You are on page 1of 9

na “go-anywhere medium” ng pamamahayag sapagkat ito ay naririnig ng mga tao

8
kahit sila’y naglalakad, nagbibiyahe, nagtatrabaho, namimili at iba pa.
Sa SLK na ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa Kontemporaryong
Programang Panradyo kung saan ay maragdagan ang iyong kaalaman hinggil sa
mga salitang ginamit sa radio broadcasting at pagsulat ng dokumentaryong
panradyo. Kasabay ng pag-aaral tungkol dito ang paglinang ng kasanayang
pangwika tungkol sa mga positibo at negatibong pahayag, pagkakaiba ng
katotohanan, hinuha, opinyon, at personal na interpretasyon at ang paggamit ng
mga mga angkop na eskpresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
Madali lamang ang mga aralin kaya’t huwag kang mag-alala, gagabayan

Filipino
ka ng SLK na ito upang munawaan mo ang bawat paksa.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang
sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

Ikatlong Markahan 1. naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag;


2. nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa radio broadcasting;

Sariling Linangan Kit 3: 3. napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at
personal na interpretasyon ng kausap;

Kontemporaryong Programang 4. nagagamit ang mga angkop na eskpresyon sa pagpapahayag ng konseptong


pananaw (ayon, batay, sang-ayon, sa akala, iba pa); at

Panradyo 5. nasusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo

Subukin Natin

Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at isulat ang titik na may tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
Para sa mga bilang 1-3
Suriin ang pangungusap, isulat ang A kung positibo at B kung
negatibo ang pahayag.
1. Hindi mo ikauunlad sa buhay ang paninira sa iyong kapuwa.
2. Sang-ayon ako sa iyong sinabi na dapat bawat isa sa atin ay maging
mapagmatyag upang hindi na maulit ang pagsalakay ng mga kawatan.
3. Kontra ako sa iyong panukala na hindi tayo magsusuot ng face mask
kapag hindi tayo nakikita ng mga pulis.

Alamin Natin 1 2

Isa sa mga madali at tanyag na libangan ng mga Pilipino ay ang pakikinig


sa radyo. Kasama mula pagkagising hanggang sa pagtulog ng mga nakararami
ang pakikinig sa musika, balita, at programang panradyo. Ang radyo ay inituring
Para sa mga bilang 4-6
Suriin ang pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan, Aralin Natin
hinuha, opinyon o personal na intepretasyon.
4. Maaksidente ang sasakyang iyon, tingnan mo at napakabilis ang
kaniyang takbo!
Basahin ang teksto sa ibaba.
A. katotohanan C. opinyon
Kung may editoryal ang mga pahayagan at magasin, mayroon din ang radyo.
B. hinuha D. personal na interpretasyon Naglalahad ang editoryal ng mga kuro-kuro ng editor o patnugot na bunga ng
5. Sa aking opinyon, mas lalo pang lalala ang pandemyang ito dahil narin isang pag-aaral tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa bayan,
sa katigasan ng ulo ng ilan nating kababayan. pamahalaan, at lipunan. Naglalaman ito ng paninindigan ng pahayagan o
A. katotohanan C. opinyon magasin sa isang isyung may malaking kahalagahan sa bayan. Maaaringtungkol
B. hinuha D. personal na interpretasyon ito sa politika, relihiyon, sining, edukasyon, isport, kultura, at iba pa.Ganito rin
6. Hindi na itinuloy ng Pangulo ang panukala na magsisimula na ang face halos ang ginagawa sa radyo. Ang pagkakaiba, sa halip na basahin ay
pinakikinggan. Karaniwang mas maikli lamang dahil sa
to face na pag-aaral ngayong Enero, sa katunayan nagpalabas nasiya ng
limitasyon sa oras. Piling-pili ang nilalaman nito. Tanging ang mahahalagang
kautusan tungkol dito. impormasyon lamang ang binabanggit. Tiyak at tuwiran ang paglalahad.
A. katotohanan C. opinyon Kailangang lagi itong nakabatay sa katotohanan at pananaliksik.
B. hinuha D. personal na interpretasyon Ang komentaryong panradyo ay maaaring maglaman ng paninindigan
ng estasyon o pansariling pananaw lamang ng komentarista. Nilinaw ito sa
Para sa mga bilang 7-9 simula pa lamang ng programa.
Suriin ang angkop na ekspresyon upang maipahayag nang malinaw
MGA BAHAGI NG KOMENTARYO
ang konsepto ng pananaw.
1. Simula
7. darating din ang panahon na maayos ang lahat kung Bumabanggit ang bahaging ito ng isyung tatalakayin. Karaniwang
magsisimula ang pagbabago mula sa ating sarili. napapanahon at mainit na isyu ito ng lipunan.
A. Sa ganang akin B. Habang 2. Katawan
8. Nagsisikap ang gobyerno na malabanan ang krisis ng pandemyang Covid Nagpapahayag ito ng sariling opinyon ng komentarista o kaya ay
19 ang iilang mamamayan ay tuwirang lumalabag namansa paninindigan ng estasyon ng radyo. Naglalaman ito ng mga mahahalagang
impormasyong nakabatay sa katotohanan at bunga ng isang pananaliksik.
mga safety protocols.
Bumabanggit din ito ng mga pahayag at pananaw ng awtoridad sa paksang
A. samantala B. kung tutuusin tinatalakay. Naglalahad ito ng pagpanig o pagsalungat sa isyu at pagbibigay ng
9. Mabuti ang iyong hangarin sa iyong sinasabi ngunit , mayroonpa mga halimbawa upang patunayan ang puntong nais bigyang-diin.
ring masasaktan na puso. 3. Wakas
A. sa palagay ko B. samantala Naglalagom ito at nagbibigay-diin sa kaisipang tinatalakay.
Ipinapahahayag dito ang panghihikayat at pagpapakilos sa mga tagapakinig
Para sa bilang 10 tungo sa isang pagwawastong panlipunan.
ILANG URI NG KOMENTARYO
Suriin ang salitang ginamit sa radio broadcasting batay sa kahulugan
1. Nagpapabatid
nito. Nagpapaliwanag at nililinaw nito ang mga bagay na may kaugnayan saisyu
10. Ito ang kakayahang baguhin ang lakas ng tunog. upang matulungan ang mga tagapakinig na magkaroon ng buo at sapat na
A. acoustics C. band kaalaman.
B. amplifier D. clutter 2. Nanghihikayat
Nananawagan ito sa mga tagapakinig na suportahan ang isang
programa, balak, o pagkilos. Ipinaliliwanag nito ang mga dahilan kung bakit
dapat panigan ang isang gawain.
3. Nagpapakahulugan
Ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng balita at ang kaugnayan nito sa iba
pang pangyayari. Karaniwang inilalahad ang mga posibleng epekto nito sa
lipunan.

3 4
4. Namumuna Rony: Partner, napansin mo ba na kakaiba ang klima ngayon?
Nagbibigay ito ng mga puna at mungkahi tungkol sa isang isyu. Grabe, ang init!
5. Nagpapahalaga Rony: Oo nga partner, ang tindi ng init. Naku, sabi nga ng PAGASA,
Binibigyang-papuri nito ang isang tao at kalagayan ng isang
mas iinit pa raw sa mga susunod na linggo.
institusyon o gawain. Nagpaparangal din ito sa isang dakilang gawain.
Kristine: Kakaiba talaga, partner! Isipin mo summer nga ngayon pero
Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 217-218 sobra naman ang init. Grabe! Record high!
Rony: Tingnan mo, umabot daw ng 40.1 degree Celsius ang
ILANG MAHAHALAGANG TERMINO SA RADIO BROADCASTING temperatura sa Diffun, Quirino noong Sabado, Abril 6, 2013.
1. Acoustics Sang-ayon ito sa report ni disaster scientist, Mahar Lagmay.
Linaw ng pagkakarinig sa tunog sa isang silid o ang kalidad ng tunogsa Kristine: Ganun? Kaya pala sobrang maalinsangan! May katwiran
isang lugar.
ngang hindi mapakali ang ating mga kababayan, partner.
2. Airwaves
Ang midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon na kilala Rony: Ay, tama ka dyan! Nabalitaan mo ba ang ginawa ng isang
ring spectrum o electromagnetic spectrum grupo ng mga aktibistang makakalikasan, partner?
3. AM Kristine: Alin? ‘Yun bang may kaugnayan sa selebrasyon ng Earth Day
Ito ay nangangahulugang Amplitude Modulation, tumutukoy ito sa noong Abril 22?
standard radio band. Rony: Sakto! Naku, ang daming sumama sa protesta. Mga taong
4. Amplifier simbahan, karaniwang mamamayan, magsasaka,
Ang kakayahang baguhin ang lakas ng tunog.
mangingisda, at siyentista. Galing sila sa Kamaynilaan, sa
5. Analog
Isang uri ng wave form signal na diretso o tuwid. Gitna at Timog Luzon.
6. Backtiming Kristine: Ay, naku! Palagay ko, tama lang ang ginawa nila para mag-
Ang pagkalkula sa oras bago marinig ang isang kanta. isip-isip din ang mga opisyales ng gobyerno.
7. Band Rony: Marami silang isyung binatikos, partner! Tulad ng pagbabalikng
Tumutukoy sa lawak na naabot ng pagbobroadcast Bataan Nuclear Power Plant, iligal na pagmimina at pagtotroso.
8. Clutter
Pati na ang pagtatayo ng mga higanteng dam at mga tambakan
Lubhang maraming bilang ng patalastas o iba pang elemento na hindi
kasama sa mismong programa. ng basura.
9. Feedback Kristine: Oo nga. Ang totoo naman, lahat tayo eh makikinabang kung
Nakairitang tunog. lahat magmalasakit sa kalikasan. Tigilan na sana ang mga
10. Open Mic iligal na gawain. Huwag na ring basta payagan ang pagmimina
Mikroponong nakabukas sa partikular na oras. at pagtotroso, hindi ba partner?
Rony: Tama, partner. Dapat talaga magkaisa ang sambayanan.
https://tl-eyewated-com.cdn.ampproject.org./v/s/tl/eyewated.com/glossary-ng-
Kumilos tayo kasi hindi biro ang pandaigdigang banta ng
terminolohiya-ng-radyo/
pagbabago ng klima.
Kristine: Agree ako diyan, partner! Bawat isa sa atin ay may
Ngayon naman ay babasahin mo ang isang halimbawa ng
maitutulong sa sarili nating paraan at lakas. Huwag natin
komentaryong panradyo. Bigyang pansin kung paano ito isinigawa.
laging iasa sa iba o maging sa gobyerno. Tayo mismo ang
dapat kumilos!
KOMENTARYONG PANRADYO SA CLIMATE CHANGE
(Isang bahagi) Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 209-211
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZXL, narito ang inyong
pinagkakatiwalaang broadcaster sina Kristine Kaye at Rony Spark, Tinalakay sa nabasang komentaryo ang tungkol epekto ng climate change
at ito ang Boses ng Masa! at ang mga iba pang gawain ng mga tao na naging dahilan sa pagkasira ng ating
Krsitine: Magandang umaga po sa inyong lahat! Narito na naman po kalikasan. Naglahad sila ng kanilang sariling opinyonbatay sa kanilang nakikita
tayo sa ating paboritong programang Boses ng Masa. at nauunawaan. Sa huli, nanawagan ang mga

5 6
komentarista ng pagkakaroon ng pagtutulongan at pagkakaisa ng sambayanan Nagpapahayag ito ng katotohanan sapagkat ang pahayag ay mula sa isang
sa pangangalaga sa kalikasan. Ito ay isa sa mga halimbawa ng mga legal at mapagkakatiwalaang ahensiya na nangangasiwa sa kalusugan ng tao.
komentaryong panradyo. Ang opinyon ay kuro-kuro o palagay batay sa pananaw ng isang tao.
Napansin mo ba na may mga positibo at negatibong pahayag ang nabasang Halimbawa:
komentaryo? Ano-ano ang mga ito? Upang lubos mong maunawaannito, basahin  Sa aking palagay, dapat na tayong mag-ambag ng mga maaari nating
mo ang nasa loob ng kahon at alamin ang pagkakaiba ng positibo at negatibong maitulong para sa mga biktima ng kalamidad.
pahayag. Opinyon lamang ng isang tao na maaari totoo para sa kaniya at sa iba.
Ang hinuha ay pahayag na inaakalang mangyayari batay sa isang
Ang mga salitang ginagamit sa positibo na opinyon ay tinatawag na sitwasyon o kondisyon.
salitang panang-ayon. Naglalahad ito ng pagpayag sa isang ideya o kaisipan. Halimbawa:
Kabilang din dito ang mga salitang tulad ng: Opo, tunay na tunay, talagang-  Baka siya ay nanalo sa Lotto sapagkat yumaman siya nang bigla at
talaga, dapat, sang-ayon, payag, pwede at iba pang kauri nito. nakapagpatayo ng maraming malalaking bahay.
Halimbawa: Hinuha lamang dahil hindi pa napatunayan kung totoo.
1. Opo, sasama ako sa kampanya laban sa paglaganap ng bawal na gamot. At ang personal na interpretasyon ay batay sa sariling kaisipan o
2. Sang-ayon ako sa ideya mong dapat na unawain ang mga taong pananaw lamang.
nangangailangan ng tulong. Halimbawa:
Sa pagpapahayag naman ng negatibo na opinyon ay ginagamit ang mga  Sa aking palagay, maaaring matatapos sa taong ito ang krisis sa
salitang pananggi. Naipapahayag naman ito sa pamamagitan ng mga salitang pandemyang dulot ng Covid-19 dahil may mga bakuna na naimbento para
tulad na: hindi sang-ayon, salungat, kontra, wala, hindi maaari, hindi pwede at labanan ang virus na ito.
iba pang kauri nito. Personal na interpretasyon lamang ito batay na rin sa kasalukuyang
Halimbawa: nagaganap sa kaniyang paligid.
1. Hindi maaaring lumiban sa miting tungkol sa kapayapaan sa susunod na
linggo. Sa ating pakikipagkomunikasyon sa ating kapuwa, higit na magiging
2. Salungat ako sa ideyang wala nang pag-asa ang taong hindi nakataposng malinaw ang mensahe na nais nating iparating kung ito ay gagamitan natin ng
pag-aaral. mga ekspresyon sa pagpapahayag ng ating pananaw o opinyon. Basahin at pag-
Mula sa Project EASE, Filipino I, Modyul 7 pp. 25 aralan ang nasa loob ng kahon.

May dalawang paraan ang paglalahad ng opinyon – positibo at negatibong EKSPRESYON NG PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO NG PANANAW
pahayag. Ang positibong opinyon ay nagpapahayag ng pagpayag o pagsang-ayon
sa isang kaisipan, bagay o kilos samantalang ang negatibo na opinyon ay 1. Paghuhudyat ng iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao
naglalahad ng pagsalungat o pagtanggi. Madali lamang hindi ba? Ginagamit ang ayon, batay, sang-ayon sa, akala ko/ni, sa paniniwala
Sa ating araw-araw na pakikisalamuha ay nagpapahayag tayo ng ating ko/ni, sa tingin ko/ni, sa palagay ko/ni, pinaniniwalaan ko/ni, iniisip ko, sa
sariling kaisipan. Minsan ang kaisipang ito ay maaaring totoo, hinuha, opinyon, ganang akin, at iba pa.
o di kaya’y personal na interpretasyon. Basahin mo ang nasa loob ng kahon at Halimbawa:
alamin ang pagkakaiba ng mga ito. a. Sa palagay ko, makabubuting harapin muna natin ang problema sa
Ang isang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan kung ito ay may wastong pagtatapon ng mga basura.
suportang datos, pag-aaral, pananaliksik, at suportang impormasyong b. Iniisip ko na ang ganitong simpleng hakbang ay magbibigay ng
napatunayang tama o mabisa para sa lahat. magandang epekto sa pagliligtas ng kalikasan.
Halimbawa: 2. Pagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa o kaya ay pagbabago ng
 Ayon sa DOH, kailangan nating palakasin ang ating resistesnya sa pangkalahatang pananaw
pamamagitan ng pagkain ng masustansiya at pag-inom ng mga bitamina. Ginagamit ang mga ekspresyong tulad ng sa isang banda, sa kabilang
dako, sa kabilang panig, samantala, habang, kung tutuusin, at iba pa.

7 8
Halimbawa: pananampalataya sa Panginoon kaysa sa mga materyal na bagay na
a. Mabuti ang kanilang mungkahi ngunit sa kabilang dako, suriin muna hindi naman natin madadala sa ating kamatayan.
natin ang hindi magandang idudulot nito sa kapaligiran. 5. Masarap sa pakiramdam na umasenso sa buhay samantalang
b. Kung tutuusin, tama ang unang hakbang na inisip ng mga nagkilos- tumutulong sa kapuwa.
protesta.
Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 319-320 B. Panuto: Suriin kung tama o mali ang pangungusap batay sa ipinapahayag nito
kung ito ay katotohanan, opinyon, hinuha, o personal na interpretasyon.
Gawin Natin Gawing batayan sa pagpipilian ng sagot ang nasa loob ng kahon. Titik lamang
ang isulat sa iyong sagutang papel.
Panuto: Bumuo ng pangungusap na positibo o negatibo batay sa
pangungusap na nasa bawat bilang. A – Ang A ay tama at ang B ang mali.B –
Halimbawa: Ang B ay tama at ang A ang mali. C –
Positibong Pangungusap Negatibong Pangungusap Parehong tama ang A at B.
1. Dapat na bantayan ang mga 1. Hindi dapat bantayan ang mga D – Parehong mali ang A at B.
kabataan. kabataan.
1. A. Katotohanan Nakilala na rin sa wakas ang mga suspek sa
Positibong Pangungusap Negatibong Pangungusap nangyaring krimen dahil sa imbestigasyon ng mga pulis
1. Palagay ko, tama lang ang ginawa 1. _ at dahil sa lumabas na CCTV footage at mga testimonya
nila para mag- isip-isip din ang mga ng mga naka saksi.
opisyales ng gobyerno. B. Opinyon Dapat ba tayong sumali sa isports o palakasan? Ang
2. Dapat talaga magkaisa ang 2. _ aking opinyon ay oo. Nakabubuti ito sa atin dahil itoay
sambayanan. nagpapalakas ng ating katawan at nagpapatalas ng
3. _ 3. Huwag na ring basta payagan ating isip.
ang pagmimina at pagtotroso. 2. A. Katotohanan Sigurado ako na hindi makapagtatapos ng pag-aaral
4. Oo, laging iasa sa iba o maging 4. _ iyang batang iyan, matutulad din iyan sa kaniyang ama
sa gobyerno. na puro barkada at bisyo ang inaatupag.
5. Tunay nga na lahat tayo ay 5. _ B. Hinuha Malamang ay susuwertehin ako sa taong ito kasi
makikinabang kung lahat ay nagsuot ako ng kulay dilaw nang sinalubong ko ang
magmalasakit sa kalikasan. bagong taon na siyang masuwerteng kulay para sa
taong ito.
3. A. Opinyon Sa aking palagay, ang paninigarilyo ay isa nang
Sanayin Natin malaganap at malubhang epidemya.
B. Katotohanan Ayon sa nabasa kong aklat na Usapang Medikal niDr.
A. Panuto: Suriin kung tama o mali ang mga ekspresyong ginamit sa Luis Gatmaitan, ang ubo ay hindi sakit. Sintoma lamang
pagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Isulat ang A kung ito ay wasto at B kung ito ng isang kondisyon sa baga. Maraming sanhi ng ubo.
ito ay mali. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel. Puwedeng ito ay dala lamang ng allergy, upper
1. Maaaring tama ang inyong ipinaglalaban ngunit sa kabilang dako, respiratory tract infection, o TB.Puwede rin itong dulot
marami rin kayong nawawasak na kinabukasan. ng kanser sa baga, bronchitis,emphysema, at pulmonya.
2. Kung tutuusin, hindi tayo dapat maniwala kaagad sa mga bali- 4. A. Personal na Interpretasyon
balita, maraming mga nagkalat na fake news sa social media. Sa aking pananaw, ang aming barangay ay hindi
3. Sa paniniwala sa ulat, uulan daw ngayon dahil sa ITCZ. nawawalan ng tsismis. Halos araw-araw ay may
4. Sa ganang akin, dapat ay nakasentro ang ating buhay sa

9 10
bagong intriga, pagbabatikos at mga mainit na 1. Tunay nga na napakabuti ng Panginoon, inilalalayo Niya tayo sa ating
balitaktakan. mga plano na maaring makawasak sa ating buhay.
B. Opinyon Sa aking palagay, magandang ituro ang matematikasa 2. Hindi maaari ang iyong opinyon, kailangan ay pantay ang pagtingin
wikang katutubo dahil mas madali itongmaiintindihan natin sa ating kapuwa kahit ano pa man ang estado sa buhay.
ng mga mag-aaral. 3. Kontra ako sa iyong panukala na hindi tayo magsusuot ng face mask
5. A. Hinuha Para sa akin, dapat ikaw ang nanalo sa beauty kapag hindi tayo nakikita ng mga pulis.
contest na iyon, mas maganda at matalino ka kaysa sa 4. Sang-ayon ako sa iyong sinabi na dapat bawat isa sa atin ay maging
kanilang napili. mapagmatyag upang hindi na maulit ang pagsalakay ng mga kawatan.
B. Katotohanan Tiyak kong yayaman kami dahil iyon ang sabi ngnabasa 5. Hindi mo ikauunlad sa buhay ang paninira sa iyong kapuwa.
kong horoscope.
Para sa mga bilang 6-10. Suriin ang pangungusap kung ito ay nagpapahayagng
katotohanan, hinuha, opinyon o personal na intepretasyon.
Tandaan Natin
A. katotohanan C. opinyon
B. hinuha D. personal na interpretasyon
Isang midyum ang radyo upang makapaghatid ng impormasyon sa mga
mamamayan. Ginagamit din ito sa pagbabalita at pagpapalaganap ng mga
6. Ayon kay Kim Zoller ng Image Dynamics, 55% ng nabubuong
panawagan at babala. Ang mga tagapagbalita at komentarista sa radyo ay may
impresyon tungkol sa isang tao ay batay sa kaniyang pananamit.
mahalagang papel na ginagampanan sa mga tagapakinig dahil
7. Maaksidente ang sasakyang iyon, tingnan mo at napakabilis ng
nakakaimpluwensiya sila sa buhay at pagkatao ng mga ito kaya’t nararapat
kaniyang takbo!
lamang na totoo at walang pagkiling ang kanilang ibinabalita.
8. Ayon sa DepEd, may iilang paaralan na pahihintulutan na sa
May dalawang paraan ang paglalahad ng opinyon – positibo at negatibo.Ang
limitadong face to face na klase sa darating na panahon.
positibo na opinyon ay nagpapahayag ng pagpayag o pagsang-ayon sa isang
9. Sa aking opinyon, mas lalo pang lalala ang pandemyang ito dahil narin
kaisipan, bagay o kilos. Maaaring gamitin ang mga salitang tulad ng : Oo, tunay,
sa katigasan ng ulo ng ilan nating kababayan.
talaga, sigurado, sang-ayon at iba pang hawig nito na may himigng pagsang-
10. Sa aking pananaw ay uunlad at yayaman na ako dahil iyon ang
ayon. Ang negatibo na opinyon ay naglalahad ng pagsalungat o pagtanggi.
sinabi sa akin ng manghuhula.
Maaaring gamitin ang mga salitang tulad ng: hindi, wala, ayaw, ayoko, salungat
at iba pang kauri nito.
Dapat alamin at suriin natin kung ang isang pahayag ay katotohanan, Para sa mga bilang 10-15. Suriin ang angkop na ekspresyon upang
opinyon, hinuha, o personal na interpretasyon lamang. Hindi tayo dapat maipahayag nang malinaw ang konsepto ng pananaw.
basta-basta maniniwala sa ating naririnig at suriing mabuti ang pahayag.
Maaaring banggitin o magpahayag ng sariling damdamin, paniniwala, 11. na magiging madali ang ating trabaho kung magtutulongan
kaisipan o karanasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng konsepto o pananaw. tayo kaysa gagawin natin ito ng kaniya-kaniya.
Mas nagiging malinaw at maliwanag ang iyong pahayag kung angkop ang A. Sa isang banda B. Iniisip ko
pagkakagamit ng mga eskpresyon sa pagpapahayag ng konsepto o pananaw. 12. darating din ang panahon na maayos ang lahat kung
magsisimula ang pagbabago mula sa ating sarili.
A. Sa ganang akin B. Habang
Suriin Natin
13. Mabuti ang iyong hangarin sa iyong sinasabi ngunit , mayroonpa
ring masasaktan na puso.
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at isulat ang titik na may tamang
sagot sa iyong sagutang papel. A. sa palagay ko B. samantala
Para sa mga bilang 1-5. Suriin ang pangungusap, isulat ang A kung positibo 14. Hinatulan na ng sambayanan ang mga suspek , hindi pa
at B kung negatibo ang pahayag. napatunayan kung sila talaga ang tunay na gumawa sa krimen.
A. sa kabilang panig B. kung tutuusin

11 12
15. Nagsisikap ang gobyerno na malabanan ang krisis ng pandemyang (G) Sa kasalukuyan, maraming pagbabago sa paraan ng panliligaw o pag-
Covid 19 ang iilang mamamayan ay tuwirang lumalabag namansa aasawa ang nagaganap. (H) Ang iba ay hindi sang-ayon sa paraan ng panliligaw
mga safety protocols. noon. (I) Gayunpaman, ito ay bahagi ng ating kulturang Pilipino!
A. samantala B. kung tutuusin
Positibong Pangungusap Negatibong Pangungusap
Para sa mga bilang 16-20. Suriin ang salitang ginamit sa radio broadcasting 1. 1.
batay sa kahulugan nito. 2. 2.
16. Tumutukoy sa mikroponong nakabukas na partikular na oras. 3.
A. feedback C. open mic
B. clutter D. analog B. Panuto: Basahin ang teksto na nasa loob ng kahon. Suriin kung ang mga
17. Tumutukoy sa pagkakarinig sa tunog sa isag silid o ang kalidad sa pangungusap na nakasulat nang nakadiin kung ito ay nagpapahayag ng
isang lugar. katotohanan, opinyon, hinuha, at personal na interpretasyon. Titik lamang
A. acoustics C. analog ng tamang sagot ang isulat sa iyong sagutang papel.
B. airwaves D. backtiming
18. Ito ang kakayahang baguhin ang lakas ng tunog. Teknolohiya: Nakasasama o Nakabubuti sa Buhay at Pamilya?
A. acoustics C. band Madalas na pinagtatalunan ng mga tao kung ang teknolohiya
B. amplifier D. clutter ay nakasasama o nakabubuti. Marami ang nagsasabing napagiginhawa at
19. Isang uri ng wave form signal. napauunlad nito ang uri ng pamumuhay ng tao, samantalang ayon sa iba,ito ay
A. airwaves C. feedback nakasisira. (1) Sa aking opinyon, ang dalawang pananaw ay parehong tama
B. analog D. open mic subalit may mga limitasyon. Higit pa rito, naniniwala akona ang dapat suriin
20. Nakaiiritang tunog. ay kung paano ginagamit ng tao ang produkto ng teknololohiya.
A. band C. feedback Gagamitin kong halimbawa ang telebisyon. Maraming dekada na ang
B. clutter D. open mic nagdaan at hanggang sa kasalukuyan, inaakusahan pa rin ang telebisyon na
siyang sumisira sa pamilya at nagwawasak ng kaisipang ng mga batang
Payabungin Natin manonood. “Idiot box,” ang taguri sa Ingles. (2) Sa aking personal na
pananaw, kahit na ang telebisyon ay nasasangkot dito, ang problema ay
hindi nag-uugat sa teknolohiya kung hindi sa mga taong gumagamit nito.
A. Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba. Tukuyin ang mga positibo at Una, hinahayaan ng mga taong patakbuhin nito ang kanilang buhay.
negatibong pahayag o pangungusap. Isulat lamang ang titik ng pangungusap Nakapagdidikta ang telebisyon ng mga gawi, kilos at lenggwahe ng mga
batay sa hanay nito sa iyong sagutang papel. manonood. (3) Pinaniniwalaan ko ito sapagkat ang mga magulang, hindiang
telebisyon, ang nagpapahintulot sa kanilang mga anak na umupo saharap
(A) Kaugalian ng ating mga ninuno na mamili ng kanilang ng telebisyon at manatili roon ng mahabang oras. Ikalawa, ang mgamagulang
mapapangasawa batay sa uri ng lipunang kinabibilangan nila. (B) Ang mga lalaki din ang nagpapabayang mapalitan ang oras na para sa pamilya ng walang
o binata mula sa mayamang angkan ay dapat mamili ng babae o dalagana mula kabuluhang oras ng panonood. Sa halip na magkaroon ng “bonding” ang pamilya,
sa angkan na katulad ng antas nila sa buhay. (C) Hindi puwede na mag-aasawa ang bawat isa ay abala sa panonood ng mga paboritong programa. Karagdagan
ang binata kapag hindi siya dumaan sa iba’t ibang pagsubok upang mapatunayan rito, hindi rin napipili ng mga magulang o sinumang nakatatanda sa bahay, ang
ang kaniyang pagmamahal sa dalaga. (D) Sumasang- ayon lamang ang pamilya mga programang dapat na panoorin ng mga bata sa bahay.
ng babae na ipakasal ang kaniyang anak kapag napagtagumpayan na ng binata Ang mga konsepto at kaisipang napapanood ay hindi nasasala. Sa halip, ito
ang mga pagsubok. (E) Dapat ay magbibigayrin ng dote o bigay kaya ang binata ay tuwirang pumapasok sa isip ng mga kabataan. Kung ito ay tungkol sa
sa pamilya ng dalaga. (F) Isa itong paraanng pagpapakita ng binata na kaya karahasan at pang-aabuso, walang nakapagpoproseso nito sa batang manonood.
niyang ibigay ang mga pangangailanganng dalaga at ang kanilang bubuoin na
pamilya.

13 14
Sa katotohanan, hindi ang teknolohiya ang dapat sisihin kung hindiang Gumuho rin ang lupa sa gilid ng kalsada sa Sitio Acasia sa Barangay Tamugan
mga taong tumatangkilik at gumagamit nito. Samakatwid, ang telebisyon ang na makikita sa video ni Domieboy Gahoc, kung saan isang bahay ang nasira.
bahagi lamang ng suliraning pampamilya, gayundin ng pagkawasak ng kaisipan Bago binaha ang ilan pang lugar, nagkaroon na ng preemptive evacuation
ng mga bata. (5) Sa aking hinuha, ang masamang paghatol ng taong sa mga barangay na madadaanan ng Davao river.
nanonood ng telebisyon, o ang mga nagpapabayang magulang ang dapat Sa inisyal na tala ng City Government of Davao, aabot sa mahigit 300
sisihin, hindi ang teknolohiya. pamilya ang inilikas sa iba’t ibang gym na nagsilbing evacuation center.

Mula sa Project EASE, Filipino I, Modyul 7 pp. 8 Pamilyang inilikas:


 Brgy. Lacson 2 pamilya at 7 indibidwal
 Brgy. Gumalang 2 pamilya
 Brgy. Waan 10 pamilya
1. 4.
 Brgy. Ma-a 29 pamilya at 25 indibidwal
2. 5.
 Brgy. Mandug 30 pamilya
3.
 Brgy. Tigatto 300 indibidwal
 Brgy. 2-A 6 pamilya
C. Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga angkop na eskpresyon sa  Brgy. 8-A 27 pamilya at 51 indibidwal
pagpapahayag ng konsepto ng pananaw. (2 puntos bawat bilang)  Brgy. Matina Crossing ilang pamilya ang inilikas

1. sa palagay ko Bandang alas 10 ng gabi, unti-unting humupa ang baha sa ilang lugarat
mayroong mga bumalik na sa kanilang tirahan.
2. sa ganang akin
—Ulat ni Hernel Tocmo
3. sa isang banda http://news.abs-cbn.com/news/01/16/21/daan-daang-residente-binaha-matapos-
4. sa kabilang panig umapaw-ang-ilog-sa-davao

5. kung tutuusin

1. Magsagawa muna ng pag-aaral at pananaliksik tungkol sa isyung pinag-


uusapan.
2. Magbigay ng mga impormasyong batay sa katotohanan at hindi pala-
Pagnilayan Natin palagay lamang.
3. Hindi dapat gumamit ng mga tuwirang pahayag sa pagkokomentaryo.
Panuto: Bumuo ng isang maikling dokumentaryong panradyo na natutungkol sa Tandaang walang nakikitang kahit na ano ang mga tagapakinig. Isalin
balita sa ibaba. Gawing gabay ang nakasulat sa loob ng kahon sa pagsulat ng ito sa hindi tuwirang pahayag.
komentaryo. 4. Isang paksa lamang ang talakayin. Maging maikli at malinaw ang
paglalahad.
Daang-daang residente binaha matapos umapaw ang ilog sa Davao 5. Gumamit ng mga salitang magagaan at madaling maintindihan.
6. Gawing makatuwiran ang mga kaisipan, pananaw, at kuro-kuro.
Davao City―Binaha ang maraming residente na nakatira malapit sa 7. Dapat na lohikal at sistematiko ang paglalahad mula simula hanggang
Davao river matapos umapaw ang ilog simula Biyernes ng hapon. sa wakas.
Sanhi ito ng malakas na pag-ulan sa upland area ng Davao river bunsod ng Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 217
localized thunderstorms at easterlies na nakaapekto sa Davao City.
Sa mga videos ng netizens, makikitang nagsimulang rumagasa ang Davao
river sa barangay Tamugan at Calinan district, na rumesulta sa pagbaha sa mga
bahay malapit sa ilog.

15 16
Rubric sa Pagsulat ng Komentaryong Panradyo
Mga Pamantayan 1 2 3 4 5
1. Napapanahon at nakapokus sa iisang paksa
lamang.
2. Malinaw ang mga impormasyon; batay sa
katotohanan at pananaliksik.
3. Pili ang mga salita at madaling unawain.

4. Maikli at lohikal ang paglalahad ng komentaryo.

5. Malinaw ang panig ng komentarista;


napanindigan ang panig mula sa simula hanggang
sa wakas.

You might also like