You are on page 1of 2

Mga Katubigan sa Barangay ng Planas

Karamihan ng mga sapa o tulay sa planas ay marurumi,


maraming basura, puno ng mga plastick at kung ano ano pa.
Maraming mga tao ang nagtatapon ng mga basura galing sa
kanilang mga bahay at kadahilanan nito ay mga maruruming
katubigan sa ating paligid na nagkakaperwisyo din sa ating mga
buhay. Maaring makaapekto ang maruming katubigan sa atin
mga pang araw araw na buhay. Isa nalang doon ay ang
pagkakaroon ng ibat ibang sakit. Pati narin ang problema sa
ating kapaligiran kagaya ng ating katubigan, mga nalalanghap na
hangin at mga kalupaan.

Maraming mga sapa at katubigan dito


sa Barangay Planas ngunit halos lahat ng mga ito ay
napakarumi. Halimbawa na nalamang ng katulad sa
litratong ito. Ang litratong ito ay nakuha sa Purok 5.
Ang sapang ito ay maliit lamang ngunit ginawa itong
tapunan ng basura ng mga residenteng nakapalibot
dito. Nagiging marumi ang katubigan at ito’y nagiging
dahilan rin ng pagdami ng kaso ng Dengue sa ating
paligid.

Mas lalong naapektuhan ang ating mga kabarangay na


malapit ang kanilang bahay sa mga maruruming sapa na ito. Mas
malapitin sila sa sakit na Dengue, Diarhea, Asthma, at marami
pang iba. Maraming mga bata ang nagkakaroon ng sakit sa
kanilang katawan dahil sila ay lumaki sa ganitong kapaligiran.
Ayon sa aking nakalap na balita galing sa aking mga lolo ang mga
sapang ito ay nakapalinis at napakalalim na pede pa itong
mapagliguan. Nang dumating na ang panahon naging isa itong
problema sa pangkalikasan, at kalusugan.
Hind lamang sa isa ang maruming sapa, mayroon
ding maruming sapa sa tabi ng aming ikswela. Matagal na
ang mga tambak na basurang ito. Maging ito ay may
epekto rin sa mga mag aaral at gurong nandito sa ating
paaralan. Halimbawa na lamang ang masangsang na
amoy nito at maari rin itong mapanggalingan ng mga
lamok at Dengue.

Ang mga ganitong suliranin sa pangkapaligiran


ay dapat nang masulusyunan na. Ang mga basurang
ito ay magbabalik sa atin ng maraming problema.
Dapat na matutunan ng mga mamayan sa ating
barangay or komunidad ang tamang paraan ng
pagtatapon ng basura. Dapat rin na magkaroon ang
bawat isa ng disiplina.

You might also like