You are on page 1of 1

Pagtataya bilang apat

Name: brian barrameda

Program & sections: BSIT 1-2

1. Batay sa bidyo saan nakaugat ang pangingibang bansa ng mga nars


Nakaugat ang pangingibang bansa ng ating mga nars mula pa noong pagsakop ng
amerika sa pilipinas noong 1898, ngunit ang pinaka malaking dahilan ngayon para sa
ating mga nars na umalis ng bansa ay ang mababang pasahod nito sa mga nars na kahit pa
ito ay nakapag tapos ng kolehiyo at nakakuha ng sapat na pag-aaral o pagsasanay ay
halintulad lang ng kanilang pasahod ang pasahod ng mga dyanitor or messenger. Isa pa sa
naging sanhi ng lubusang pangingibang bansa ng ating mga mangagawang nars ay ang
pagbaba ng ekonomiya ng pilipinas sa pamumuno ni Ferdinand marcos noong 1972.
Isinulong ng gobyerno ng pilipinas na mag export ng mga mangagawa nito sa ibang
bansa dahil sila ay nakakapagpadala ng milyon milyong dolyar sa kanilang mga pamilya
sa pilipinas.
2. Napaka laki ng epekto ng nito sa kung papaano kakaharapin ng pilipinas ang krisis pang
medical sa harap ng pandemya dahil halos buong mundo ay nagkakaroon ng kakulangan
sa mga nars, tumaas ang kanilang pangangailangan kaya nagkaroon rin sila sa pagtaas ng
pasahod at mga insentibo para sa mga nars. Mas lalong na enganyo ang mga nars sa atin
na lumipad at magtrabaho sa ibang bansa dahil dito. Tayo ang nawalan ng mga
manggagawa at mga nars para sa ating sariling komunidad at mga kapwa pilipinong
nagkaroon ng sakit na COVID 19 o ano mang pangangailangan ng atensyong medical.
3. Tulad nila ako rin ay may planong mangibang bansa, napaka raming oportunidad ang
meron sa ibang bansa na kailan man ay hindi ko maaring makuha sa pilipinas. Mas
marami ring mga bansa ang may maayos na sistema kumpara sa pilipinas at mas mataas
na pasahod.

You might also like