You are on page 1of 1

UNIT ASSESSMENT ARALING PANLIPUNAN 10

PANGALAN: _Alleyah Sobrepeñ a___ PETSA: Oct. 15, 2020


BAITANG AT SEKSIYON: 10-ORVILLE PUNTOS: _______________
I. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Paano maiiwasan ang epekto ng mga kalamidad sa inyong pamayanan na dulot ng:
a. Bagyo – Manatiling nakasubaybay sa mga anunsiyo ukol sa lagay ng panahon, bago, habang, at
pagkatapos ng bagyo. Siguraduhin ding nasa maayos na kalagayan ang bawat miyembro ng pamilya para
maiwasan ang kapahamakan.
b. Baha – Sikaping alamin ang katangian ng lugar na tinitirhan nang sa ganoon ay matiyak ang mga
gagawin sa oras ng pagbaha. Iwasan din ang paglalaro sab aha sapagkat maaari rin itong makapagdulot
ng sakit sa mga tao.
c. Lindol – Maging alerto sa anumang oras sapagkat hindi natin nalalaman o natitiyak kung kailan
magkakaroon ng lindol. Makiisa rin sa pagsasagawa ng “earthquake drill” sa iyong bayan o kaya sa
paaralan para sa mga kaalaman ukol sa lindol.
d. Landslide – Iwasang magtayo ng bahay sa mga matatarik na lugar o malapit sa bundok. Matuto rin
magtanim ng puno o makiisa sa mga programang nagtatanim ng puno dahil isa ito sa pinakamahalagang
gawin para maiwasan ang matitinding epekto ng mga kalamidad.

e. El Niñ o – Isa ito sa mga natural na kaganapan sa ating mundo, ngunit lumalala ito dahil sa mga
maling aktibidad ng mga tao. Ang mga puwedeng gawin ukol dito ay magtanim ng mga puno, at huwag
magsusunog lagi ng basura lalo na kung ito’y mga plastic.

f. La Niñ a – Ang kalamidad na ito ay nagdudulot ng matinding pag-ulan, at bunga din ng matinding
pagbaha. Para maiwasan ang ganitong mga epekto nito, huwag magtatapon ng mga basura kung saan-
saan dahil nakakabara ito sa mga daluyan ng tubig at nagdudulot ng pagbaha. Manatiling nakasubaybay
sa mga anunsiyo ukol dito.

2. Paano makatutulong sa paglutas ng climate change ang mga:

a. Mamamayan – Iwasan ang mga alam naman na maling aktibidad sa kalikasan, dahil sabi nga nila
“Ang pagsira ng kalikasan ay parang sinira mo na rin ang iyong buhay.” Makilahok sa mga
programang may layuning ayusin ang kapaligiran at magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa
cilamte change.
b. Pamahalaang Lokal – Magpatupad ng mga programa ukol sa pag-aayos ng kapaligiran upang
magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mamamayang kanilang nasasakupan. Sila rin dapat ang
nangunguna sa ganitong aktibidad.

c. Pamahalaang Pambansa – Gumawa ng batas na may layuning mapabuti ang kalagayan ng kalikasan. O
di kaya’y gumawa ng utos sa mga mas maliliit na pamahalaan na bigyang kaalaman ang bawat tao ukol
dito.
d. Mga pandaigdigang samahan – Hikayatin ang bawat bansa na ipatupad ang pangangalaga sa
kalikasan, hindi puro karapatan ng tao dapat ang ipinaglalaban, dapat pati rin ang kalikisan. Dapat ay
may kamalayan ang mga tao sa daigdig sa kalagyan ng kalikasan.

You might also like