You are on page 1of 9

First Competency

28. Paano nakatutulong ang malalim na kaalaman ng tao sa paraan ng


paggamit ng pormal na antas ng wika sa pakikipag komunikasyon sa lipunan?

A. May kaangkopan sa paglalahad ng kaisipan at maiiwasan ang hindi kaaya-


ayang mga salita.
B. Maayos at tama ang gagamiting salita o wika sa ispesipikong sitwasyon.
C. Maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan habang nakikipag-ugnayan.
D. Binibigyan pansin ang bawat salita o wikang lumalabas sa kaniyang bibig.

15. Sa paanong paraan mo mapapaunlad ang angkop na paggamit ng wika


sa pagsulat ng isang akademikong sulatin?

A. Pagtutuunan ng pansin ang malalimang pagsasanay patungkol sa


paggamit ng wika.
B. Pagwawasto ng mga maling salita sa bawat pangugusap.
C. Angkop na salita ang dapat gamitin sa mga pormal na sulatin.
D. Lahat ng nabanggit .

45. Sa napakinggang talakayan, ano ang kahulugan ng antas ng wika.

A. Katayuan ng isang tao sa lipunan na tumutukoy sa kaantasan nito.


B. Kasanayan sa paggamit ng wika ng isang tao sa lugar na kaniyang
pinapasukan.
C. Sumasalamin sa kung anong uri ng pamumuhay mayroon ang tao sa
pamamagitan ng paggamit ng wika.
D. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na gumagamit ng wika sa lipunan.

49. Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsusulat ng mga akda?


A.Kolokyal
B.Di-pormal
C.Pampanitikan
D.Pambansa

32. Mula sa binasang awiting-bayan ng mga Cebuano sa “Si Pilemon”. Ano


ang ibig sabihin ng salitang namasol?
A.Nangisda
B.Nangaso
C.Sumisid
D.Namana

12. Alin sa mga sumusunod ang napapanood sa telebisyon na gumagamit ng


lalawiganin bilang antas ng wika?
A.24-Oras
B.TV Patrol
C.GMA Integrated News
D.Umagang Kay Ganda
31. Ano ang maaaring epekto ng paggamit ng balbal sa awiting-bayan sa
reaksyon ng tagapakinig?
A. Nakakatulong sa pagpapahayag ng lokal na kultura
B. Nagbibigay ng kasiyahan at pampalipas-oras
C. Mas nakakakonekta sa mas nakararami
D. Maaaring maging sagabal sa pag-unawa

34. Ano ang bisa ng galaw o patakbo ng kamay ng mang-aawit sa pagsusuri


ng kasanayan sa panonood ng awiting-bayan?
A. Nagsasaad ng lokal na kultura
B. Nakatutulong sa pagsasanay ng musika
C. Mas pinahahalagahan ang pormalidad
D. Nagbibigay ng dagdag na dimensyon sa pagsasalin-wika

10. Ano ang maaaring ipahiwatig ng paggamit ng mga salitang lalawiganin sa


pagsasalita ng mang-aawit sa awiting-bayan?
A. Pagganyak sa mas maraming tagapakinig
B. Pagbibigay-diin sa pambansang identidad
C. Naglalantad ng lokal na kultura
D. Pagsusuma ng damdamin mula sa tagapakinig

37. Ano ang pangunahing layunin ng pagsusuri sa antas ng wika batay sa


pormalidad sa pagbabasa ng
awiting-bayan?
A. Makakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit
B. Maunawaan ang porma ng wikang ginamit sa awiting-bayan
C. Makapagbigay ng paboritong kanta sa pamilya
D. Madiskubre ang mga bagong salita sa wikang balbal

11. Aling aspeto ng pagsasalita sa awiting-bayan ang maaaring magbigay ng


indikasyon hinggil sa antas ng
wika batay sa pormalidad na ginamit?
A. Ritmo ng pagbigkas ng mga salita
B. Damdamin ng mang-aawit habang kumakanta
C. Damit na isinusuot ng mang-aawit
D. Kulay ng ilaw sa entablado

41. Aling bahagi ng pagsusuri ang makakatulong sa pagtukoy ng antas ng


wika batay sa pormalidad sa
pagsusulat ng balbal, kolokyal, lalawiganin, at pormal na anyo?
A. Pagsusuri sa tono at damdamin ng mang-aawit
B. Pagsusuri sa melodiya at orkestrasyon ng kanta
C. Pagsusuri sa kahulugan at istruktura ng mga salita
D. Pagsusuri sa disenyo ng album cover

13. Batay sa napanood na video na awiting bayan na “si Pilemon”, siya ay


nakahuli ng anong isda?
A. Tilapia
B. Bangus.
C. Pantat
D. Tambasakan

33. Ayon sa napakinggan sa talakayan, alin sa mga ito ang. awit na


pampatulog ng bata?
A. Talindaw e
B. Soliranin
C. Oyayi o Hele
D. Balitaw

16. Batay sa nabasa patungkol sa awiting bayan, alin sa mga ito ang awit sa
sama-samang paggawa?
A.Soliranin
B.Talindaw
C.Sambotani
D.Maluway

2nd Competency

36. "Mas mahirap ang sistema ng edukasyon ngayon kumpara noon."


Saad ni Ana sa kaniyang mga anak. Anong uri ng pahambing na
nabibilang ito?

A. Pahambing na magkatulad
B. Pahambing na Pasahol
C. Pahambing na magkapantay
D. Wala sa nabanggit

40. Habang sa parke si Joy ay narinig niya na sinabi ng isa sa mga turista
roon na hindi-gaanong maganda ang lugar para sa mga matatanda.
Anong uri ng pahambing nabibilang ito?

A. Pahambing na magkatulad
B. Pahambing na Pasahol
C. Pahambing na magkapantay
D. Lantay

1. Matapos mapakinggan ang “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”,


sa pahayag na “parehong matiyaga at masipag ang pitong dalaga”.
Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pahayag?
A.Palamang
B.Pataas
C.Pababa
D.Patulad
17. Nabasa mo sa isang pahayagan na “ang pinakalamaking problema ng
mga magulang ngayon ay ang pagkagumon ng mga anak nila sa paglalaro
ng online games.” Sa pahayag na ito anong uri ng paghahambing ang
ginamit?
A. lantay
B. pahambing
C. Pasukdol
D. Patulad

9. Paano mo maiuugma ang tamang pagsulat ng pahayag na gumagamit


ng "di-gasino"?
A. "Di-gasino mabilis ang takbo ng oras."
B. "Di-gaano mabilis ang takbo ng oras."
C. "Hindi gasino mabilis ang takbo ng oras."
D. "Hindi gaano mabilis ang takbo ng oras."

2. Ano ang nagiging epekto ng tamang paggamit ng mga pahayag sa


paghahambing sa pang-unawa sa
kabuuang konteksto ng isang sitwasyon?
A. Mas malinaw na pag-unawa ng pangyayari
B. Mas malalim na pagsusuri ng detalye
C. Mas mataas na antas ng komplikasyon
D. Lahat ng nabanggit ay maaaring maging epekto

29. Paano maaaring maging bahagi ng pagsusuri ang paggamit ng


pahayag na “di-gasino” sa pagsulat ng editoryal?
A. Naglalantad ng pambansang isyu
B. Mas nagbibigyang-diin sa pormal na wika
C. Nagpapakita ng pagkakaisa sa lokal na komunidad
D. Nagbibigay ng masusing analisis ng editoryal

44. Paano nagiging epektibo ang paggamit ng mga pahayag sa


paghahambing tulad ng “mas” o “higit” sa pagsusulat ng isang sanaysay?
A. Nagbibigay-kulay sa pagsulat
B. Nagpapalalim sa pambansang kasaysayan
C. Naglalantad ng masusing pagsasanay sa wika
D. Hindi nakakatulong sa masusing pagsusuri
30. Ito ay isang uri ng kuwento na nagtataglay ng mga kababalaghan o
mga hindi pangkaraniwang pangyayari na pinagmulan ng isang bagay.
A. Alamat
B. Maikling kuwento
C. Komiks
D. Pabula

18. Madalas binabanggit ni Josh sa kaniyang mga kaklase na mas


maganda ang Palawan kaysa Boracay. Anong uri ng paghahambing ang
ginamit ni Josh sa pahayag?
A. Pataas
B. Pasahol
C. Pababa
D. Patulad

3rd Competency

42. Kayo ay inatasan ng inyong guro na sumulat ng isang editoryal


patungkol sa mga isyu sa inyong paaralan, sa anong bahagi ng editoryal
mo paunang ilalagay ang isyung tatalakayin?
A.Simula
B.Gitna
C.Wakas
D.Katawan

27. Upang mabigyang argumento ang isyung tinatalakay sa iyong


susulating editoryal ay kinakailangan mong kumalap ng mga
impormasyon, maaari kang manood ng mga dokumentaryo sa
pangangalap ng gagamiting datos. Saan inilalahad ang mga datos na
maaaring magamit para sa pagpanig o pagsalungat sa isyu o paksang
tinatalakay sa editoryal?

A. Gitna
B. Katawan
C. Panimula
D. Konklusyon

3. Isang uri ng editoryal na kadalasang binabasa upang maaliw ang sarili.


A.Nagpapabatid
B.Namumuna
C.Nanlilibang
D.Nagpapakahulugan
38. Ano ang tamang uri ng wika na dapat gamitin sa editoryal na
nanghihikayat?
A. Pormal na wika
B. Kolokyal na wika
C. Komikal na wika
D. Wikang Ingles

19. Ano ang potensyal na epekto ng paggamit ng mga makabagong pahayag


sa pakikinig ng isang editoryal?
A. Pagpapalalim sa pag-unawa ng pambansang kasaysayan
B. Pagganyak sa mas maraming tagapakinig
C. Pagkakaroon ng masusing pagsasanay sa wika
D. Paggamit ng mas mataas na pormalidad

4th Competency

39. Sa paraan ng komunikasyon, bakit mahalaga na makinig sa mga sinasabi


ng iyong kausap at pagtuonan ng pansin ang mga salitang kaniyang ginamit?

A. Upang maging wasto ang iyong interpretasyon sa kaniyang mga sinabi.


B. Upang maunawaan nang mas mahusay ang damdamin at salitang
ginagamit ng kausap.
C. Upang maging angkop ang iyong reaksyon.
D. Upang mapanatili ang inyong usapan.

20. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita sa pinakamababaw


tungo sa pinakamataas na digri ng kahulugan:
1. pag-iyak 2. pagtangis 3. paghikbi

A. 1 paghikbi
2 pag-iyak
3 pagtangis
B. 1 pag-iyak
2 paghikbi
3 pagtangis
C. 1 paghikbi
2 pagtangis
3 pag-iyak
D. 1 pag-iyak
2 pagtangis
3 paghikbi

46. Batay sa napanood na kuwento na “Pasko ng Mayaman … Sana”, ano


ang naging relasyon ng mga Kontekstuwal na Pahiwatig sa kabuoang daloy
ng kuwento?
A. Nagbigay ito ng kabatiran tungkol sa mga pangunahing tauhan.
B. Nagdulot ito ng labis na kahulugan sa mga pangyayari sa kuwento.
C. Binigyan nito ng masusing paglalarawan ang setting ng kwento.
D. Itinatampok nito ang magkasunod na pangyayari.

48. Habang sa parke si Joy ay narinig niya na sinabi ng isa sa mga turista
roon na hindi-gaanong maganda ang lugar para sa mga matatanda. Anong uri
ng pahambing nabibilang ito?

A. Pahambing na magkatulad
B. Pahambing na Pasahol
C. Pahambing na magkapantay
D. Lantay

21. Bakit madalas na ginagamit ang mga matatalinghagang salita sa


pagsusulat ng mga akda?
A.Dahil mas napapalalim nito ang pagpapakahulugan ng nilalaman ng akda.
B.Dahil masnapapahaba nito ang akda.
C.Dahil mas napapaisip nito ang mambabasa .
D.Dahil maihahayag ng may akda ang kaniyang direktang nararamdaman.

50. Tukuyin kung anong kontekstwal na pahiwatig ang pahayag na ito.


“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao. Nasa puso nating lahat!”
A.Konotasyon
B.Denotasyon
C.Magkasingkahulugan
D.Malalim na kahulugan

47. Paano maipapaliwanag ang konsepto ng "salitang nagpapahayag ng


damdamin" sa larangan ng
Makrong Kasanayang Pagsusulat?
a. Mga salitang nagdadala ng makrong kasaysayan
b. Mga salitang nagbibigay-diin sa damdamin ng may-akda
c. Mga salitang mahirap tuklasin ang kahulugan
d. Mga salitang may pormal na tono

4. Ano ang kahulugan ng di-pamilyar na salitang "kalumpang" sa


pangungusap na ito: "Sa ilalim ng
malaking kalumpang, doon siya madalas magbasa."
A. Puno ng niyog
B. Malaking bato
C. Maliit na halaman
D. Mainit na buhangin

22. Bakit mahalaga ang pagkiklino sa mga salitang iba-iba ang digri o antas
ng kahulugan sa masusing pagsusuri ng teksto?
A. Ito’y nagbibigay ng oras sa pagbasa
B. Nagbibigay-diin sa pambansang wika
C. Naglalantad ng kahulugan ng mga salita
D. Hindi ito nakakatulong sa pagsusuri
8. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng
damdamin sa pagsasalita?
A. Mas nagiging malikhain ang pagsasalita
B. Nagbibigay-daan sa masusing pagsusuri ng wika
C. Pagsusuma ng damdamin mula sa tagapakinig
D. Hindi ito nakakatulong sa pagsusuri ng wika

BAYAN KO
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag

7. Batay sa nabasang awiting bayan sa itaas, masasabi ba na ito ay tama at


maganda ang pagkagawa?
A.Oo, dahil ito ay may sukat, at ginamitan ng mga tayutay, at
matalinghagang salita.
B.Oo, dahil ito ay para sa bayan.
C.Hindi, dahil kulang hindi maganda ang mga salita.
D.Hindi, dahil hindi ito awiting bayan.

23. Kayo ay inatasan ng inyong guro na kumanta ng isang awiting bayan. Ano
ang iyong dapat isaalang-alang upang mahusay mong maipresenta ang
awiting bayan?
A.Ensayohin ang pagbigkas ng mga matalinghagang salita, pati na rin ang
sukat nito at tugma.
B.Dapat maganda ang aking kasuotan sa pagpresenta kahit hindi ko ito
makanta ng maayos.
C.Bahala na, ang importante ay makanto ko ito.
D.Bibigyan ko ng pagkain ang guro upang malaki ang aking marka.

14. Bakit masasabi na ang pagsusulat ng isang tula ay isa sa mga


pinakagamitin sa pagpapahayag ng damdamin at imahinasyon ng isang tao?

A. Dahil ito ay ginagamit ng mga sikat na manunulat.


B. Dahil malaya ang isang tao na gumamit ng mga salita, struktura o istilo sa
paraan ng pagsulat nito.
C. Dahil ito ay isang sining na ginagamitan ng mga matatalinghagang salita
upang itago ang mensahe o pinapakahulugan ng manunulat.
D. Dahil sa pamamagitan nito nailalabas ng isang manunulat ang kaniyang
saloobin na hindi niya mailabas sa berbal na pamamaraan.

35. Bakit masasabing ang isang awitin ay isa sa mga uri ng tula?

A. Dahil ang awitin ay mayroong bilang ng taludtod sa bawat saknong at


bilang ng mga pantig na maiuugnay sa isang tula.
B. Dahil sa dulo ng isang awitin ay magkakatugma-tugma.
C. Dahil nakasalalay rin sa manunulat ng awitin ang paksa na nais niyang
ipahiwatig sa tagapakinig.
D. Dahil ang awit ay may ritmo, melodiya, tugma, at sukat para sa masining
na pagsasalaysay ng damdamin at karanasan ng makata.

24. Tuwing naririnig ng mga Pilipino ang Pambansang-awit ng Pilipinas ay


inilalagay nila ang kanilang kanang kamay sa dibdib. Ito ay nagpapakita ng?
A.Pagbubuklod sa pamilya
B.Pagpapahalaga sa Panitikan at Sining
C.Pagtataguyod sa Pilipinas
D.Pagpapahalaga sa Kaugalian at Tradisyon

43. Ang “Hiraya Manawari” ay binubuo ng maraming kuwentong halaw mula


sa mga kuwentong-bayan ng mga Pilipino. Bakit mo masasabing mahalaga
itong mapanood ng mga bata sa klase?
A.Dahil maari nila itong panoorin bilang pampalipas oras.
B.Dahil madaling makukuha ng guro ang mga atensyon ng mga bata.
C.Dahil makakapulutan ito ng mga mahahalagang aral.
D.Dahil naaaliw nito ang mga bata at naaalis ang kanilang pagkabagot sa
klase.

5. Ano ang maaaring maging epekto ng tamang paggamit ng sukatan sa


makrong kasanayang panonood?
A. Pagsunod sa ritmo ng musika
B. Pagiging malikhain sa pagbuo ng tugma
C. Pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng talinghaga
D. Maayos na pagbuo ng estruktura ng awitin

26. Ano ang ibig sabihin ng "tugma" sa konteksto ng pagsusulat ng awitin?


A. Ang paggamit ng magkatulad na tunog o letra sa huling bahagi ng salita
B. Ang paglalarawan ng mga pangyayari sa isang awit
C. Ang pagpapahayag ng personal na opinyon ng manunulat
D. Ang paggamit ng mga tayutay upang gawing mas malaayon ang kanyang
awitin.

25. Ano ang maaaring ipahiwatig ng paggamit ng mga tayutay sa isang


awitin?
A. Ang mga salitang ito ay mas pormal
B. Ito’y nagpapahayag ng pambansang identidad
C. Nagbibigay kulay at kahulugan sa teksto
D. Hindi ito nakakatulong sa pakikinig ng awitin

6. Paano nakakatulong ang paggamit ng mga tayutay sa makrong kasanayan


sa pagbabasa ng awit?
A. Nagbibigay tuwa lamang sa tagapakinig
B. Naglalantad ng pambansang wika
C. Nagbibigay kulay at kahulugan sa teksto
D. Hindi ito nakakatulong sa pagsusuri ng wika

You might also like