You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Z est for P rogress

Z P eal of artnership

FILIPINO
Ikatlong Markahan- Modyul 4:
Opinyon at Talakayang Panradyo

Pangalan:
Baitang/Seksyon:
Paaralan:
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Adela S. Luang

Editor: Lindo O. Adasa, Jr.

Philip D. Caermare

Shayne Everette U. Eldian

Tagasuri: Adela S. Luang

July G. Saguin

Maricel B. Jarapan

Tagaguhit: Edgardo P. Jamilar, Jr.

Tagalapat: Peter Alavanza

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, Ed. D., CESO V

Oliver B. Talaoc, Ed. D.

Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.

Jephone P. Yorong, Ed. D.

Lindo O. Adasa, Jr.


Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Naisusulat nang wasto ang dokumentaryong panradyo.
 Nagagamit ang angkop na akspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw
(ayon, batay, sang-ayon sa, akala, at iba pa)

Tuklasin 5

Panuto: Tuklasin natin kung may munting kaalaman ka ba sa araling ito. Gamit ang arrow
ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa salita na nasa gitna nito.

Nagpapahatid
ng mga
panawagan Nagpapalabas
Nagpapalabas
Naghahatid ng ng pelikula
Nagpalabas ng musika ng teledrama
variety show

Nagpapakinig ng
Nagpapakilala mga awit
ng isang
naprgodukto RADYO

Nagbibigay ng
Naghahatid ng mga opinyon kaugnay
talakayan/pulso ng ng isang paksa
bayan Naghahatid ng
napapanahong
balita
Upang mapalalim pa ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng
radio bilang isang midyum ng broadcast media sa pagkakaroon ng
kamalayang panlipunan ng mamamayan, matutuhan mo kung paano
makasusulat ng isang dokumentaryong panradyo.

Suriin

TANDAAN:
Habang ikaw ay nagbabasa, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye
tungkol sa;
1. Pamagat ng paksang tinalakay;
2. Mga batayan ng mga salaysay; at
3. Mga aral ng natutuhan.

KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on June 2nd, 2012

Nakakatuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon


ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung
tawagin ay Tuesday Club sa Pasig City. Magagaling, matatalas, at analitikal ang kanilang
mga pananaw na halos lahat ng isyu o pangyayari sa aitng bansa, gaya ng usapin ng
Panatag Shoal, at ni CJ Renato Corona.

Kabilang sa mga media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina


Manila Bulletin Editor –in-chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA Vice President for
communications;Biznews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak
(Chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani
Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando, ex-Graphic Editor Manuel
Almario, columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating
reporte ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang inyong oras dahil bukod sa


tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang
opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na
personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art
Borjal.

Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito


tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito lantarang dinuduro
ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary,
lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot
ng United Nations Convention on the Law of the sea UNCLOS). Nagbabala ang China na
hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton
na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na
salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-
hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o
masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o
sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na
ookupa at manduduro sa atin.

Alam mo ba na…
BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO

NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN:

1. Magsaliksik ng mga impormasyon


2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya ng paksa.

Mula sa binasang teksto na Kuwentuhang Media may mga salitang nakatutulong


sa pagpapahayag ng sariling pananaw o Konsepto ng Pananaw.

A. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.


Kabilang dito ang ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/ sa paningin/ kay, ganoon din,
sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga
ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa;

Batay sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang Pambansang Wika at isa
sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paningin ni Pangulong Quizon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na


pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamunuan ng
mga dayuhan.

Iniisip kong hindi mabuti kaninuman ang kanilang mga plano.

Sa palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

B. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmulan
ng pananaw.

Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyo upang matauhan ang
nagtutulog-tulugan.

Samantala, makabubuti sigurong mapahinga ka muna para makapag-isip ka ng husto.


Tayahin 5
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Alin sa mga pahayag ang hindi kabilang ng mga dapat tandaan sa pagsulat
ng Dokumentaryong Panradyo?
A. Magsaliksik ng mga impormasyon
B. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
C. Magsagawa ng panayam
D. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

2. Bakit kailangang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga


detalye?
A. upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
B. upang mailathala ang kanilang mga pangalan
C. upang maging sikat
D. upang mapangangalagaan ang kanilang mga pangalan

3. Bilang isang mamahayag, bakit kailangan sundin ang mga hakbang bago
sumulat ng dokumentaryong panradyo?
A. dahil ito ay maging gabay sa pagkakasunod-sunod ng mga
impormasyon.
B. dahil ito ang dapat sundin
C. dahil kailangan magbigay ng iyong sariling pananaw
D. dahil ito ay panuntunan na dapat sundin ng mamahayag upang
magkaroon ng kompletong impormasyon na maayos at malinaw na
pagkuha ng mga detalye.

4. Paano nakatutulong sa pagbuo ng dukomentaryong panradyo ang mga salita


o ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw?
A. nakatutulong ito sa pagbibigay ng malinaw na paglalahad ng mga
pagpapahayag.
B. nakatutulong sa pamamagitan ng pagsasabi ng sariling opinyon at
nagpapatunay sa mga pinagmulan ng mga detalye.
C. nakatutulong ito sa pagpapahaba ng mga impormasyon.
D. nakatutulong sa pagpapatunay sa mga pangyayari.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng sariling pananaw?


A. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing
karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on
the Law of the Sea (UNCLOS).
B. Binigwasan ng China si US State Sectretary Hillary Clinton dahil sa
remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea)
na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na
Pilipinas sa Panatag Shoal.
C. Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro
ay sina M anila Bulletin Editor-inChief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel,
GMA Vice President for Communications; BizNews Asia Magazine
Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak(Chairman ng Tuesday
Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, exMMDA Chairman Bayani Fernando
at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic Editor
Manuel Rest y de Quiroz at iba pa.
D. Ang club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art
Borjal.

Pamantayan 5 3 1

Maayos at malinaw ang Hindi masyadong Lumihis sa


organisasyon ng mga malinaw ang ipinapagawa o sa
Organisasyon
ideya. organisasyon ng mga dapat ipapahayag na
ideya. mensahe ng gawain.

Gramatika at Walang mali sa May 1-5 mali sa May 6 o higit pang


Pagbaybay pagbaybay at gramatika. pagbaybay at mali sa pagbaybay at
gramatika. gramatika.

Napakalinis ng awtput; Kakikitaan ng 1-5 Kakikitaan ng 6 o


walang makikitang bura pagbura ng mga salita higit pang pagbura ng
at nasusunod ang at hindi nasunod ang mga salita at hindi
Kalinisan tamang anyo ng pagsulat tamang anyo ng nasunod ang tamang
ng liham, gaya ng pagsulat ng liham, gaya anyo ng pagsulat ng
wastong palugit at pasok. ng wastong palugit at liham, gaya ng
pasok. wastong palugit at
pasok.
Panitikang Pilipino 8
Panitikang Pandaigdig 9
Gintong Pamana 8

You might also like