You are on page 1of 3

Tricia De Leon

Alam natin na walang pinipili ang sakuna. Kaya`t napakahalagang malaman


natin kung ano ang mga hakbang na maaring gawin ng isang pamilya sa
paghahanda laban sa sakuna.

Mga Dapat gawin:


 Maghanda ng mga supply para sa emergency.
Nangangailangan ng paghahanda ng mga ilawan upang may magamit kung
magkakaroon man ng kawalan ng kuryente at radyong de baterya para magkaroon
ng update tungkol sa sa bagyo. Laging magtabi ng pagkain, tubig, at emergency kit
sa inyong bahay.
Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit,
mga delata, kandila, posporo at mga iba pang mahahalagang gamit.

 Magkaroon o maging update sa impormasyon


Ugaliing makinig sa radyo o manuod ng TV para sa regular na anunsyo o babala sa
kalagayan ng bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kakilala.
 Alamin ang mga numero ng telepeno:
Mas mabuting alam mo ang numero ng telepeno ng iyong kaibigang nasa malapit at
malayong lugar.

 Gumawa ng escape plan at praktisin ito kung nanaisin.


Mas mainam na alamin ang pinakamabuting daanan sa paglikas mula sa inyong
bahay. Pag-usapan kung saan magkikita-kita ang inyong pamilya-gaya ng sa isang
paaralan-at sa isa pang mas malayo sa inyong lugar.
Alamin ang mga ligtas na lugar na maaring takbuhan bago pa man dumating ang
sakuna.

 Magplanong tumulong sa iba


Mabuting tumulong din lalo na sa mga matatanda at mga may sakit.
Mas mabuti rin na magtulungan upang mas maging ligtas ang isa`t isa.

You might also like