You are on page 1of 2

IFL #2

ANG PINAKAMAHALAGA SA IYONG BAGONG BUHAY KRISTIYANO AY ANG


MALAMAN KUNG PAANO MAMUHAY SA KAPANGYARIHAN AT
PAMAMAHALA NG BANAL NA
ESPIRITU

Sinasabi sa atin ng Bibliya na may tatlong


uri ng tao
(1) ang taong natural (ang taong hindi pa
tumanggap kay Cristo) I Corinto 2:14
(2) ang taong espirituwal (ang taong nasa
kapangyarihan at pamamahala ng Banal na
Espiritu) I Corinto 2:15-16; at
(3) ang taong karnal (ang taong
tumanggap na kay Cristo subalit bigo dahil
nagtitiwala siya sa kanyang sariling
kakayahan upang ipamuhay ang buhay
Kristiyano.

Pagkaraan ang ilang oras, araw o Linggo, matapos tumanggap ang isang tao kay Cristo,
malalaman niya na possible palang magkasala ang isang Kristiyano. Si Cristo ay nangako na
hindi Niya tayo iiwan (Hebreo 13:5), subalit hindi Siya nangakong mamamahala ng ating buhay
ng sapilitan. Kaya’t kapag ang isang tao’y nagpasyang magkasala (magpumilit na manging
“boss” ng sarili niyang buhay) si Cristo’y maisasantabi at ang tao’y magsisimulang makaranas
ng mga epekto ng buhay na hindi pimamahalaan ni Cristo.

Paano tayo babalik mula sa buhay na pinamamahalaan ng sarili sa buhay na si Cristo ang
namamahala? Ang problema ay kasalanan. Ang solusyon ay ang manalangin at aminin o
ipahayag (I Juan 1:9) sa Diyos na ikaw ay nagkamali at tanggapin ang Kanyang kapatawaran.
Pagkatapos, ibigay na muli ang pamamahala ng iyong buhay kay Cristo upang maging “boss”
ng iyong buhay. Ito’y maaaring gawin sa pamamagitan ng pananampalataya batay sa Efeso
5:17-18 at I Juan 5:14 at 15.

PAANO MANALANGIN nang may PANANAMPALATAYA upang MAPUSPOS ng


BANAL na ESPIRITU.

“Panginoong Jesus, kailangan kita. Inaamin ko po na ako ang namahala ng aking buhay at
dahil dito, ako’y nagkasala sa Inyo. Ako’y nagkamali. Patawarin po Niyo ako. Ako’y pagod
na sa buhay na pinamamahalaan ng sarili. Nais ko pong si Cristo ang mamahala sa aking
buhay. Jesus, Ikaw na po ang mamahala ng aking buhay sa pamamagitan ng Banal na
Espiritu. Salamat po.”
MGCC FU-MAT 2014

You might also like