultura maisasalba pa ba?


Agrikultura ang pinakamalaking sektor ng ating ekonomiya, ngunit tila ba’y kakaunti na lamang
ang nagpapakita ng pagpapahalaga rito.Sa bayang sinilangan mayroon tayong liwanag na
inaasam. Hindi bat tayo ay may iisang hangaring matikman ang tamis ng kaunlaran sa lupang
inaapakan. Ngunit bakit may humahagulgol, lumuluha, umiiyak na kalangitan, pagsipol ng
hangi’y sabay ng pangarap mo'y lipari't maglahong kusa, waring kisap matang nawala ang
sana’y abot kamay mong pangarap. Mga ugat na sumibol, sisibol ng berdeng pangarap, walang
habas ng inagos sa lupang pinunlaan. Ang berdeng umahon na dapat ang mag-aahon, sa buhay
ng bayan mo. Anong nangyari, alam mo ba?
Butil na uhaw sa tubig na inaasam-asam, patak ng pawis ng matiyagang katawang tiis sa tirik ng
araw na nagagalit, bitak ng lupa, sugat ng agrikultura, na dati’y tampisawan ng palaka't mga
bata.
Amoy ng simoy at sariwang hangin, kapayapaang dala at bitbit sa atin. Hatid ay ginhawa sa baga
ng bata, matanda, ikaw,at ako, kabataan, tayo. Patuloy ka sa daan ng inaakala mong kaunlaran,
lumingon ka!
Taas dito, taas dyan, katumbas ng pagtaas ng ating pangangailangan. Unahan, taguan, at
hanapan. Waring batang naglalaruan mula produksyon, distribusyon, at pagkunsumo ng
sangkatauhan. Nag-iinit at nag-aabang sa suplay ng pangangailangan. Waring siling nagliliyab sa
tindi ng labanan,sa suplay at pangangailangan sa pamilihan ni Inang Bayan. Sa tingin mo, sapat
pa ba?
Adhikain makamit ang tagumpay sa agrikultura kasabay ng Agham at Teknolohiya, tustusan ang
pangangailangan ng mga anak ng bayan. Ngunit lumingon ka, sa ganti ng Inang Kalikasan.
Makakamtan pa ba natin ito?
Oo. Lumingon ka, at isabay mong gawin ang pag-unlad sa wastong paraan. Sa ihip ng hangin
sabay na lumipad paitaas mga patakaran at plano nila agham at agrikultura. Ni Inang Bayan na
pabor sa kalikasan. Tunay na isang tahanan ng sangkatauhan. Pantay at di nag-aaway na
panahon at pag-unlad.
Paano nga ba natin maisasalba ang palubog nating Agrikultura? Kung Ikaw! Oo, ikaw ay
katamaran ang nananalaytay sa buo mong katauhan! Palabas na si Inang Araw mga muta mo ay
natutunaw na subalit ikaw ay tulog pa rin. Kung sasabayan natin ang pagbabago ng klima
kasabay ng katamara’y na sa iyo. Siguradong mga lupang dapat tamnan ay nanatili pa ring
bakante at puno ng mga damong nagsisilakihan na halos di na natin matanaw ang kaunlaran.
Maraming likas na yaman na puwedeng linangin subalit di man natin ito nakikita. Dahil lagi na
lang mga kakulangan ng pamahalaan ang namamasid. Ang kakulangan mo ba ay hindi mo
nakikita?
Ano ba ang puwede mong maitulong para mapaunlad ang agrikultura ng ating bansa. Di ka ba
magiging masaya kung ikaw mismo ay magiging instrumento para malabanan ang paglubog ng
ating agrikultura. Magmalasakit ka para naman maging kapaki-pakinabang sa ating madla at
para sa mga susunod na henerasyon na sisibol sa mga susunod na dekada. Umpisahan mo na
ngayon, huwag mamaya,huwag bukas o samakalawa kundi ngayon na!

You might also like