You are on page 1of 4

UNION COLLEGE OF LAGUNA

Sta. Cruz, Laguna

Pangalan : Dela Torre, Elmer J. Guro: Bb. Kristy L. Abad


Petsa: Setyembre 16, 2020

FIL 109 – INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK, WIKA AT PANITIKAN


Takdang Aralin 1

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ibigay ang iba’t-ibang kahulugan ng wika ayon sa mga dalubhasa.

 HENRY GLEASON
- 1988
- Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa kultura.

 WAYNE WEITEN
- 2007
- Siya ay naniniwala na ang wika ay binubuo ng mga simbolo na naghahatid ng
kahulugan. Binubuo rin ito ng mga patakaran at pinagsama-samang mga
simbolo na makakabuo nang walang katapusan at iba’y ibang mensahe.

 BRUCE A. GOLDSTEIN
- 2008
- Siya ay naniniwala na maaaring bigyan ng kahulugan ang wika bilang isang
sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at mga simbolo na
nagagamit upang masabi ang nararamdaman, kaisipan, at mga karanasan.

 ALFRED NORTH WHITEHEAD


- Siya ay isang edukador at pilosopong Ingles na naniniwalang ang wika ay
kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng
kinaugalian ng lahing lumikha nito. Ito ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.

 NOAM CHOMSKY
- 1957
- Ayon sa kanya, ang wika ay isang prosesong mental. May unibersidad na
gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang
linggwistik.

 DELL HYMES
- 1972
UNION COLLEGE OF LAGUNA
Sta. Cruz, Laguna

- Ayon sa kanya, ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa


Sistema ng nakikipag-interaksyon. Ang mga taong kabilang sa isang kultura ng
gumagamit ang nababago nito. Makatao at panlipunan ang kasanayang ito.

 MICHAEL ALEXANDER KIRKWOOD HALLIDAY


- 1973
- May gamit na instrumental ang wika. Nakatutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa
pagpapangalan, pagpapahayag na berbal, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos
at pakikipag-usap.

 ARCHIBALD V. HILL
- Ayon sa kaniya, ang wika ay pangunahin at pinaka-elaborate na anyo na
gawaing pantao.

 RICHARD HUDSON
- Ayon sa kaniya, ang wika ay nakasalalay sa mga karanasan na pangyayaring
natatangi sa isang nilalang.

 DR. PAMELA CONSTANTINO


- Ayon sa kaniya na isang dalubhasa, ang wika ay maituturing na behikulo ng
pagpapahayag ng nararamdaman isang instrument sa pagtuturo at pagsisiwalat
ng katotohanan.

 DR. ERLINDA MANGAHIS


- 2005
- Ayon sa kaniya, ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa
pakikipagtalastasan.

2. Ano-ano ang mga gamit ng Wika?

 INSTRUMENTAL - Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay


sa pangangailangan ng mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na
kailangan sagutin. Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-
bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at
pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay panuto,
pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba pa.
Halimbawang pangungusap:
 Ipinakain ko yung aso ko ng pagkain.
 Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang bahay ni Joseph.
UNION COLLEGE OF LAGUNA
Sta. Cruz, Laguna

 REGULATORYO - Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng


iba. Itinuturi ring instruksiyon o ang pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng
pagtakda ng mga regulasyon, direksiyon o proseso sa kung paano igawa ang
isang partikular na bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa.
Halimbawang pangungusap:
 “Kailangan inomin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw.”
 “Magbawas ng bilis kung ika’y nagmamaneho sa mabato na bukid.”

 INTERAKSYONAL - Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t


isa o ang pagkaroon ng kontak sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa
pamamagitan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa. Mga halimbawa
wikang Interaksyonal ay tulad ng pagpapaalam, pagbibigay-galang o pagbati,
paggawa ng liham para sa isang tao, at iba pa.
Halimbawang pangungusap:
 Kita tayo mamaya!
 Salamat po!

 PERSONAL - Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa


personal na damdamin tulad ng pagpapahayag ng sariling opinion o
niramdaman. Ang wikaing ito ay impormal at walang tiyak na balangkas.
Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang panglalait o pagmumura, pagsisigaw,
pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng dyaryo at iba pa.

 HEURISTIKO - Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng


mga impormasyon at gamit madalas ay mga impormasyon makakatiwalaan na
makamit sa mga propesyonal at akademikong libro o pinanggalingan.
Halimbawa sa mga ito ay ang pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento,
panonood ng mga balita sa telebisyon o dyaryo, at iba pa.

 IMAHINATIBO - Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit


anumang imahinatibo na bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang
pagsusulat o pagsasalita na produkto.
Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pagawit, pagkukwento ng kwento, pagbabasa
ng nobela, at iba pa.
UNION COLLEGE OF LAGUNA
Sta. Cruz, Laguna

 REPRESENTASYUNAL - Ang wikang Representasyunal ay ginagamit sa


pagbibigay impormasyon sa paraang pagsusulat at pasalita.
Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis, research paper;
pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at iba pa.

3. Magtala ng mga tungkulin at gampanin ng Wika.

 IMPORMATIB – ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong


makapaglahad ng impormasyon tungo sa tagatanggap nito.

 EKSPRESIB – ito kung nagagawa nitong makapagpahayag  ng saloobin o


makapagpabago ng emosyon.

 DIREKTIB – nagiging direktib ito kung hayagan o di hayagan nitong


napapakilos ang isang tao upang isagawa ang isang bagay.

 PERPORMATIB – ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon. Ito ay


kinapapalooban ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.

 PERSWEYSIB – kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa


isang paniniwala.

You might also like