You are on page 1of 3

Date August 9,2022 Time: 1:00 PM

Subject/Grade
Level/Section
Filipino/Grade 9- Carreon

Content Standard Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling


akdang tradisyonal ng Silangang Asya

Performance Standard Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Learning
Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na
Competencies katangian ng kabataang Asyano F9PU-If-44
I. Specific Objectives: 1. Natutukoy ang kaibahan ng katotohanan at opinyon mula sa
mga pahayag;
2. Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa mga dapat o hindi
dapat na katangian ng kabataang Pilipino gamit ang mga
katagang nagsasaad ng katotohan at opinion;
3. Nabibigyang halaga ang pagtukoy sa katotohan at Opinyon
mula sa iba’t ibang pahayag.

II. Subject Matter: Topic: Pagbibigay katotohanan at opinyon

References:
website: Youth Problem in the Philippine Society. 2002. TEEN MOM.
Accessed AUGUST 9, 2022.
https://youthproblemsinthephilippines.weebly.com/teenage-
pregnancy.html.
Deped TV Link:
https://drive.google.com/file/d/1pl1IJbFC3nC1312HYeLLEYxKs3TXVQf
s/view?usp=sharing
Materials: Powerpoint Presentation at Meta Cards

III. Procedure:

A. Daily Routine 1. Panalangin

2. Pagtala ng mga Lumiban

3. Pagbabalik Aral

B. Motivation/Recall

Awareness  Pagpapakita ng grapikong representasyon tungkol Mga Bansa


sa ASEAN na may Mataas na bilang ng Teenage Pregnancy.

Itanong ang mga sumusunod:

1.Tungkol saan ang grapikong representasyon na ipinakita?

2.Ano ang masasabi o napapansin ninyo dito?


(Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa meta cards)

 Paglalahad ng Paksa
 Pagpapakita ng Video tungkol sa Katotohan at Opinyon mula sa
C. Lesson Proper
Deped TV Official
Activity

 Babalikan ang aktibiti sa bahaging pagganyak (awareness) at


iwasto ang naging sagot ng mga mag-aaral kung ito ba ay
Katotohan o Opinyon.
D. Analysis

IV. Abstraction 1.Ano ang dapat nating tandaan kung ang isang pahayag ay opinyon?

2.Paano naman natin masasabi na ang isang pahayag ay isang


katotohanan?

3. Bakit mahalagang suriin ang isang pahayag bago natin ito


paniwalaan?

III. Application Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa Katangian ng mga Kabataang


Pilipino na ginagamitan ng mga kataga o salitang nagpapakita ng
Katotohan at Opinyon.

KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG SANAYSAY


NILALAMAN 40%
KAUGNAYAN SA PAKSA 30%
PAGGAMIT NG MGA SALITANG NAGLALAHAD NG OPINYON AT
KATOTOHAN 30%
KABUUAN 100%

V. Assessment: Panuto: Isulat lamang ang letrang K kung ang pahayag ay katotohanan
at O naman kapag ito opinyon lamang.

1) Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula,


puti, at dilaw.

2) Ang paboritong kulay ko ay bughaw.

3) Si Benigno S. Aquino III ay mas magaling na pangulo kaysa kay


Gloria Macapagal-Arroyo.

4) Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.

5) Ang sigarilyo ay may tar, nikotina, at iba’t ibang kemikal na


nakasasama sa kalusugan.

6) Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.

7) Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.

8) May pitong araw sa isang linggo.

9) Mas masarap manirahan sa pamayanang rural.

10) Mas maraming gusali sa pamayanang urban.

VI. Assignment: Magsaliksik ng tig-limang halimbawa ng trivia at pamahiin. Suriin ang


bawat pahayag at tukuyin kung anong pahayag ang mga ito
( katotohanan o opinyon) Isulat sa isang maikling bond paper at ipasa
sa susunod na pagkikita.

VII. Reflection:

VIII. Remarks:

Prepared by: Aiko A. Juay

Position: Teacher I

School: Mayor Praxedes P. Villanueva II Memorial High School

Approved for Demonstration:

MARIA TRINIDAD V. UY NIMFA B. PUNO


EPSVR-LR EPSVR-Filipino

You might also like