You are on page 1of 1

Bautista, Cristel V.

January 6, 2021
BS ECE – 3B KOMFIL

Mungkahing Gawain: Repleksyong Papel

Nadetek ng Hong Kong ang bagong UK Covid-19 variant na pasahero mula sa Pilipinas noong
Disyembre 22, 2020. Siya ay isang 30 years old na babae at Hong Kong resident. Ang bagong COVID-19
variant ay tinatawag na BC117, ito ay mas nakakahawa kumpara sa naunang virus ayon sa mga
siyentipikong pag-aaral, at una itong nadiskubre at nadetect sa United Kingdom noong Setyembre 2020.
Ayon sa Department of Health (DOH) noong Enero 2, 2021, wala pang kaso ng COVID-19 variant, hindi
pa nila alam ang resulta ng Hong Kong resident.

Ang isyung ito ay patungkol sa panibagong at karagdagang virus na kumakalat sa paligid. Ito ay
unang nadetect sa UK noong Setyembre at ngayon, ito ay nasa teritoryo na ng Pilipinas dahil sa bumalik
na pasahero.

Sa aking mga nabasa at napansin, nauna naconfirm ng Hong Kong ang bagong kaso ng virus
kaysa sa Philippine government, makikita na unaware ang mga gobyerno sa mga nangyayari ngayon.
Sinabi rin ni Duque na walang additional measures ang kailangan until may community transmission na
naganap. Mapapatunayan ang mabagal na pag-usad ng administrasyon sa Pilipinas.

Panibagong taon nanaman ng quarantine at lockdown dahil sa virus. Mas mabuti ng mag-inggat.
Dapat itest ng Department of Health (DOH) ang pamilya ng Hong Kong resident pati na rin ang mga air
and ground crews na nakasalimuha niya sa pagbyahe. Maisusuhestyon ko i-ban ang mga incoming at
outgoing na international flights sa ating bansa. At simulan na rin ang pagbibigay ng vaccine sa mga
mamayang Pilipino. Panatilihin ang social distancing at ang pagsusuot ng face mask at face shield kapag
lumalabas ng bahay, at magdala ng mga alcohol at hand sanitizer. At palaging magdasal sa Panginoon na
macontrol at matigil na ang kumakalat na virus.

REFERENCE:
https://cnnphilippines.com/news/2021/1/6/Hong-Kong-detects-UK-COVID-19-variant-from-Manila-
outbound-passenger-.html?fbclid=lwAR2

You might also like