You are on page 1of 2

MACARTHUR CENTRAL SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIUT SA AP 6


REVIEWER

PAG-ARALAN:

1. Ang pahalang na guhit sa gitna ng globo ay tinatawag na EKWADOR.


2. Ang GRID ay nabubuo kung pagsasamahin ang mga guhit latitude at guhit longitude sa mapa ng mundo o globo.
3. PRIME MERIDIAN ang naghahati sa globo bilang silangang hating globo at kanlurang hating globo?.
4. Ang absolute location ng Pilipinas ay:
-Sa pagitan ng 4°23’ at 21°25 ‘ Hilagang Latitud at sa pagitan ng 116° at 127° Silangang
Longhitud.
5. Mga espesyal na guhit latitud.
-Tropiko ng Cancer, Ekwador, Kabilugang Antartic
6. Kailangang malinaw ang hangganan at teritiryo ng bansa:
-Para hindi maangkin ito ng ibang bansa
7. Scarborough Shoal ay isa sa teritoryo ng Pilipinas na matatagpuan sa pagitan ng Macclesfield Bank at Luzon sa
West Philippine Sea.
8. Si Gobernador Heneral Carlos de la Torre ang liberalismo ang nagpakita ng demokratikong pananaw sa buhay
ng mga Pilipino.
9. Ang Suez Canal ay isang artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea.
10. Ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdig na Kalakalan ay napadali ang
pakikipagkalakalan.
11. Sekular ang tawag sa paring Pilipino sa panahon ng mga Espanyol sa sekularisasyon at Cavite Munity.
12. La Solidaridad ang isang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda na unang inilathala sa Barcelona, Spain
noong Pebrero 15, 1889.
13. Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892n na naglalayon na magkaisa ang lahat ng Filipino sa
paghingi ng reporma sa mapayapang paraan.
14. Isa sa hindi katangian ng pangkat na illustrado ang pag sang-ayon sa mga patakaran ng Espanyol.
15. Si Andres Bonifacio ang “Ama ng Katipunan”, na tinatawag nilang Supremo.
16. Ang dahilan ng pagpunit ni Bonifacio at ng kanyang mga kasama ng kanilang sedula upang maipakita na
sisimulan na nila ang pakikipaglaban sa mga Espanyol.
17. Nangyari ang Sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto 23, 1896.
18. Ano ang sabay – sabay na isinigaw ng mga Katipunero ang “Mabuhay ang Pilipinas!!!” pagkatapos nilang
punitin ang kanilang sedula.
19. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang Cavite, Laguna, Maynila, Bulakan,
Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Batangas.
20. Hiningan ni Andres Bonifacio ng payo si Jose Rizal kung dapat ituloy ang himagsikan.
21. Nagdesisyon ang mga katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila ng maraming kakulangan nila nang
mabulgar ang samahang ito.
22. Hindi nagtagumpay ang Himagsikang 1896 dahil sa kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino.
23. Ang tunay na dahilan ng pagkabigo ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ay dahil sa pag-aalinlangan ng mga Kastila
at Pilipino sa isa’t-isa.

1|P a g e
24. Si Daniel Tirona ang tumutol na bigyan ng pwesto si Andres bonifacio sa Pamahalaang Rebolusyunaryo.
25. Layunin ng Kasunduan sa Biak- na – Bato na itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa.
26. Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nagsasaad na ang mga rebeldeng Pilipino ay patatawarin sa kasalanan.
27. Namagitan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato si Pedro Paterno.
28. Si Apolinario Mabini ang dakilang lumpo na utak ng himagsikan.
29. Itinatag ni Macario Sakay ang pamahalaan sa Katagalugan.
30. Si Julian Felipe ay isang kompositor at guro sa musika, ang pambansang awit ang pinakamahalagang
konstitusyon na kanyang ginawa.
31. Si Faustino Ablen ay isang Ormocanon na nanguna sa paglaban noong digmaan Pilipino-Americano.
32. Si Hen. Gregorio Del Pilar ang batam-batang heneral na nagtanggol sa Pasong Tirad para makatakas si Hen.
Emilio Aguinaldo.
33. Hunyo 12, 1898 nang nakamit ng mga Pilipino ang kasarinlan laban sa mga Espanya.
34. Si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo sa unang Republika ng Pilipinas.
35. Itinatag ang Republika ng Malolos noong Enero 23, 1899.
36. Binitay sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora dahil napagbintangan sila na pinamunuan nila ang pag-aalsa sa
Cavite.
37. Ang hindi naging partisipasyon ng mga kababaihan sa pagkamit ng kalayaan ay sila ay nagluluto at nagsisilbi sa
mga kawal na Espanyol.
38. Ang ipinakitang tagumpay ng mga taong-bayan sa Balangiga ay nagpakita ito ng kagitingan at lubos na
pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan.
39. Itinuring na bayani si Miguel malvar sa pakikipaglaban para sa kalayaan dahil siya ay naging pinunong heneral
siya ng Batangas.
40. Lumaban ang mga manunulat sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa pamamagitan ng pagsulat sila ng
Iba’t ibang uri ng panitikan upang maipahayag ang kanilang pagtutol sa patakaran at pamamalakad ng
mga Amerikano.

Mag handa nang sagot:

Kung ihahantulad mo ang iyong sarili sa isang bayani, sino ang pipiliin mo? Bakit? Sampung (10) puntos.

2|P a g e

You might also like