You are on page 1of 1

Pagod na ako, hindi ko na kaya

a spoken word poetry written by Hanna Lising

"Pagod na ako, hindi ko na kaya"

Mga salitang binibigkas ng ating mga bibig,

Na tila ba’y may malalim na ipinapahiwatig.

Marahil ito ay mula sa mga problemang pang pa-aralan,

Dahil hindi sapat ang ating kakayahan,

At katalinuhan upang makipag paligsahan.

O dika’y ito ay mula sa pagmamahalan,

pagmamahalang hindi kayang ipaglaban ng sino man.

Kung hindi sapat at tunay ang nararamdaman.

May mga oras na, nilalamon tayo ng sobra ng ating mga emosyon,

Na nagdudulot satin upang gumawa ng maling desisyon.

At umakto nang hindi naaayon sa sitwasyon.

Iniisip natin na, baka yun yung solusyon,

Ngunit hindi pala iyon magandang desisyon.

Kahit anong tandahana saati'y nakalaan,

piliing lumaban para sa kinabukasan.

Ayos lang na magpahinga at huminto,

ngunit dapat ipagpatuloy mo pa rin kung ano ang iniwan mo.

You might also like