You are on page 1of 3

Diocese of Lucena

National Shrine of Our Lady of Sorrows Parish


Dolores, Quezon 4326

ULAT NG KORO NG PAMBANSANG DAMBANA NG MAHAL NA BIRHENG DOLOROSA

Intoroduction:

Ang Koro ay kabahagi sa iba’t ibang gawain ng simbahan lalo’t higit sa mga pagdiriwang ng mga Banal na Misa. Ito ay nasa
ilalim ng pamumuno ng Lupon ng Pagsamba.

Sa kasalukuyan, ang Pambansang Dambana ng Mahal na Birheng Dolorosa ay mayroong tatlong grupo ng Koro. Ang Tinig
ni Maria na siyang tumatayong opisyal na Koro ng Dambana, ang Sonares de Dolores (Children’s Choir) at ang Youth Choir.

Ang Sonares de Dolores ang syang kumakanta sa misa ng ika 10 ng umaga habang ang Youth Choir na sa kasalukuyang ay
ini establish pa ay sya namang kumakaanta sa English Mass na pang alas 5 ng hapon.

Ang Tinig ni Maria ang pinakamatagal nang grupo ng mang-aawit sa Parokya kung kaya sila ang itinuturing na “core group”
ng mga Koro. Ito ay pinamahalaan ng kanilang “Choir Master”na si Rhoneil O. Dejarme may tatlong dekada na ang nakalilipas
hanggang sa kasalukuyan.

Kabilang sa mga pangkaraniwang gawain ng Koro ay ang mga sumusunod:

1. Pag asisti (serve) sa mga Misa tuwing Linggo kung saan ang bawat grupo ay binigyan ng kanya kanyang oras ng pag-
awit..
2. Pag-awit sa mga Misa ng Kasal at Misa para sa yumao. Sa mga pag-asisti sa mga Misang ito kumukuha ng pondo ang Koro.ng
pondo ay ginagamit sa pagpapaayos ng Organ (Electronic Keybord), mga mikropono, at pagpapa imprenta ng mga Kopya
ng mga awit

3. Pag-awit sa Misa sa tuwing hapon ng Biyernes

4. Umaawit sa mga espesyal na okasyon tulad n fiesta, simbang gabi, Kapaskuhan, Bagong Taon, mga pagdiriwang sa
panahon

Ng Semana Santa hanggang Pagkabuhay, pag-aalay ng bulaklak at Misa sa mga araw ng buong buwan ng Mayo

5. Pag-eensayo ng mga awit na naaayon tuwing ika-apat ng hapon ng Sabado

Iba pang Gawain

1. Nakikiisa sa ibang mga gawaing pang simbahan katulad ng mga sumusunod:

a. Pagsama sa pagpunta sa mga bayan na nag-aanya sa mga Misa Nobenaryo ng kanilang Parokya

b. Dumadalo sa mga patawag na pagpupulong at mga Seminar workshops ng Diyosesis. Isa dito ay ang pagdalo ng apat
miyembro mula sa Tinig ni Maria sa isang Liturgical Choral Workshop organized by Anima Christi Chorale na ginanap noong
ika-27 ng Abril 2019 sa Sentro Pastoral, Lucena City. Ito ay may temang “ENRICHING THE ROLE OF MUSIC IN THE
LITURGY”with Paghahandog ng natatanging bilang sa mga piling okasyon tulad ng Christmas Party ng Parokya, Priest Day,
Anniversary at Birthday ng aming mga pari

Pebrero 2018, ginanap ang ika-25 taon ng pagkakaroon ng MCST convent sa Parokya. Ang Koro ng Dambana ang
umawit
sa pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ng Lubhang Kagalang-galang na obispo ng Lucena

Noong ika-11 ng Abril 2019 kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng pagiging Dambana ng Parokya
ng Mahal na Birheng Dolorosa ay ginanap ang Episcopal Coronation ng Mahal na Birheng Dolorosa. Bago sumapit ang
pagdiriwang ay nabuo ang bagong awit ng Turumba de Dolores na sinulat ni Mr. Augustine Gahito at nilapatan ng musika ni
Mr. Rhoneil O. Dejarme (choir master at kompositorng awit na Inang Gabay)

Sa kasalukuyan ang Tinig ni Maria ay nag-aanyaya ng mga nagnanais maglingkod at magbahagi ng talento sa pag-awit.
Ang ilan sa mga miyembro ay nagka trabaho na sa malayo at ang ilan ay abala na sa pag aaral kung kaya nababawasan na
ang mga miyembro nito.

Officers:

PRESIDENT CHRISTOPHER REY M. CARABIO - Bass


VICE PRESIDENT LIZETTE D. BUENASEDA - Alto
SECRETARY ABEGAIL C. IRANZO - Alto
TREASURER SONIA I. CAPULE - Alto
OVER ALL CHOIR MASTER RHONEIL O. DEJARME
ORGANIST LERIDA O. DEJARME (TINIG NI MARIA)
MARKEN AARON I, EBITE (CHILDRENS CHOIR)
LITURGIST SISTER MARGARITA BINGCO MCST
Members:

SOPRANO ALTO

VICENTA C. RUBICO MERCEDES G. MAGHIRANG


GUILLERMA A. CANOSO SIXTA S. QUANICO
MELANIE I. EBITE RIMA LIORE P. DEJARME
LEA ADELAINE AZUSADA JENNY A. EDJAN
ELISABET RUTH T. LUYA
MICHAELA OWEN TAPALLA
ARJEN FAYE F. PLAN
RHEALYN GENEROSO

TENOR BASS

ANTHONY RIC D. BUENASEDA JOMARI NOEL M. MAGTIBAY


JOHN PATRICK GARCIA CEDRIC JOSEPH PANGANIBAN
MARLON P. FESALVO
RICHARD F. GAMO
RAYMART F. GAMO
JEREMY EDJAN

You might also like