Professional Documents
Culture Documents
Ang Istrukturang Panlipunan ay nahahati naman sa apat; ito ay ang Institusyon, Social Group,
Status at Gampanin o Roles.
2. Social Group – tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
Primary Group – tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal.
Kadalasasang maliit lang ang bilang at binubuo ng pamilya o mga kaibigan.
Secondary Group – tumutukoy sa pormal na ugnayan ng mga indibidwal sa isa’t isa.
Ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan ay karaniwang nakatuon sa pagtupad ng
isang gawain.
Folkways – ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o isang
lipunan sa kabuuan.
Mores – tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga
mores ay magdudulot ng legal na kaparusahan.
4. Simbolo (Symbols) – ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit
nito. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging
possible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan. (White, 1949)
Binigyang-kahulugan ng Republic Act No. 9003 na kilala bilang Solid Waste Management Act of
2000 ang solid waste bilang mga itinapong basura na nanggagaling sa mga kabahayan at komersyal na
—------------------------------- Iluvuue -------------------------------—
establisimyento, mga nonhazardous na basurang institusyunal at industriyal, mga basura na galing sa
lansangan at konstruksiyon, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura, at iba pang basurang
hindi nakalalason.
Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) - nakasaad sa batas
na ito ang mga alituntunin sa wastong pamamahala ng basura at pagpapatupad ng mga
programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang
itinatapon. Ilan sa mga nilalaman ng batas na ito ay ang sumusunod:
Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology
Center
Pagtatatag ng Materials Recovery Facility
Pagsasaayos ng mga tapunan ng basura
Ang Materials Recovery Facility (MRF) ay ang pinaglalagyan ng mga nakolektang nabubulok na
basura upang gawing compost o pataba ng lupa. Dito rin pansamantalang inilalagak ang mga balik-
gamit (recyclables) na bagay tulad ng bote, plastic, papel, lata, at iba pa. Isinasagawa rin dito ang
pagbubukod ng mga basurang nakolekta mula sa pinagmulan.
Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Malaki ang pakinabang na nakukuha ng ating bansa
mula rito. Maraming Pilipino ang kumikita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman tulad ng
pagtatanim at pangingisda. Ito rin ang pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa
pagbuo ng mga produkto sa iba’t ibang pagawaan o pabrika.
Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula sa mga likas na yaman, patuloy itong nasisira at
nauubos dahil sa mapang-abusong paggamit dito. Ang pagtaas ng demand dahil sa lumalaking
populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa
kalikasan, at mga natural na kalamidad ay banta rin sa likas na yaman.
Dahil sa patuloy na pagkasira ng kagubatan at iba pang mga pinangkukunang yaman, maraming
batas ang ginawa upang matuldukan na ang mga ito. Maraming batas ang pinagtibay sa iba’t ibang
Pagmimina
Ang pagmimina o mining ay ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-
metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto.
Pagku-quarry o Quarrying
Ang pagku-quarry o quarrying ay ang paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba
pang mineral mula sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena. Ginagawa ang
pagku-quarry sa mga bundok at sa mga tabing dagat. Ginagamit sa paggawa ng mga gusali, kalsada,
tulay, bahay, at marami pang iba ang mga bagay na nagmumula sa pagku-quarry.
Climate Change
Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo o ang ay ang
abnormal na pagbabago ng klima tulad ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at
malakas na pag-ulan sa isang lugar.
May dalawang sanhi ng climate change ayon sa mga pag-aaral. Una, ang natural na pagbabago
ng klima ng buong mundo. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng
mundo at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na
bumabalot sa mundo. Ang ikalawa ay ang gawain ng tao na nakapagpapataas sa konsentrasyon ng
carbon dioxide at iba pang greenhouse gases sa atmospera. Ilan sa mga ito ay paggamit ng mga fossil
fuels gaya ng langis at coal, at ang pagputol ng mga puno na sanhi ng pagkakalbo ng mga kagubatan
Ang climate change ay maraming masamang epekto hindi lang sa kapaligiran kundi pati na rin
sa mga tao. Ang global warming o pag-init ng temperatura ng mundo na siyang palatandaan ng climate
change ay nagdudulot ng sakuna kagaya ng heatwave, baha, malalakas na bagyo, at tagtuyot na
maaring magdulot ng pagkakasakit at pagpakamatay.
Termino Kahulugan
Hazard Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng tao na
maaaring sanhi ng pinsala, buhay, ari-arian, at kalikasan. May
dalawang uri ng hazard, ito ay ang
Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard- ito ay
mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Halimbawa nito
ay ang mga basura na itinatapon kung saan saan at maitim
na usok na ibinubuga ng mga pabrika.
Natural Hazard – ito naman ay mga hazard na dulot ng
kalikasan. Halimbawa nito ay ang lindol, tsunami, landslide, at
storm surge.
Disaster Mga pangyayari na nagdudulot ng pinsala sa tao, kapaligiran,
at mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay maaaring resulta ng
hazard, vulnerability o k a h i n a a n , a t kawalan n g kakayahan
n g isang pamayanan na harapin ang mga hazard.
Vulnerability Ang kahinaan ng tao, lugar, at imprastruktura na may mataasna
posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang mga kalagayang
heograpikal at antas ng kabuhayan ang kadalasang
nakaiimpluwensiya sa kahinaang ito.
Halimbawa, mas vulnerable ang mga taong naninirahan sa paanan
ng bundok at ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na materyales.
Risk Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng isang
kalamidad o sakuna. Ang mababang kapasidad ng isang pamayanan
Ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang paraan upang ang mga mamamayan
ang siyang tutukoy, susuri, tutugon, susubaybay, at tataya sa mga risk na maaari nilang maranasan lalo
na ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad. Isa itong paraan upang maiwasan ang
malaking pinsala sa buhay at ari-arian at maisabuhay ng mga tao sa isang komunidad ang kahalagahan
ng pagiging handa.
Layunin ng CBDRM:
Bumuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran
nanakasalalay sa mabuting pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster
management plan.
Maging disaster-resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based
Disaster and Risk Management Approach
Pagkatapos ng Bagyo
1. Manatili sa loob ng bahay kung wala pang opisyal na balita na nakaalis na ang bagyo sa
bansa.
2. Kung lalabas, mag-ingat sa mga naputol na kable ng kuryente na nakakalat sa daan.
3. Makinig sa radyo o manood ng TV upang malaman ang pinakahuling balita tungkol sa bagyo.
4. Siguraduhin na walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig. Itapon ang mga
naipong tubig sa mga gulong, lata, o paso upang hindi pamahayan ng lamok.
Bago Lumindol:
1. Makilahok sa mga earthquake drill.
2. Laging may handang emergency kit na naglalaman ng mga kakailanganin tulad ng bottled
water, de latang pagkain, gamut, at iba pang mahahalagang kagamitan sa panahon ng paglikas.
3. Mahalaga rin na maging pamilyar sa mga exit route ng inyong tahanan, lugar ng trabaho, at
paaralan. Alamin din kung saan nakalagay ang fire extinguisher at first aid kit.
—------------------------------- Iluvuue -------------------------------—
Habang Lumilindol:
1. Umiwas sa mga puno, poste, linya ng kuryente, at estruktura kung sakaling nasa open area.
2. Magtago sa isang matibay na mesa at manatili doon upang maprotektahan ang sarili sa
maaaring bumagsak na bagay na nasa loob ng gusali.
3. Siguraduhin na laging pumunta sa ligtas na lugar.
4. At napakahalaga na kalmado at maging alerto upang malaman ang dapat gawin
sa mga panahon na katulad nito.
Pagkatapos Lumindol:
1. Lumabas agad sa gusali, bahay, o paaralan kapag huminto na ang pagyanig.
Siguraduhing ligtas ang mga kasama at alamin kung may injury.
2. Magdala ng emergency kit kung kinakailangang lumikas.
3. Lumikas kung pinalilikas.
Ayon sa mga ginawang pananaliksik, ang isa pang paraan ng pagtataya upang
matukoy ang panangib na maaaring maranasan sa isang partikular na lugar ay ang
pagsasagawa ng hazard mapping at timeline of events.
Ang Hazard Mapping ay ang proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring
makaranas ng panganib at ang mga elemento na maaaring maapektuhan nito tulad
ng mga imprastraktura, agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan.
Additional Reviewer
Test A
A. Emile Durkheim B. Karl Marx C. Charles Cooley
Question Answer
1. Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng B. Karl Marx
kapangyarihan.
2. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung A. Emile Durkheim
ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan
ng maayos ang kanilang tungkulin.
3.Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit A. Emile Durkheim
magkakaugnay na pangkat at institusyon
4. Ito ay pag-aagawan ng mga tao sa limitadong B. Karl Marx
pinagkukunangyaman upang matugunan ang
kanilang pangangailangan.
5. Ang lipunan ay binubuo ng tao na may C. Charles Cooley
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
6. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit A. Emile Durkheim
magkakaugnay na pangkat at institusyon.
7. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa C. Charles Cooley
pamamagitan ng maayos na interaksyon ng mga
mamamayan.
8. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang C. Charles Cooley
kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
Test B
Question Answer
1. Ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan Institusyon
sa isang lipunan. Ito ay masasabing isang
organisasyon na nabuo upang makamit ang isang
misyon, layunin o tunguhin.
2. Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong Social Group
may magkakatulad no katangian na nagkakaroon
ng ugnayan sa bawat sa isa at bumubuo ng isang
ugnayang panlipunan
3. Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan Status
ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating
pagkakakilanlan o identidad ay
naimpluwensiyahan ang ating estado sa lipunan.
4. May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob Gampanin o Roles
ng isang social group. Ang bawat posisyon ay may
kaakibat na tungkulin. Ito ay tumutukoy sa mga
karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng
lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.
5. Ito ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan Kultura
na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan o
isang lipunan sa kabuuan.
6. Ito ay tumutukoy sa anumang basura, mga Solid Waste
kalat, mga duming tinanggal sa isang water
treatment facility, o kahit ang mga duming
finanggal sa air pollution control facility,
anumang bagay na itinapon.
7. Ito ay isang pangyayaring natural sa kima at Climate Change
panahon na nakikita at nararanasan sa daigdig
subalit sa paglipas ng panahon ay lumala at
naging mas mapanganib sa lahat ng nilalang.
8. Ito ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng Global Warming
katamtamang temperatura ng himpapawid at
mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang
dekada.
9. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring Hazard
dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi
maiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa
buhay, ari-arian, at kalikasan.
10. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na Disaster
nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
Gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o
gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon.
11. Ito.y tumutukoy sa tao, lugar, at Vulnerability
imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard. Kadalasang
naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal.
12. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa Risk
Test C
Approach Answer
Bottom-Up Approach A, C, E
Top-Down B, D
A. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa
pamayanan.
B. Ang mga batas ay nagmumula sa pamahalaan na dapat sundin ng lahat ng mamamayan.
C. Pamumuno ng lokal na pamayanan.
D. Sa pamahalaan lahat manggagaling tulong sa oras ng kalamidad.
E. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang
komunidad.
Test D
a. Disaster Prevention and Mitigation
b. Disaster Preparedness
c. Disaster Response
d. Disaster Recovery and Rehabilitation
Question Answer
1. Pagsasagawa ng hazard-mapping. a. Disaster Prevention and Mitigation
2. Pagtataya kung gaano kalawak ang pinsalang c. Disaster Response
dulot ng isang kalamidad.
3. Pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na a. Disaster Prevention and Mitigation
maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay
mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang
partikular na panahon.
4. Paggawa ng historical profile o timeline of a. Disaster Prevention and Mitigation
events upang makita kung ano-ano ang mga
hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano
kadalas, at kung alin sa mga ito ang
pinakamapinsala.
5. Pagtukoy sa mga pangunahing c. Disaster Response
pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad
tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot.
6. Pagsasagawa ng vulnerability and capacity a. Disaster Prevention and Mitigation
assessment.
7. Pagbibigay ng paalala at babala sa mga b. Disaster Preparedness
mamamayan.
8. Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng d. Disaster Recovery and Rehabilitation
sistema ng komunikasyon at transportasyon,
suplay ng tubig at kuryente.
9. Pagbuo ng disaster management plan, a. Disaster Prevention and Mitigation
pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa
ng mga ordinansa at batas.
10. Pagtukoy sa bahagya o pangkalahatang c. Disaster Response
Test E
Question Answers
Mga Institusyong Panlipunan 1. Pamilya
2. Relihiyon
3. Edukasyon
4. Ekonomiya
5. Pamahalaan
Dalawang Uri ng Social Group 1. Primary Group
2. Secondary Group
Dalawang Uri ng Status 1. Ascribed Status
2. Achieved Status
Dalawang Uri ng Kultura 1. Materyal na Kultura
2. Hindi Materyal na Kultura
Elemento ng Kultura 1. Beliefs
2. Valies
3. Norms
4. Symbols
Mga Uri ng Solid Waste 1. Residential
2. Commercial
3. Institutional
4. Industrial
5. Special / Residual / E-Waste
Mga Dahilan ng Deforestation sa Pilipinas 1. Illegal Logging
2. Migration
3. Pagtaas ng Populasyon
4. Fuel Wood Harvesting
5. Pagmimina
Test F
Isyung Personal Pagkakatulad Isyung Panlipunan
Test G
Top-Down Approach Pagkakatulad Bottom-Up Approach