You are on page 1of 1

Aralin Panlipunan

Lising, Hanna Samantha (LEADER)


Lopez, Philippe Miguel
Loyola, Aethan Jin
Lozano, John Patrick
Lozano, Mark Jervy
Lerit, Athaliah Jhanice
Lopez, Harlene
Lopez, Lindsay
Lucas, Anli Yoj

“KARAPATAN”
a spoken poetry by group 4

Karapatan, Karapatan, ito ay madalas na naaapakan,


Yung tila ba na, hindi na nila ito iginagalang.
Nasan nga ba ang ating Kalayaan?
Ito ba ay nawawala? o di kaya'y hinahadlangan lamang ng iba.

sa mundo'y dalawang kasarian lamang ang kinikilala,


ang babae at lalaki, ngunit paano naman ang iba?
may karapatan din silang makilala at makita.

Imbis na husgahan, bakit hindi nalamang natin sila igalang,


Tulad ng pag galang natin sa iba,
Pag galang na likas na sa mga tao nang maisilang sila sa lupa.
Kung kaya't bakit ipinag kakait ang ibinibigay sa iyo nang hindi pilit?

Respeto ang kinakailangan ng bawat indibidual,


Respeto na ibinibigay natin sa mga karaniwang kasarian.
Sa ganitong paraan,
Maipaparamdam na sila ay may mga sariling karapatan.

Sa mga bawat kilos, bawat kibot,


Ito ay may karampatang maaring humiwa,
hindi lamang sakanilang mga damdamin o emosyon,
kundi pati narin sa ating mga kalayaan.

Dapat nating igalang ang ating karapatan,


Dahil Karapatan, karapatan ang syang maghahatid satin tungo sa kaginhawaan,
Kaginhawaan na maaaring mag bigay sa atin ng magandang kinabukasan.
Magbigay ng oportunidad at lakas ng loob na saati’y maidadala,
sa pag harap sa mga panlalait na ibabato nila.

You might also like