You are on page 1of 16

ANG EL NIÑO

Isang papel ng

pananaliksik na isinagawa

ni

RONIEL Z. PASCUAL

1
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT PAHINA

Dahong Pamagat.................................................................................................. 1

Talaan ng Nilalaman............................................................................................ 2

Panimula o Introduksyon..................................................................................... 3

Paglalahad ng Suliranin....................................................................................... 5

Pamamaraan......................................................................................................... 6

Kinalabasan ng Pag-aaral.................................................................................... 7

Konklusyon......................................................................................................... 14

Rekomendasyon.................................................................................................. 15

Sanggunian.......................................................................................................... 16

2
PANIMULA O INTRODUKSYON

Madalas ay nagiging kasama sa mga usaping ukol sa pagbabago ng pangkalahatang lagay

ng klima at panahon ang terminong El Niño. Kadalasan, kapag nababanggit ang salitang ito,

pumapasok sa ating kamalayan o pag-iisip ang isang mahabang tagtuyot at mainit na panahon.

Sa kabilang dako, nakakabit din sa salitang El Niño ang La Niña na nangangahulugang

kabaligtarang lagay ng El Niño at nagdudulot naman ito na malawakan at mahabang pag-ulan at

pagbaha. Madalas kaysa hindi, nababanggit ng karamihan ang terminolohiyang ito subalit wala

pa silang sapat na kamalayang o malinaw na pang-unawa sa tunay na kahulugan ng pagbabagong

ito sa lagay ng panahon at kapaligiran maging ng tunay na dahilan kung bakit nagkakaroon ng

ganitong pangyayari sa ilang mga bahagi ng mundo.

Noong taong 2012 ang pinakabagong karanasan ng ating bansa kaugnay ng El Niño.

Batay sa ipinalabas na balita ng GMA News noong September 2012, tinalakay ang paghahanda

ng Pilipinas sa pagpasok ng El Niño. Kasunod nito, lumabas din ang mga balitang nagsasaad na

aabot na sa 25 ektaryang ng palayan sa Kidapawan City ang natuyo dahil sa mainit na panahon

samantalang ipinalabas din ang balitang inag-isipan na ng pamahalaan ng Bohol ang

pagsasagawa ng cloud seeding upang maisalba ang mga sakahang natutuyot na. Ilan lamang ang

mga ito sa mga patunay na ang pagkakaroon ng El Niño sa ating bansa ay nagbibigay ng pinsala

sa maraming bahagi ng ating kabuhayan lalo na ng mga magsasaka. Ang epekto ng El Nino sa

agrikultura ay natutuyo ang mga halaman, kulang ang tubig para madiligan ang mga halaman

dahil dito magkakaroon ng kaunting produksyon at maaaring maging dahilan ng pagtaas ng

presyo ng mga ito dahil sa kakulangan sa suplay. Ang suplay natin ng bigas ay magiging kaunti

na lamang dahil nga sa kakulangan sa patubig sa mga palayan na nagbubunga ng higit na

3
mababang ani.. Sa mga rancho din, kumonti ang nakukuha nilang gatas mula sa baka, kung noon

ay 8 na litro nagiging hanggang apat na litro na lamang sa panahon ng El Niño.

Magkaganunpaman, sa kabila ng lawak ng nagiging epekto ng pagyayaring ito

kabuhayan, ang mga tao ay mayroon pa ring limitado o kaunting pagkaunawa ukol sa tunay na

kahulugan at pinagmulan ng El Niño. Layunin ng pananaliksik na ito na makalikom na sapat na

impormasyon mula sa mga dokumentaryo at nakalimbag na mga lathalain ukol dtto upang

makapaglahad ng malawakang kapaliwanagan tungkol sa dahilan ng pagkakaroon ng El Niño,

mga epekto nito sa ating kapaligiran at mga kaparaanan upang mapaghandaan ito at mapaunti

ang mga pinsalang maaring hatid nito sa pamumuhay ng mga tao.

4
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Hangad ng mananaliksik na makapagbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa

paksang El Niño. Kaugnay nito, hangarin niyang makapagbigay ng malinas na sagot sa mga

katanungang:

1. Ano ang El Niño?

2. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng El Niño?

3. Anu-ano ang mga epekto ng El Niño partikular sa kabuhayan at sa agrikultura?

4. May posibilidad bang matukoy kung kalian magkakaroon ng El Niño?

5. Maari bang maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño sa isang lugar? Ano ang mga dapat

gawin upang maiwasan ito?

5
PAMAMARAAN

Upang magkahanap ng maliwanag na kasagutan para sa mga suliraning inilahad sa

pananaliksik na ito, ginamit ng mananaliksik ang pamamaraan dokumentaryong pagsusuri

(documentary analysis) kung saan nangangailangan ito ng masusing pagkalap ng mga

impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga nasusulat na record at mga dokumento upang

malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri

ng nilalaman o content analysis.

Ginamit ng mananaliksik bilang batayan ng kanyang pag-aaral ang mga dokumentaryong

nakasulat o nakalathala. Maliban sa mga ito, sinuri at pinagaralan din ng mananaliksik ang iba’t

ibang mga dokumentaryong tungkol sa nakalahad ng paksa at mga suliranin sana matatagpuan sa

internet.

Pagkatapos ng pagkalap ng mga mahahalagang impormasyon para sa pananaliksik na ito,

masusing pinag-aral at sinuri ang mga datos upang magkaroon ng sapat na kasagutan sa mga

suliranin ng paksang nabanggit.

6
KINALABASAN NG PAG-AARAL

Ang El Niño ay isang katawagang naglalarawan sa isang likas na kaganapang

nagyayari sa Karagatang Pasipiko. Ang El Niño ay isang gawi ng klima na nagyayayari sa

kahabaan ng tropikal ng Karagatang Pasipiko na karaniwang nangyayari sa pagitan ng tatlo o

hanggang pitong taon samakatwid malawak at makabuluhan, kilala bilang kuwasi peryodiko.

Ang El Niño ay pinakakilala sa pagsasama-sama nito ng mga baha, tagtuyot at ibang pag-iiba ng

kalangitan sa maraming mga rehiyon ng mundo na nag-iiba-iba ang bawat pangyayari. Sa mga

ganitong pangyayari, ang mga bansang malapit sa Karagatang Pasipiko ang siyang

pinakaapektado.

Ang El Niño ay ang katayuang nagaganap kapag ang temperatura ng tubig sa dagat ay

tumataas sa mga kalatagan ng mga tubig ng tropikal ng Karagatang Pasipiko. Bawat dalawa

hanggang limang taon, ang Karagatang Pasipiko ay may kaganapang tinatawag na Oskilasyong

Pantimog ng El Niño. Isa itong mahina at mainit-init na daloy na nagsisismula bawat taon sa

bandang panahon ng Pasko sa kahabaan ng dalampasigan ng Ekuwador at Peru. Nagtatagal ito

ng ilang mga linggo lamang hanggang sa isang buwan o mahigit pa. Bawat tatlo tatlo hanggang

pitong mga taon, ang pangyayaring El Niño ay maaring tumagal ng ilang mga buwan. Maari

nitong baguhin ang timpla ng panahon at magkaroon ng epekto sa mga ekonomiya o kabuhayan

sa buong mundo. Ang Australya at Timog-Silangang Asya ay maaring magkaroon ng tagtuyot

subalit ang mga disyerto ng Peru ay magkakaroon ng napakalakas ng pag-ulan.

Ang Pangkatimugan Oskilasyon ay natuklasan ni Sir Gilbert Walker noong 1923. Isa

itong "seesaw" (larong lawin-lawinan) ng presyong atmosperiko sa pagitan ng mga Karagatang

Pasipiko at Karagatang Indiyano. Mayroong ugnayang inberso (taliwasan o baligtaran) sa

7
pagitan ng presyon ng hanging sinusukat sa dalawang mga lugar: sa Darwin, Australia, sa

Karagatang Indiyano at sa pulo ng Tahiti sa Timog Pasipiko. Ang Talatuntunan ng Oskilasyong

Pantimog o Southern Oscillation Index (SOI) ay ang diperensiya o kaiban sa presyon na nasa

antas ng dagat doon sa Darwin at Tahiti. Ang Talatuntunan ng Malamig na Dila o Cold Tongue

Index (CT) ang sumusukat kung gaano karami ang pangkaraniwang temperatura ng ibabaw ng

dagat sa panggitna at pansilangang Pasipiko na malapit sa ekwador (equator, hindi ang bansang

Ekuwador) na nagpapabagu-bago mula sa mga paikot na panahunan taun-taon. Ang dalawang

mga sukat ay may antikorelasyon o nagtataliwasan ang pagiging magkaugnay, kaya't ang

negatibo SOI ay pangkaraniwang may kasamang mainit-init na hanging pangdagat na kilala

bilang El Niño.

Sa pagsapit ng kaagahan ng dekada 1980, malinaw na ang El Niño at ang Oskilasyong

Pangtimog ay magkaugnay, at ang akronimang ENSO ay ginamit upang ilarawan ang

malakihang kaganapang ito.

Ayon sa Watchtower ONLINE LIBRARY “Ang El Niño, sa tuwirang salita, ay ang

mainit na daloy lamang ng tubig na lumilitaw malapit sa baybayin ng Peru tuwing dalawa

hanggang pitong taon,” ang sabi ng magasing Newsweek. Sa loob ng mahigit na sandaang taon

na, napansin ng mga magdaragat sa kahabaan ng baybayin ng Peru ang gayong pag-init. Yamang

ang mainit na mga daloy na ito ay karaniwan nang dumarating kapag magpapasko, pinanganlan

ang mga ito na El Niño, ang katagang Kastila para sa sanggol na si Jesus.

Ang pag-init ng katubigang malapit sa baybayin ng Peru ay nangangahulugan ng mas

maraming pag-ulan sa lupaing iyan. Pinangyayari ng ulan na mamulaklak ang disyerto at

dumami ang mga hayupan. Kapag malakas ang buhos, ang mga pag-ulan ay nagdudulot din ng

mga pagbaha sa rehiyon. Bukod dito, hinahadlangan ng mainit na tubig sa bandang ibabaw ng

8
dagat na pumaitaas ang masustansiyang tubig na mas malamig na nasa ilalim. Bunga nito, ang

maraming nilikha sa dagat at maging ang ilang ibon ay lumilipat sa ibang lugar upang maghanap

ng makakain. Pagkatapos ay mararamdaman ang mga epekto ng El Niño sa iba pang lugar na

malayo sa baybayin ng Peru.

Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng El Niño? Kung ito ay nagsisimula sa di-karaniwang

pagtaas ng temperatura ng karagatang malapit sa baybayin ng Peru, ano ang tunay na sanhi ng

pangyayaring ito? Upang maunawaan ito, isaalang-alang muna ang higanteng sirkulasyon ng

siklo, kilala bilang ang Walker Circulation, na umiiral sa atmospera sa pagitan ng silanganin at

kanluraning bahagi ng Pasipiko sa tropiko. Habang pinaiinit ng araw ang bandang ibabaw na

katubigan sa kanluran, malapit sa Indonesia at Australia, ang mainit at mahalumigmig na hangin

ay pumapaitaas sa atmospera, na nagiging sanhi ng sistema ng mababang-presyon malapit sa

pinakaibabaw ng katubigan. Ang pumapaitaas na hangin ay lumalamig at pinakakawalan ang

halumigmig nito anupat nagdudulot ng mga pag-ulan sa lugar na ito. Ang tuyong hangin ay

tinatangay pasilangan ng mga hangin na nasa mas mataas na atmospera. Habang ito ay

naglalakbay pasilangan, ang hangin ay lumalamig at bumibigat at nagsisimulang bumaba

pagdating sa Peru at Ecuador. Nagiging sanhi ito ng sistema ng mataas na presyon malapit sa

pinakaibabaw ng karagatan. At, sa mababang altitud, ang mga takbo ng hangin na kilala bilang

mga trade wind (hangin na kalimitan ay humihihip sa iisang direksiyon) ay humihihip naman

pabalik sa kanluran patungong Indonesia, sa gayon ay nakukumpleto ang siklo.

Kung magkaganon, maaring maging katanungan naman natin ngayon kung paanong

naaapektuhan ng mga trade wind ang temperatura sa pinakaibabaw ng bahagi ng Pasipiko sa

tropiko? “Ang mga hanging ito ay karaniwan nang kumikilos na gaya ng mga simoy ng hangin

sa isang maliit na lawa,” ang sabi ng Newsweek, “anupat itinutulak ang mainit na tubig patungo

9
sa kanlurang bahagi ng Pasipiko kung kaya’t ang kapantayan ng dagat doon ay mas mataas ng 60

sentimetro at mas mainit ng 8 antas ng Celsius kaysa sa kapantayan ng dagat, bilang halimbawa,

sa Ecuador.” Sa silangang bahagi ng Pasipiko, ang masustansiyang tubig na mas malamig mula

sa ilalim ay pumapaitaas, na nagiging sanhi ng pagdami ng mga buhay sa dagat. Kaya, kapag

normal na mga taon, o kapag walang El Niño, ang temperatura sa pinakaibabaw ng dagat ay mas

malamig sa silangan kaysa sa kanluran.

Anong pagbabago sa atmospera ang nagiging sanhi ng El Niño? “Sa mga kadahilanang

hindi pa rin natatalos ng mga siyentipiko,” ang sabi ng National Geographic, “tuwing lilipas ang

ilang taon ay humihina o naglalaho pa nga ang mga trade wind.” Habang humihina ang mga

hanging ito, ang mainit na tubig na naipon malapit sa Indonesia ay humuhugos pabalik sa

silangan, na nagiging sanhi ng pagtaas ng temperatura sa pinakaibabaw ng dagat sa Peru at sa iba

pang lugar sa silangan. Ang pagkilos namang ito ay may epekto sa sistema ng atmospera. “Ang

pag-init ng silangang bahagi ng Karagatang Pasipiko sa tropiko ay nagpapahina sa Walker

Circulation at nagiging sanhi para kumilos pasilangan ang siklo ng malalakas na pag-ulan, mula

sa kanluran tungo sa gitna at silangang bahagi ng Pasipiko sa tropiko,” ang sabi ng isang akdang

reperensiya. Kaya naman apektado ang takbo ng lagay ng panahon sa kahabaan ng buong bahagi

ng Pasipiko sa gawing ekwador.

May posibilidad bang matukoy kung kalian magkakaroon ng El Niño? Matutukoy ba ang

pangyayaring ito katulad ng bilis ng pagtukoy n gating mga siyentista sa babala ng pagdaing ng

isang bagyo? Hindi. Sa halip na nagsasangkot lamang ng maiigsing pangyayari sa lagay ng

panahon, sangkot sa mga patiunang pagtaya hinggil sa El Niño ang abnormal na mga kalagayan

ng klima sa malalaking rehiyon na kung minsan ay tumatagal ng ilang buwan. At ang mga

10
mananaliksik sa klima ay nagtamo ng isang antas ng tagumpay sa patiunang pagtaya hinggil sa

El Niño.

Halimbawa, ang patiunang pagtaya sa 1997-1998 na El Niño ay ipinalabas noong Mayo ng 1997

—mga anim na buwan bago ang pagdating nito. Nakakalat ngayon sa bahagi ng Pasipiko sa

tropiko ang 70 nakaangklang palutang na siyang sumusukat sa mga kalagayan ng hangin sa

pinakaibabaw ng karagatan at sa temperatura ng karagatan hanggang sa lalim na 500 metro.

Kapag ito ay ipinasok sa mga computer na may sistema ng paglalarawan sa klima, ang mga

impormasyong ito ay naglalabas ng mga pagtaya sa lagay ng panahon.

Ang maagang mga babala hinggil sa El Niño ay tunay na makatutulong sa mga tao na maghanda

para sa inaasahang mga pagbabago. Halimbawa, mula noong 1983, ang mga patiunang pagtaya

hinggil sa El Niño sa Peru ay humimok sa maraming magsasaka na mag-alaga ng baka at

magtanim ng mga pananim na angkop sa maulang klima, samantalang ang mga mangingisda

naman, sa halip na manghuli ng isda ay nanghuli na lamang ng hipon na sagana sa maiinit na

katubigan. Oo, ang tumpak na patiunang pagtaya kalakip ang patiunang paghahanda ay maaaring

makabawas sa pinsala ng El Niño sa tao at sa kabuhayan.

Kung susuriin ang mga dokumento at kasaysayan, mahihinuhang ang pagkakaroon ng El

Niño ay nagkakaroon ng malawakang hindi kanais-nais na epekto sa agrikultura, buhay at

kabuhayn ng mga tao. Mula sa artikulong “Ano ba ang El Niño?” na inilathala sa Watchtower

ONLINE LIBRARY, Mga Publikasyon sa Tagalog (2000-2014) naitala ang mga sumusunod na

pinsalang nagawa ng El Niño:

■ 1525: Ang pinakamaagang ulat sa kasaysayan tungkol sa isang kaganapan ng El Niño sa Peru.

■ 1789-93: Ang El Niño ang dahilan ng pagkamatay ng mahigit na 600,000 sa India at naging

sanhi ng matinding taggutom sa timugang Aprika.

11
■ 1982-83: Ang pangyayaring ito ang dahilan ng pagkamatay ng 2,000 at mahigit na $13 bilyong

pinsala sa ari-arian, pangunahin na sa mga rehiyon sa tropiko.

■ 1990-95: Tatlong sunud-sunod na pangyayari ang nagsama-sama na naging isa sa

pinakamahabang yugto ng El Niño na naitala.

■ 1997-98: Sa kabila ng unang malawakang tagumpay sa mga rehiyong may kinalaman sa

patiunang pagtaya hinggil sa mga pagbaha at tagtuyot bunga ng El Niño, mga 2,100 buhay ang

nasawi, at nagdulot ito ng mga pinsala sa buong daigdig na nagkakahalaga ng $33 bilyon.

Samantala, hindi lahat ng mga budoy ay nagaganap sa Silangang Pasipiko. Sa loob ng

kamakailang mga dekada, natuklasan ang mga Panggitnang Pasipikong mga El Niño. Kapag

nagaganap ito, ang mga epekto mula sa El Niño ng Gitnang Pasipiko ay napaka kaiba mula sa

tradisyunal na mga El Niño. Nangyari ang mga Panggitnang Pasipikong El Niño noong 1986-

1988, 1991-1992, 1994-1995, 2002-2003, 2004-2005, 2006-2007 at 2009-2010.

Dahil sa ang El Niño ay isang natural na kalamidad at nagyayari ito bunga ng pagkilos ng

mga natural na sistema ng ating klima at kapaligiran, masasabing hindi possible na maiwasan

natin ang pagkakaroon nito. Magkaganunpaman, sa dahilang ang ating mga siyentista at

dalubhasa sa pag-aaral sa lagay ng panahon ay mayroong kakayahang matukoy ang posibilidad

ng pagkakaroon ng El Niño sa isang lugar, nakapagbibigay na ito ng paunang babala upang

mapaghandaan ang pagdating nito. Sa ganitong paraan, hindi man maiwasan ang pagkakaroon

nito, napapababa naman ang pinsalang maaring dulot nito sa buhay at kabuhayan ng mga tao. Sa

kabilang banda, dahil sa ang pagkilos ng El Niño ay naapektuhan ng mga pagbabagong

nagaganap sa ating atmospera dulot ng tinatawag nating global warming, maari ring makatulong

bilang pangmatagalang solusyon ang patuloy na pag-iingat sa ating kapaligiran kasama na ang

malawakang pagtatanim ng mga puno, pagpapababa n gating gamit at pagbuga ng karbon sa

12
hangin, pag-iiwas sa pagsusunog nga mga plastic upang mapababa ang polusyon sa hangin, pag-

iingat sa gamit ng fuel o langis sa mga sasakyan at iba pang makinaryang nangangailangan nito,

pagtangkilik sa paggamit ng mga tinatawag na renewable fuels and energy, pagtitipid sa gamit

ng enerhiya at ang iba pang mga gawaing naglalayong maibalik ang dating sitwasyon at takbo n

gating normal na kapaligiran. Sa ganitong pamamaraan, maibabalik ang dating sigla ng ating

natural na kapaligiran at mapapakinabangan ng wasto ang ating likas na yaman. Inaasahan na sa

pamamagitan nito, mababawasan ang pagkakaroon ng mga abnormalidad sa ating klima at

kapaligiran tulad ng El Niño.

13
KONKLUSYON

Batay sa isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon, inilalahad

ng mananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon:

Ang El Niño ay nagyayari bunga ng natural na pagkilos ng system ng hangin sa ating

kapaligiran at nagdudulot ng mainit na daloy lamang ng tubig na lumilitaw malapit sa baybayin

ng Peru tuwing dalawa hanggang pitong taon. Ang pinagmulan ng El Nino ay ang habagatang

pabago bago ng klima sa karagatang pasipiko na sa gayun ay naapektuhan ang mga karatig na

baybayin malapit sa pasipiko dahil dala rin nito ang maiinit na hangin mula sa pasipiko.

Ang El Nino ay nangyayari kapag ang isang klima sa isang bansa ay lalong tumataas o

nagbabago ang kalagayan ng temperatura.

Ang pangyayaring tulad ng El Niño, bagamat natutukoy kung kalian maaring dumating

ay hindi maiiwasan ang pagdating o kaya ay mailihis ang lugar na maaring daanan nito. Kung

gayon, maituturing itong isang natural na kalamidad at marapa na paghandaan upang maiwasan

ang pagdulot nito ng malawakang pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga tao sa isang lugar.

Ang kamalayan sa mga pangyayaring tulad ng El Niño tulad ng dahilan ng pagkakaroon

nito, kailan ito maaring mangyari at anu-ano ang mga pinsalang maaring dulot nito ay

nakatutulong ng malaki upang mapaghandaan ang pagdating nito.

14
REKOMENDASYON

Pagkatapos ng mga impormasyong nakalap at napag-aralan, inirerekomenda ng

mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Pagkakaroon ng malawakang kampanya upang higit na maipaunawa sa mga tao kung ano

ang El Niño, saan ito nanggaling, bakit ito nagyayari, anu-ano ang mga pinsalang

maaring idulot nito at kung paano makatutulong ang isang ordinaryong tao pang

maiwasan o mapaunti ang mga pinsalang dulot nito;

2. Hikayatin ang bawat isa ma makiisa sa pangmalawakang gawaing nauukol sa pagbabalik

ng dating sigla at lagay ng ating kapaligiran upang maiwasan ang pangyayaring

nagdudulot ng abnormalidad sa kilos at sistema ng ating kapaligiran.

3. Pagkakaroon ng iba pang masusing pag-aaral na naayon sa pananaliksik na ito upang

higit na mapagtibay ang mga impormasyong natuklasan mula rito.

15
MGA SANGGUNIAN

1. ANO ANG EL NIÑO?, Watchtower ONLINE LIBRARY, wol.jw.ord/en/wol/r/r27/lp-

tg/102000207

2. EL NIÑO, www.wikipedia.com

16

You might also like