You are on page 1of 5

PAUNANG SALITA

Mahal kong mag-aaral,

Ang Modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nitong tulungan ka sa pag-aaral sa
kabila ng pandemic na nangyayari sa ating mundo. Ito ang magsisilbi mong gabay sa mga
gawaing makakatulong saiyo upang malinang ang mga kasanayang dapat mong matamo sa
iyong pag-aaral.

Ang Modyul na ito ay tumatalakay sa panitikan at kung paano ito napapahalagan sa


pamamagitan ng mga takdang gawain na iyong gagawin gamit ang mga makrong kasanayan
katulad ng: Pakikinig; Pagsasalita; Pagbabasa; Pagsusulat at Panonood.

Sa pamamagitan din ng Modyul na ito magagamit ang inyong kakahayan at kahusayan sa pag-
unawa at pagsagot ng mga pagsasanay na buong sipag kong inihanda para sa iyo. Bilang
bahagi ng mga pagsasanay mayroong mga link sa internet na makakatulong din upang mapadali
ang iyong gawain.

Nawa ito ay iyong magustuhan!

- Mga May-Akda
PAUNANG PAGSASANAY
PANUTO : Basahin mabuti ang pahayag at bilugan ang letra ng tamang sagot sa
bawat bilang.

1. Ito ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng


mga bagay-bagay sa daigdig.

a. pabula
b. parabola
c. alamat
d. maikling- kwento

2. Repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng tao at nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampalataya.

A. dula
B. kultura
C. sanaysay
D. panitikan

3. Isang masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan,


ginagawa nang malakas ng isang koro o pangkat.

A. sabayangpag-awit
B. sabayang pagbigkas
C. mang-aawit
D. lahat ng nabanggit
4. Sa bahaging ito, nakasalalay ang kawilihan ng mga tagapakinig.
A. panimula
B. wakas
C. gitna
D. wala sa nabanggit

5. Dito nasasalamin ang katatagan ng damdamin at tiwala sa sarili ng


mananalumpati.
A. boses
B. tindig
C. mukha
D. kumpas ng kamay

6. Uri ng talumpati na hindi binigyan ng sapat na panahong makapaghanda ang


mananalumpati. Nalalaman lamang niya ang paksa na sasabihin oras ng kanyang
pagtatalumpati.
A. Maluwag na talumpati C. May Kahandaang talumpati
B. Dagliang talumpati D. Wala sa nabanggit

7. Ito ay magiging ganap sa tulong ng tikas, tindig, himig, panuunan ng paningin,


pagbibigkas at kumpas ng kamay na ginagawa sa harap ng madla.
A. pag-awit
B. pagtula
C. pagkukuwento
D. pagtatalumpati

8. Ito ay ginagamit ng mananalumpati upang bigyang –diin ang kanyang


ipinapahayag.
A. boses
B. tindig
C. mukha
D. kumpas ng kamay

9. Uri ng talumpati na karaniwang nagaganap sa formal na okasyon. Ang


mananalumpati ay nagkakaroon ng mahabang panahon para mapaghandaan ang
kanyang talumpati.
A. Maluwag na talumpati C. May Kahandaang talumpati
B. Dagliang talumpati D. Wala sa nabanggit

10. Tinuturing na pinakakaluluwa ng talumpati sapagkat naglalaman ng mga


kaisipan at katuwirang inilalahad ay dapat may matibay na batayan at hindi
kathang-isip o haka-haka.
A. panimula
B. wakas
C. gitna
D. wala sa nabanggit

11. Uri ng talumpati na nabibigyan ng kaunting panahon para paghandaan sa


kanyang isipan ang isang balangkas na magagamit niyang patnubay sa kanyang
pagtatalumpati.
A. panimula
B. wakas
C. gitna
D. wala sa nabanggit

12. Sa bahaging ito inilalahad ang kongklusyon tungkol sa mga nabanggit na


katwiran.
A. panimula
B. wakas
C. gitna
D. wala sa nabanggit

13. Dito makikita ang damdaming nais ipahayag ng mananalumpati.


A. boses
B. tindig
C. mukha
D. kumpas ng kamay

14. Ang mga sumusunod ay pamamaraang makalilinang ng kakayahang magsalita


maliban sa:
A. pagsasalaysay
B. debate
C. pag-uulat
D. pag-awit

15. Isang uri hg napakailing tula na mula sa Hapon.


A. Tanka
B. Tangka
C. Haiku
D.Haimu

16. Ang sumusunod ay mga dulang panrelihiyon maliban sa;


A. Panunuluyan
B. Flores de Mayo
C. Senakulo
D. Pamamanhikan

17. Elemento ng masining na pagkukuwento na tumutukoy sa mga tauhan ng


kuwento.
A. Kaganyakan
B.Kabanghayan
C. Kapanahunan
D.Kapanauhan

18. Ito ay binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi upang pangatwiranan
ang natatanging isyung pinag-uusapan sa pamamagitan ng gantihan ng bawat
katwiran.
A. Debate o Pagtatalo
B. Sabayang Pagbigkas
C. Lektyur-Forum
D. Wala sa nabanggit

19. Anyo ng panitikan na tumutukoy sa maluwag na pagsasama-sama ng mga salita


sa loob ng pangungusap.
A. Tula o panulaan
B. Alamat
C. Tuluyan o prosa
D. Anekdota

20. Tinatawag din itong kathambuhay.


A. Talambuhay C. Nobela
B. Sanaysay D. Maikling Kwento

You might also like