You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN
a. nasusuri ang gamit at tunguhin ng isip at kilos,
b. nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob,

Day 2
c. naipapaliwanag na ang isipt at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, at;
d. nagagamit ang isip at kilos-loob sa paggawa ng pasya at kilos tungo sa katotohnan at kabutihan

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Isip at Kilos-Loob
b. Sanggunian: Modyul 5: Isip atKilos-Loob
Edukasyon sa Pagpapakatao
Pahina 117 - 136
c. Kagamitan: Mga Larawan, Pisara, I.C.T., Handouts

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagtala ng lumiban sa Klase
3. Balik-aral
4. Pagganyak

 Magpakita ng larawan ng mga sumusunod:


 Halaman
 Hayop
 Tao
 Isip
 Puso
 Kamay
 Magtanong ng mga katanungang maguugnay sa mga larawan sa paksang aralin.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagtatalakay
a. Ano ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng Isip at Kilos-loob sa isat-isa?
b. Sa papaanong paraan natin gagamitin ng tama ang ating kakayahan na magisap at
kakayahang pumili?
c. Sa papaanong paraan natin maipapakita ang ating pgapapahalaga sa ibang may buhay na
likha rin ng ating may kapal?
Gawain:
Panuto: Isa-isahin ang kakayahan o katangiang taglay ng bawat nilikha at ilista ito sa
hanay ng bawat nilikha. Gamitin ang tsart bilang panuntunan at sagutin ang mga
sumusunod na mga katanungan.
KAKAYAHAN
Halaman Hayop Tao

1. Ano ang Pagkakatulad ng tatlong nilalang?


2. Ano ang pagkakaiba nila sa isat-isa?
3. Alin sa tatlong ito ang nakakahigit sa lahat?
d. Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, ano ang ating gagawin at iisipin kapag tayo ay
nahaharap sa mga situwasyong napipilitan tayong gumawa ng kamalian gayon din ang
kabutihan?
Gawain:
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na mga situwasyon. Bilang isang nagbibinata at
nagdadalaga, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga situwasyong ito. Isulat sa loob ng
bilog ang iyong dapat isipin at sa parehaba naman ang iyong dapat gawin. Isulat ito sa
iyong kwaderno.

Nagmamadali kayong magkaibigan.


Malayo pa ang overpass o tulay kaya
kahit na may nakasulat na “Bawal
Tumawid Dito” hinikayat ka ng iyong
kaibigang tumawid na hindi dadaan
sa overpass. Ano ang iyong iisipin at
gagawin?

Dahil sa pag-uwi mo ng gabi at hindi


nagpaalam sa iyong mga magulang,
sinita ka nila at hinihingian ng
paliwanag. Takot kang sabihin ang
totoo dahil baka lalo kang pagalitan.
Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Mahaba ang pila sa kantina, nakita


mong malapit na sa unahang pila ang
iyong best friend at niyaya ka niyang
pumwesto na sa kanyang likuran
upang mapadali ang pagkuha mo ng
pagkain. Ano ang iyong iisiipin at
gagawin?

May iniinom kang juice, ng maubos


ito wala kang makitang basurahan
kaya’t sabi ng kaibigan mo, itapon
mo na lang ito sa iyong dinadaanan.
Ano ang iyong gagawin at iisipin?

Pakiramdam mo ikaw ang pinag-


uusapan at pinagtatawanan ng
dalawa mong kaklase. Nasabi mo ito
sa iyong kaibigan at ang sabi niya
komprontahin ninyo pagkatapos ng
klase. Ano ang iisipin at gagawin mo?
Day 2
e. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “Kawangis ng Diyos”?
f. Paano nagbubukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Day 2
Gawain
Panuto: Anong konsepto ang naunawaan mo mula sa paksang aralin. Sagutin ito sa iyong kwaderno gamit ang
graphic organizer.

Ang tao ay _____________ na nilalangdahil siya ay may:

Isip na Kilos – Loob na


__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________

Ang gamit ng Isip ay Ang gamit ng kilos-loob ay


__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________

Ang tunguhin ng isip ay Ang tunguhin ng kilos-loob ay


__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________

2. Paglalapat
a. Paano naipapakita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw araw na kilos?
Day 2

IV. PAGSUSULIT

Panuto: Sagutin ang mga suusunod na mga katanungan.. Isalat ito sa inyong kwaderno.

1–3 Isa-isahin ang tatlong uri ng nilalang na may buhay sa ating mundo ayon sa ating natalakay.
4 Ibigay ang pagkakaugnay ng tatlong uri ng buhay sa bawat isa.
5–8 Bakit sinasabing ang tao ay kawangis ng Diyos? Magbigay ng 4 na Dahilan.
9 – 10 Ibigay ang ibig ipakahulugan ng salitang Isip at Kilos-Loob ayon sa napag-aralan.

V. KASUNDUAN
Panuto: Gawin ang sumusunod na aktibidad. Sundan ang sumusunod na mga hakbang.

Step 1: Mula sa mga nakatalang tungkulin sa bahaging pagganap, magbigay ng limang halimbawa o gampanin
na nais mong paunlarin upang magtugma ang alam ng isip sa ginagawa ng iyong kilos.
Step 2: Tukuyin din ang paraan o hakbang na iyong gagawin. Sa tapat ng bawat paraan ay maglagay ng pitong
kolum na kakatawan sa pitong araw na mayroon sa isang lingo.
Step 3: Lagyan ng tsek kung naisagawa at ekis kung hindi. Gawin ito sa loob ng 1 linggo.

Tungkulin na nais Paraan o Hakbang na Araw


isakatuparan Gawain

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado
Linggo

Martes
Lunes

Halimbawa: Suriin ang Liriko ng


x

awitin
Pumili ng Musikang Maging Sensitibo sa
Pakikinggan idinudulot na epekto nito
x

sa akin.

You might also like