You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
BAMBAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Bambad, Isulan, Sultan Kudarat

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod:

a) Nakatutukoy ng gramatikal, diskorsal, at istratedyik na kasanayang komunikatibo;


b) Naipaliliwanag ang gramatikal, diskorsal, estratedyik sa pagsasalaysay ng orihinal na
Anekdota sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kooperasyon sa klase; at
c) Nakabubuo ng kahusayang gramatikal, diskorsal, at estratedyik sa pagsulat at
pagsalaysay ng orihinal na anekdota.

II. PAKSANG ARALIN


a) Paksa: Panitikan: Mula sa anekdota ni Saadi (Anekdota mula sa Persia/Iran)
Gramatika at Retorika: Gramatikal, diskorsal, at estratedyik sa pagsasalaysay ng orihinal na
anekdota
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
b) Sanggunian: https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/7125/mod_resource/content/5/
index.html
c) Kagamitang Pampagtuturo/Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning
Resource: Powerpoint Presentation, Aklat.
d) Pagpapahalaga: Dedikasyon sa pagkatuto

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
 Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
2. Pagbati
 Magandang Hapon sa inyong lahat!
3. Pagtala ng Lumiban
 Class monitor, pakitala ang mga lumiban sa klase.
4. Pamantayan sa Klase
 Bago natin simulan ang talakayan ngayon, atin munang tandaan ang mga dapat
gawin ng isang mabuting mag-aaral sa oras ng klase.
5. Pagpasa ng takdang-aralin
 Ipasa ang mga takdang-aralin sa harapan ng walang ingay.
6. Pagbabalik-Aral
 Gabay na tanong:
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang sesyon?

B. Panlinang na Gawain

1. Gawaing Pagkatuto 1: Pagganyak


Panuto: Panuorin, pakinggan at unawain ang video tungkol sa salaysay na
ipinahayag ni Joey Ayala.
Mga gabay na tanong:
1. Ano sa palagay mo ang layunin ng tagapagsalaysay sa video na iyong
napanuod?
2. Para sa iyo, naging epektibo ba siya sa kaniyang pagsasalaysay at
naabot niya kaya ang kaniyang layunin?
2. Gawaing Pagkatuto 2: Pagtalakay ng Aralin
Ang anekdota ay isang akdang tuluyan na karaniwang nagsasalaysay ng
kakaiba o kakatuwang kaganapan na hango sa tunay na buhay.
Bucu et. Al
Kadalasan, ang mga kilala o sikat na tao ang nakapagbabahagi ng
kapuna-punang anekdota.
Karaniwang gamit din ang anekdota bilang panimula para makuha ang
atensyon ng mambabasa, tagapakinig, o manonood, at gamit din bilang pang-
ugnay sa paksang talakayin.
Proseso ng Pagsulat
Epektibo ito sapagkat maikli man, nakakatuwa ito at nag-iiwan ng aral.
Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kakapulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
MGA KASANAYANG KOMUNIKATIBO
Sa isang anekdota, napakahalaga magamit ang sumusunod pasulat man o
pasalitang pasalaysay.
1. Ang kahusayang gramatikal ay natutuhan sa pag-aaral ng sistema at
porma ng wika.
2. Ang kahusayang diskorsal ay nakukuha sa praktikal at
pangkaraniwang gamit ng wika sa pang-araw-araw.
3. Ang kahusayang istratedyik ay ang paggamit ng berbal at di-berbal
na mga hudyat para sa mas malinaw at epektibong komunikasyon.
Halimbawa ng anekdota:
Noong ako ay nasa kolehiyo, naging parte ako ng isang produksyon para sa
anibersaryong Departamento ng Agham at Sining sa aiming unibersidad. Dito, ako ay
nagging host ng konsiyerto kung saan nagtanghal ang mga bandang Sandwich at Pupil.
Bahagi ng bandang Sandwich si Raymond Marasigan, habang bahagi naman ng
bandang Pupil si Eli buendia, na kapwa naging bahagi naman ng matuturing na
pinakasikat na banda noong 1990s, ang Eraserheads.
Habang nasa backstage, hindi na ako nahiya at talaga namang inabangan ko
ang kanilang pagdating! Una kong nakilala si Raymund at ang Sandwich, na pawang
mga makukulit at masasayang kakuwentuhan. Si Ely naman, kasama ang bandang
Pupil, ay nakilala ko rin bagama't saglit lamang ang aming pag-uusap. Ang
pinakamahalaga, nakapagpa-picture ako sa bawat isa sa kanila na aking mga idolo
pagdating sa OPM, may selfie pa!
3. Gawaing Pagkatuto 3: Analisis
Kailangan nating ayusin ang sistema at porma ng ating pagsulat at
pagsasalaysay. Bakit kaya?
PAGGAMIT NG KASANAYANG GRAMATIKAL, DISKORSAL, AT
ESTRATEDYIK SA PAGSULAT AT PAGSALAYSAY NG ORIHINAL NA ANEKDOTA

GRAMATIKAL
PAG-ISIPAN NATIN!
Ako ay nasa kolehiyo, naging parte ako ng isang produksyon sa anibersaryo ng
Departamento ng Agham at Sining sa aming unibersidad. Dito, ako ay naging host ng
konsiyerto nagtanghal ang mga bandang sandwich at Pupil.
Maayos na bersyon
Noong ako ay nasa kolehiyo, naging parte ako ng isang produksyon para sa
anibersaryo ng Departamento ng Agham at Sining sa aming unibersidad. Dito, ako ay
naging host ng konsiyerto kung saan nagtanghal ang mga bandang Sandwich at
Pupil.

Ang kahusayang diskorsal ay nakukuha sa praktikal at pangkaraniwang gamit ng wika


sa pang-araw- araw.
DISKORSAL
PAG-ISIPAN NATIN!
Habang nasa backstage, hindi na ako nahiya at talaga namang inabangan ko
ang kanilang pagdating! Una kong nakilala si Raymund at ang Sandwich, na pawang
mga makukulit at masasayang kakuwentuhan. Si Ely naman, kasama ang bandang
Pupil, ay nakilala ko rin bagama't saglit lamang ang aming pag-uusap. Ang
pinakamahalaga, nakapagpa- picture ako sa bawat isa sa kanila na aking mga idolo
pagdating sa OPM, may selfie pa!

Ang kahusayang istratedyik ay ang paggamit ng berbal at di- berbal na mga


hudyat para sa mas malinaw at epektibong komunikasyon.
Para sa anekdota na inaasahang maging kakaiba o nakakatawa, malaki ang papel na
ginagampanan ng kahusayang istrtatedyik. Makikita sa paggamit ng mga berbal at di
berbal na hudyat ang lakas ng dating ng isang anekdota.
ISTRATEDYIK
PAG-ISIPAN NATIN
Habang nasa backstage, hindi na ako nahiya at talaga namang inabangan ko
ang kanilang pagdating! Una kong nakilala si Raymund at ang Sandwich, na pawang
mga makukulit at masasayang kakuwentuhan. Si Ely naman, kasama ang bandang
Pupil, ay nakilala ko rin bagama't saglit lamang ang aming pag- uusap. Ang
pinakamahalaga, nakapagpa- picture ako sa bawat isa sa kanila na aking mga idolo
pagdating sa OPM, may selfie pa!

4. Gawaing Pagkatuto 4: Abstraksiyon

Panuto: Basahin at tukuyin ang mga ginamit na kasanayang gramatikal, diskorsal,


estratedyik sa orihinal na anekdota.
Mula sa anekdota ni Saadi
Mongheng Mohametano sa kaniyang Pag-iisa.

Isang araw, may isang mongheng Mohametano na nag-iisa at namamanata sa disyerto.


Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang
nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng
Mohametano habang dumadaan siya.

Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad
siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”

Kung kaya’t ang ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong
mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”

Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa
kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang
mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”

5. Gawaing Pagkatuto 5: Aplikasyon

Sumulat ng isang anekdota batay sa sariling karanasan gaya ng nakakatuwang


pangyayari na nagbibigay-aral sa iyong buhay.
IV. EBALWASYON
Isulat sa sangkapat na papel (1/4) at piliin ang salita sa kahon ng tamang sagot.

anekdota Dagli diskorsal gramatikal


pagsasalaysay istratedyik pamimula

1. Ang ay ang paggamit ng berbal at di- berbal na mga hudyat para sa mas malinaw at
epektibong komunikasyon.

2. Ang ay isang akdang tuluyan na karaniwang nagsasalaysay ng kakaiba o


kakatuwang kaganapan na hango sa tunay na buhay.

3. Ang ay natutuhan sa pag-aaral ng sistema at porma ng wika.

4. Ang ay nakukuha sa praktikal at pangkaraniwang gamit ng wika sa pang-araw- araw.


5. Karaniwang gamit din ang anekdota bilang para makuha ang atensyon ng
mambabasa, tagapakinig, o manonood, at gamit din bilang pang-ugnay sa paksang talakayin.

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Sa isang kalahating papel (½), isulat at sagutan ang isang katanungan. Ang magiging
sagot ay binubuo ng 150 na salita.

1. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit kailangang malikahain sa pagsulat ng


anekdota?

Inihanda ni:

HARRIS B. PINTUNGAN
Pre-service Teacher

Inobserbahan ni:

SARAH GRACE E. BELARMINO


Cooperating Teacher

You might also like