You are on page 1of 1

ANG ASYA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Nag-umpisa sa Europa noong Setyembre 1939 ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Huling nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya, na nagsimula nang nilusob ng Hapon ang Pearl Harbor
noong Disyembre 8, kasabay ng pagsalakay ng mga Hapon sa Thailand, Malaya, Hong Kong, Pilipinas (binomba ang
Maynila, Baguio at Davao) at iba pang mga kolonya ng mga Kanluranin sa Timog Silangang Asya
Bumagsak ang mga teritoryong sakop ng British Empire, Netherlands at Estados Unidos, na naging hudyat ng mabilis na
pananakop ng Hapon sa Timog Silangang Asya .
Death March ang pagmartsa ng mga sundalong Amerikano at Pilipino mula Bataan hanggang sa Pampanga.
Kinailangan ng Hapon ang Timog Silangang Asya dahil sa likas na yaman nito tulad ng langis, rubber, mineral, bigas, bulak,
asukal at iba pang mga produktong agrikultural
Maluwag na tinanggap ng mga Indonesian at Malay ang mga Hapon dahil sa propaganda ng Hapon na susuportahan nito
ang paglaya ng mga dating kolonya ng mga Kanluranin
Greatear East Asia Co-Prosperity Sphere propaganda ng mga Hapon na pangakong susuportahan ang mga bansa ng Timog
Silangang Asya at Silangang Asya na mapalaya sa kamay ng mga Kanluranin.
Idineklara ng Hapon na malaya ang:MYANMAR o BURMA (Ba Maw) PILIPINAS (Jose P. Laurel, noong Oktubre 1943)
Nagkaroon ng problema sa ekonomiya ang mga bansa sa Timog Silangang Asya dahil panahon ng digmaan at kinukuha ng
Hapon ang kanilang mga likas na yaman, naging masama ang pagtrato ng mga Hapon sa kapwa nilang Asyano na
naghudyat ng pagkakatatag ng mga kilusang nais ang pabagsakin ang Hapon tulad ng Estados Unidos Armed Forces in the
Far East o USAFFE at ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o (HukBaLaHap) sa Pilipinas, nagkaroon din ng mga pagaaklas sa Indonesia
The Rape of Nanking aklat na sinulat ni Iris Chang kung saan mababasa ang pagpapahirap ng mga Hapones sa mga Tsino.
Matapos makabangon muli ang Estados Unidos mula sa pagsabog ng Hapon sa Pearl Harbor, pinagtuunan nito ng pansin
ang digmaan sa Europa; pagkatapos nito, hinarap na ng mga Amerikano ang Hapon
Unti-unting natalo ang mga Hapon sa labanan sa Pacific: Midway at Guadalcanal (1942) New Guinea (1943-1944) Guam
Noong Agosto 1945, tuluyan nang sumuko ang Hapones matapos bagsakan ng bomba atomika ng Estados Unidos ang
Hiroshima nong Agosto 6, 1945 at Nagazaki noong Agosto 9, 1945

You might also like