You are on page 1of 5

Paaralan Lucena West 1 Elementary Shool Antas Ikaanim

Guro May Ann Rhea L. Garay Asignatura FILIPINO


GRADE 6 Petsa February 20-21, 2023 Markahan Ikatlo
DETAILED
LESSON PLAN
I. Layunin Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan.
A. Pamantayang pangnilalaman Naisusulat ang lagom o buod ng tekstong napakinggan.
B. Pamantayan sa pagganap Naitatala ang mga mahahalagang impormasyon mula sa ulat at tekstong
pang imposrmasyon.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
II. Paksang Aralin
A. Sanggunian BINHI Wika at Pagbasa para sa Elementarya
1.Mga pahina sa gabay ng guro
2.Mga Pahina sa kagamitang Pahina 40-50
pang mag-aaral
3.Mga pahina sa teksbuk Pahina 40-50
III. Pamamaraan
A. Balik-aral Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang buod?
2. Ano ang ating mga dapat tandaan sa pagbibigay ng buod o lagom
ng isang teksto?
3. Ano ang kahalagahan nga pagbubuod?
4.

5. Pagganyak Panoorin ang kwento sa link at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
https://www.youtube.com/watch?v=SUyGq_DHQ0o
Mga Tanong:
1. Sino – sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Saan naganap ang kwento?
3. Ano ang nangyari sa prinsipe at sa pulubi?
4. Ano ang ginawa ng pulubi?
5. Ano ang nalaman ng prinsipe ng manirahan siya sa labas ng
palasyo?
6. Nakabalik na ba ang prinsipe sa palasyo?

6. Paglalahad at Pagtalakay Pagpansin sa detalye ng kwento


Ang detalye ay tumutukoy sa mhahahalagang impormasyon na maaaring
tuwiran o di-tuwirang binanggit sa kuwento. Ang mga detalyeng di-
tuwirang binabanggit sa kuwento ay madaling nahihinuha batay sa iba
pang pangyayari sa kuwento.
Ang mga tauhan, lugar na pinangyarihan, pangyayari, damdamin, at iba
pa ang bumubuo sa detalye. Karaniwan itong sumasagot sa tanong ns
sino, ano, saan, kalian, paano at bakit.

Banghay ng isang kuwento.


Ito ay binubuo ng limang mahahalagang pangyayari.
1. Panimulang pangyayari/ eksposisyon – nakikilala ang mga tauhan
ng kuwento lalo n ang katangian at pagkatao ng pangunahing
tauhan, dito rin agad nahihinuha ang maaaring maging suliranin
ng pangunahing tauhan
(Ano ang panimulang pangyayari sa kuwentong napanood?)
2. Pataas na aksiyon – ipinapakita rito ang hangarin ng pangunahing
tauhan na hadlangan ang sino man o ano mang makakatunggali
niya
(Ano pataas na aksiyon sa kuwentong napanood?)
3. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian at ginigising ang
pananabik dahil dito pagpapasiyahan ang kapalaran ng
pangunahing tauhan
(Ano ang kasukdulan sa kuwentong napanood?)
4. Pababang aksiyon – dito nakikita ang magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan. Sa bahaging ito sadyang ibinibitin ang
pananabik sa kahihinatnan niya.
(Ano ang pababang aksiyon sa kuwentong napanood?)
5. Wakas/resoslusyon – dito ipinakikita ang tiyak na sinapit ng ng
pangunahing tauhan/ mayroon ding ipinauubaya sa mambabasa
(Ano ang wakas sa kuwentong napanood?)

7. Pinatnubayang Pagsasanay Basahin ang kuwento at isulat ang lagom/buod nito.

Ang Kabayo at ang Pulang Tandang


Sa isang bukid, mayroong isang matangkad na kabayo. Lagi niyang
sinasabing, “isang kasiyahan ang maging mataas. Oh talagang maganda
na maging matangkad.” “Ah, hindi, mas magandang maging maliit
lamang. Sa totoo lang, mas mainam ang maging maliit,” ang sambit ni
Pulang Tandang. “Sige nga, tayo’y maglakad at malalaman natin,” agad
namang tugon ni kabayo.
Sa kanilang paglalakad, nakakita sila ng isang pader. Maraming puno sa
may gilid nito. Talagang alaga sa pataba ang mga puno dahil sa malalabay
nitong dahoon. Kaya nga, guston gusto itong dapuan hindi lang ng iisang
ibon kundi ng kawan ng mga ito. Agad na tumakbo si kabayo palapit dito.
Kinain ng kinan ni kabayo ang mga dahoon nito habang titingala-tingala
lamang sa kaniya si Pulang Tandang. “Tingnan mo, sabi ko na sayo, mas
magandang matangkad,” ang sabi ni kabayo nang lumapit siyang muli
kay Pulang Tandang. “Lumakad pa tayo s abanda roon, malalaman pa
natin,” ang sabi ni Pulang Tandang.
Napatigil ang dalawa sa kanilang paglalakad. Sa bandang unahan nila’y
may napakataas na pader. Bagaman matangkad si kabayo, hindi ito sapat
para masilip ang nasa likod niyo. Nilibot ni pulang tandang ang bahagi ng
napakataas na apder. Napatilaok siya sa tuwa nang may magkita siya sa
ibabang bahagi nito.
Pilit na isiniksik ni pulang tandang ang sarili sab utas na nasa ilalim.
Tumambad sa kaniya ang isang malawak na gulayan. Nanlaki ang mga
mata niya dahil isang malaking greenhouse pala ang pinalilibutan ng
pader na iyon. Taniman ito ng iba’t-ibang klaseng gulay. Isang hanay ang
tinataniman ng broccoli, sa tabi naman nito’y naglalaparang cauliflower.
Lumalabas na rin sa lupa ang mga bahagi ng carrot at mga labanos.
Nagpupulahan din at mabintog na mabintog ang bell pepper. Malapit dito
ang berde at mahahabang sili. Tuwang-tuwa siyang kumain at kumahig
nang kumahig sa hardin habang si kabayo ay matiyagang naghihintay sa
kabilang panig ng pader.
“Anong masasabi mo? Hindi ba’t maganda ring maging maliit?,”
masayang tanong niya kay kabayo nang makalabas muli sab utas.
Inilarawan niya sa kaibigan ang mga Nakita sa likod ng mataas na pader.
Humalliung na humaling si kabayo at saka nagwika “alam mob a ang
naiisip ko? Sa palagay ko, dapat tayong maging masaya kung anong
buhay ang hinaharap nating ngayon. Kung sino at anong kakayahan
nmayroon tayo. Dito natin makikita ang maaari nating magawa na hindi
nakikipaglamangan sa iba.”
“Tama ka, aking kaibigan.” Ang masiglang sang-ayon ni pulang tandang.
Mula noon, nagging matalik na silang magkaibigan. Nagging langit para
sa kanila ang kanilang samahan.

Buuin ang buod ng kwento sa pamamagitan ng dayagram.

8. Isahang Pagsasanay Ano ang iyong paboritong movie/ palabas?


Tukuying ang mga mahahalgang detalye ng iyong paboritong palabas at
isulat ang buod/lagom nito sa pamamagitan ng dayagram ng banghay.

9. Paglalapat Basahin ang kuwento at isulat ang buod nito.

Regalo sa Guro
Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya
ang kanyang sagot ay, “kasi po ang mga kamag-aral ko ay may papasko
para sa aming guro. Ako lang po ang wala.”
Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil
mahal nito ang kanyang guro. Sa palagay naman niya, mauunawaan ng
guro na sila’y dukha, at sa totoo lang, alam naman niyang hindi
naghihintay ang guro ng regalo kahit kanino.
“Halika anak, at may ikukuwento ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat
na si Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat
mong gawin.” At nagkuwento ang ina.
Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa
pasko. Sa paaralan ay may punong-kahoy na pamasko na puno ng
palamuti at mga ilaw. Ito’y puno ng mga alaalang laan ng mga bata sa
kanilang mga guro at kamag-aaral.
Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng
kaligayahan. Malapit nang isilang ang Mananakop. Ang lahat ay may
ngiti sa labi – may awit sa papawirin.
Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si Nestor.
Bakit? Ang lahat niyang kamag-aral ay may alaala sa pinakamamahal na
guro subalit siya’y wala. Paanong di gayo’y si Nestor ay ulila sa ama at
ang ina ay maralita. Ang ina’y walang kaya upang isunod sa kagustuhan
ng kanyang bunsong anak.
“Inang,” ang hikayat ni Nestor, “Ako lamang ang walang alaala kay Bb.
Mirasol. Ang lahat – sina Ador, Florante, Ramon at Orlando – ang bawat
isa sa kanila ay may pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-tanging
wala.”
“Nestor,” ang butihing ina ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro
na tayo’y dukha. Siya’y di naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag
mong ikalungkot iyan. Talos kong si Bb. Mirasol ay nakauunawa sa ating
kalagayan.”
Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog.
Siya’y nag-iisip. Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit
kaunting salapi upang ibili ng kanyang papasko! Katapusang araw na
kinabukasan.
Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa kanyang gunita.
Mayroon siyang naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay
kasiya-siya? Magustuhan kaya ng kanyang guro?
Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na
ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti
niya ang kanyang pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at
ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at nahigang
muli. Mayroon na siyang alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng
mahimbing.
Kinaumagahan siya’y pinukaw ng ina, “Nestor, bangon na. Tatanghaliin
ka sa pagpasok.”
Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan.
Hindi niya nalimutang dalhin ang kanyang papasko sa kanyang guro.
Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na siyang
papasko! Ito kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya
at galing sa kanyang puso. Nang dumating siya sa silid-aralan ay kaydami
nga ng batang nanonood sa Christmas tree. Buong-ingat na ibinitin ni
Nestor ang kanyang papasko sa guro.
Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit ang laging
umuukilkil sa kanya ay ang tanong na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol
ang aking alaala?”
Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus
ng mga papasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni
Santa ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol ang
kayang sulat. Tinitigan ang mga titik bago binuksan ang liham.
Samantalang binabasa ang liham, si Nestor ay nagmamasid.
Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na
nagpaalam kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng
guro. “Nestor, pumarito ka. Ako’y may sasabihin sa iyo.”
“Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y
galak na galak pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking
mga tinuturuan. Sa pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na
pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan. Iya’y
nagbigay sa akin ng labis na kagalakan.”
Namangha si Nestor, di yata’t ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa
lahat! Ito ang sabi ng kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.”
ang sabi ni Nestor bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa.
Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang
liham.
“Minamahal kong Guro:
Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong
mga utos. Ako’y mag-aaral ng leksyon tuwina. Pagpipilitan ko pong ako
ay maging pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito pong pangakong
ito ang papasko ko sa inyo.
Nagmamahal, Nestor”
“Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung
ano ang dapat kong iregalo kay Bb. Padilla.”
Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng
anak. Habang tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan,
nagpapasalamat siya sa Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at
maunawaing anak.

10. Paglalahat Ano buod/ lagom ng isang teksto?


Ano-ano ang mga bahagi nito?
Ano ang ating mga dapat tandaan sa pagbubuod ng isang teksto?
Ano ang kahalagahan ng isang buod?
11. Pagtataya Panoorin ang isang maikling kwento. Itala ang mga mahahalagang detalye
at isulat ang buod/ lagom nito.
https://www.youtube.com/watch?v=OLaodBlUNXI

IV. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos ? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa
tulong ng aking punong guro
at suberbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like