You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Marinduque

Ayon sa alamat, ang Marinduque ay nabuo mula sa kinahinatnan ng isang trahedya


ng  pag-iibigan sa pagitan ng dalawang tao: Mariin at Gatduke.   Ang tatay ni Mariin
ay isang pinuno, na ayaw pumayag sa pagmamahalan ng dalawa at nag-utos na
pugutan ng ulo si Gadduke.  Subalit bago ito naganap, ang magkasintahan ay
naglayag sa dagat at nagpakalunod, ang mga diwata ay naawa sa kanila kaya nagiwan
ito ng isang tanda na hugis puso sa lugar, kung saan sila ay nalunod.  At ang islang
iyon ay tinawag na Marinduque, ang magkasamang pangalan ng dalawang
magkasintahan.

Noong panahon ng mga Kastila at unang pananakop ng mga Amerikano, ang


Marinduque ay bahagi ng probinsya ng Balayan (Batangas) noong ika-16 na siglo, ng
Mindoro noong ika-17 na siglo, at nagkaroon ng maikling panahon ng hiwalay na
lalawigan noong 1901, ang dumating ang mga Amerikano.

Noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano, ang Marinduque ang unang isla
na mayroong  kampo ng mga Amerikano, Ang Marinduque ang lugar na
pinangyarihan ng “labanan sa Pulang-lupa”, na kung saan ang 250 sundalong Pilipino
sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Maximo Abad, ay nagapi ang maliit na bilang na
54 na mga sundalong Amerikano.  Si koronel Abad ay sumuko noong 1901

Makalipas ang apat na buwan, ang probinsya ang naging bahagi ng lalawigan ng
Tayabas (Quezon).

Noong ika-21 ng Febero, 1920, ang batas bilang 2280 na ipinasa ng batasang
pambasa ng Pilipinas, ay ibinalik ang pagsasarili ng lalawigan ng Marinduque.

Noong 1942, ang sundalong imperial ng hapon ay lumapag sa Marinduque.

At noong 1945, ang pinagsamang hukbong Amerikano at ng republika ng Pilipinas ay


sumalakay sa mga sundalong hapones at napalaya ang Marinduque noong
ikalawang digmaang pandaigdig.

You might also like