You are on page 1of 2

UNION COLLEGE OF LAGUNA

Sta. Cruz, Laguna

Dela Torre, Elmer J. Bb. Kristy L. Abad


BSED – Filipino

Sumulat ng isang Iskrip tungkol sa iyong buhay. Gamit ang mga gabay sa Pagsulat ng
Iskrip sa Dulang Panradyo.

1 Tagapagsalaysay: Magandang araw sa inyong lahat! Ang bawat taong nagnanais na


makamit ang pangarap sa buhay ay nagpapatuloy hanggang marating n’ya ito.

2 Elmer: (MASAYA) Ang aking pangalan ay si Elmer J. Dela Torre, isang lalaking nagnanais
na makita ang tagumpay nang buhay at makamit ito. (MALUNGKOT) Subalit sa kabila nito ay
maraming tao ang patuloy na hahamak sa aking kakayanan.

3 Tagapagsalaysay: Hindi yan magtatagumpay! Yan ang mga salitang kanyang naririnig sa
mga taong sa kanya’y humuhusga.

4 Elmer: Maraming taon akong nag-isip kung mag-aaral pa ako dahil sa aking edad, subalit sa
kabila nang pang-uusig ng ibang tao sa akin ay hindi ako nagpadala at nagpaapekto sa
kanilang mga sinasabi.

5 Tagapagsalaysay: Nagdesisyon s’yang pumasok sa isang Unibersidad na sa kanyang


palagay ay makakamit n’ya ang kanyang naisin na maging guro, dahil ito ang pangarap n’ya
sa buhay. BSIT ang kurso na kanyang kinuha dahil sa kanyang grado, pagkatapos nito ay
nag-aral s’ya.

6 Elmer: Tinapos ko ang isang taong pag-aaral sa kursong aking kinuha sa kolehiyo.
(MALUNGKOT) Hindi na ako masaya dahil hindi ko ito gusto.
UNION COLLEGE OF LAGUNA
Sta. Cruz, Laguna

7 Tagapagsalaysay: Dahil sa hindi na s’ya masaya sa kanyang kursong kinuha ay napilitan


s’yang lumipat sa isang pribadong eskwelahan upang sundin kung ano ang talagang nais
nito.

8 Elmer: Ipagpapatuloy ko ang kursong ito hanggang matapos sa dulo.

9 Tagapagsalaysay: Subalit sinubok na naman siya dahil sa mga Subjects na kinukuha n’ya.
Labis na pasensya at pagtitiis ang kanyang dapat danasin upang matapos n’ya ito.

10 Elmer: Ipapakiusap ko at gagawing lahat upang nakamtan ko ang pagnanais na makuha


ko ang mga subjects na aking maiiwan.

You might also like