4th QTR 1st WK

You might also like

You are on page 1of 3

Paaralan: STA.

LUCIA HIGH SCHOOL Baitang / Antas : 10


Guro : RUBY ANA BERNARDO Asignatura: FILIPINO
Petsa: Setyembre 2 - 6, 2019 Markahan: IKALAWANG MARKAHAN
Oras: 6:00 N. U. – 12:10 N.H.

ARALIN 4.1
PAKSA: Kaligirang Kasaysayan at Mahahalagang Tauhan ng El Filibusterismo

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El
Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling pananaw sa mahalagang papel ng tauhang pinili sa
El Filibusterismo at sa magiging gampanin nito kung nabubuhay sa kasalukuyan.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


A. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito.
B. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: pagtukoy sa
mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda; pagpapatunay ng pag-iral ng mga
kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda; at pagtukoy sa layunin ng may
akda sa pagsulat ng akda.
C. Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo.
D. Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag ng mga ito at sinasagisag
na simbolo.
E. Nailalarawan ang mga katangian ng bawat tauhan at ang kahalagahan nila sa nobela.
F. Naisusulat ang sarailing pananaw sa mahahalagang papel na ginampanan ng mga
tauhan sa magiging gampanin kung nabubuhay sa kasalukuyan.
G. Naiuugnay ang mga katangiang makabayan sa sariling karanasan.

UNA NG ARAW
Pagwawasto ng Ikatlong Markahang Pagsusulit
A. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga liban upang makakuha ng pagsusulit
B. Pamamahagi ng papel na sinagutan
C. Aktwal na pagwawasto ng papel.
D. Pagkuha ng iskor ng mga mag-aaral

Pagsasagawa ng Frequency of Errors


 Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral na mali sa bawat aytem sa pagsusulit.

IKALAWANG ARAW
TUKLASIN

Gawain. Tukuyin kung ano o sino ang mga nasa sumusunod na larawan at ipaliwanag
ang kahulugan nito sa isa’t isa.

LINANGIN

A. Paglinang ng Talasalitaan. Bigyang-hinuha ang mga sumusunod na salita batay sa


kung paano mo ito naintindihan. Matapos nito’y babalikan ng klase ang talahanayan
upang matukoy ang pinakaangkop na kahulugan batay sa talakay.

MGA SALITA Kahulugang Kahulugang batay sa kaligirang


El pansarili kasaysayan
iwaksi
Filibusterismo
nagpaalab
nabinbin
sipi
balakid
B. Paksa ng talakayan (Unang Bahagi)
Pag-aalay ng El Filibusterismo at Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo

C. Pagtalakay. Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Bigyang-pagkilala ang mga sumusunod:
o kondisyon sa panahong isinulat ang akda.
o pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi
o layunin ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo
2. Paano hinarap ni Dr. Jose Rizal ang mga pangyayaring naranasan habang
isinusulat ang El Filibusterismo?
3. Tukuyin ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
Kabayanihan ng tatlong paring martir

Pag-aalsa sa Cavite

Panggigipit sa pamilyang Rizal

Pagbabanta sa buhay ni Jose Rizal

Pagtulong ng kaibigang si Valentin Ventura

Pagsamsam sa mga sipi ng El Filibusterismo


IKATLONG ARAW
D. Paksa ng talakayan (Ikalawang Bahagi)
Mahahalagang Tauhan ng El Filibusterismo

E. Pangkatang Gawain. Sagutin ang mga gabay na gawain. Gumamit ng isang


grapikong representasyon
1. Pumili ng limang tauhan. Ilarawan ang nagusttuhang katangian nila at
kahalagahan sa nobela.
2. Bigyang hinuha ang maaaring kinahinatnan ng mga tauhang pinili sa unang
bilang.
3. Bumuo ng isang character profile na higit na magpapakilala sa limang
napiling tauhan.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Pagyamanin ang mga nalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pokus na
katanungan:
1. Paanong makatutulong ang nobelang El Filibusterismo sa kasalukuyang kalagayang
panlipunan sa bansang Pilipinas?
2. Paanong makatutulong ang iba’t ibang katangiang taglay ng mga tauhang nilikha ni
Dr. Jose P. Rizal sa kaniyang El Filibusterismo upang makaagapay ang mga Pilipino
sa kasalukyan?
IKAAPAT NA ARAW
ILIPAT

Ang mga mag-aaral ay magpapares. Bawat pares ay magsusumite ng isang artikulo ng


kanilang pananaw sa mahahalagang papel na ginampanan ng tauhnan sa magiging
gampanin kung nabubuhay pa sa kasalukuyan. Isaalang-alang ang sumusunod na
pamantayan sa pagbuo nito:
Maayos na ugnayan ng mga ideya 5 puntos
Kaangkupan ng mga talataan 5 puntos
Makatotohanang pahayag 10 puntos
20 puntos

Inihanda ni : Ruby Ana Bernardo


Guro

Binigyang-Pansin ni : Lily Grace Pingol


Puno ng Kagawaran

Pinagtibay ni : ______________________
Punongguro

You might also like