You are on page 1of 3

Lesson 32-E: Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Japan

Unang Digmaang Pandaigdig

• Noong Unang Digmaang Pandaigdig, nakikipag-usap ang Japan sa kaibigang niya ang United Kingdom,
kung pwede na sumali sila sa digmaan kung pwede nila makuha ang mga teritoryo ng mga German sa
Asia-Pacific.

• Noong Agosto 23, 1914, pormal na dineklara ng Japan ang pakikidigma nito laban sa Germany
Noong Agosto 25, 1914, pormal na dineklara ng Japan ang pakikidigma nito laban sa Austria-Hungary

• Kinuha ng mga Hapones ang mga teritoryo ng mga German sa Asya-Pasipiko katulad ng Tsingtao,
China. Walang laban na nakuha ng mga Hapones ang mga isla ng Marshall, Caroline at Marianas
Islands sa Pasipiko.

• Noong Disyembre 18, 1916, humingi ng tulong naval ang mga Briton sa mga Hapones. Dalawa sa apat
na cruisers nila ay pinadala sa Cape Town, South Africa at ang apat na destroyers ay pinadala sa
Mediterranean

• Noong sumali ang Estados Unidos sa labanan, nagkaroon ng isang kasunduan sa pagitan ng Hapones
at ng mga Amerikano para maibsan ang tensyon nila lalo na sa pagkakahati sa China

• Noong 1919, ang Tokyo ay nakatanggap ng permanenteng puwesto sa League of Nations.


Ayon sa Paris Peace Conference, nililipat na ang pamumuno ng Shandong Island sa China mula sa
mga German patungo sa mga Hapones

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

• Greater East Asia Co-Prosperity Sphere – Ito ay isang propaganda na ginawa ng mga pinuno ng mga
Hapones para sa mga Asyanong nasasakupan ng kapangyarihang Europeo o mga Kanluranin. Ang
pariralang ito ay nadebelop ni Kiyoshi Miki, isang pilosopo na taliwas sa ideyolohiyang militarismo.

Ang pinapangako ng mga Hapones na ay papalayain ng mga Hapones ang mga Asyanong nasasakop
ng mga Kanluranin. Ang kanilang slogan ay “Asia is for Asians”. Pero ang kanilang totoong balak, ay
makakuha ng mga likas na yaman sa mga magiging teritoryo nila.

• Noong 1940, nagdesisyon ang mga Hapones na putulin ang kahuli-huling linya ng Tsina sa iba pang
lugar sa daigdig sa pamamagitan ng pagsakop sa French Indochina.

• Naglabas ng isang trade embargo ang United States laban sa mga Hapones. Pinahinto nila ang
pagpapadala ng mga eroplano, mga makinarya, at gasolina para sa mga eroplano.

• Pagbomba sa Pearl Harbor – Ito ay ang surpresang pag-atake ng Imperyong Hapon sa US naval base
sa Pearl Harbor sa Hawaii. Ang layunin ng mga Hapones sa pag-atakeng ito ay ang pagpigil sa paggamit
ng US sa kanilang US Pacific fleet sa pakikisali sa mga aksyong ginagawa ng Imperyong Hapon at
inaasahang ng mga Hapones na bababa ang morale ng mga Amerikano sa paliwanag na aalisin lahat ng
mga idinidemand ng mga Amerikano laban sa mga Hapones.
First Wave – Ang unang wave ng pag-atake ay binubuo ng 183 na eroplanong pang-atake ay inilunsad
sa Hilaga ng Oahu, na pinangungunahan ni Commander Mitsuo Fuchida. Noong papalapit na sila sa
Oahu, pinagbagsak ng mga Hapones ang mga eroplano ng mga Amerikano. Ito ay nagsimula 7:48 A.M.
(oras sa Hawaii).

Second Wave – Ang ikalawang wave ng pag-atake ay binubuo ng 171 na eroplanong pang-atake na
pinangungunahan ni Lieutenant-Commander Shigekazu Shimazaki. Ito ay Nahahati sa tatlong grupo
at tatlong layunin. Ang mga layunin ay atakihin ang Kane ‘ohe, pati na rin ang iba pang parte ng Pearl
Harbor.

Pagkatapos atakihin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, 2,403 na Amerikano ang namatay, at 1,178 ang
nasugatan. Labing-walong barko ang nalubog dahil sa pag-atake.

• Isoroku Yamamoto – Siya ay isang Japanese Marshal Admiral at Commander-in-chief ng Combined


Fleet noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ang namuno sa iba’t-ibang pangunahing labanan ng
mga Hapones sa Pacific War.

• Battle of Midway – Ito ay isang labanan na nangyari sa Midway Atoll noong Hunyo 4-7, 1942. Sa tulong
ng pagdedecode ng mga Amerikano ang JN-25b code ng mga Hapones, nalaman ng mga Amerikano
na susunod na aatakihin ng mga Hapones ang Midway. Noong nanalo ang mga Amerikano sa labanan,
tinaguriang ito bilang “Turning point of the Pacific War”.

• Paghulog ng Atomic Bomb sa Hiroshima – Ang Hiroshima noong panahon ng digmaan ay isang lugar
pang-industriyal at isa din base militar. Noong Agosto 6, 1945, hinulog ng mga Amerikano sa Hiroshima
ang isang Uranium Atomic Bomb na tinatawag din “Little Boy”. 8:15 A.M. ng hinulog ng mga Amerikano
na may taas na 31,000 na talampakan ang bomba at gumawa ito ng pagsabog ng may equivalent na 16
kilotons ng TNT. Ayon sa isang surbey na isinagawa ng mga Amerikano, iniestima na 4.7 miya
kuwadrado ang nawasak at halos 70% ng mga gusali sa Hiroshima ang nasira.

Paghulog ng Atomic Bomb sa Nagasaki – Ang Nagasaki noong panahon ng digmaan ay isang lugar
kung saan Malalaki ang planta at pagawaan ng mga eroplano, kagamitang pangmilitar, at iba pang
kagamitan. Noong Agosto 9, 1945, 11:01 A.M., hinulog ni Capt. Kermit Beahan, ang “Fat Man”, isang
Plutonium Atomic Bomb. Nasa 40,000 hanggang 80,000 na katao ang namatay dahil sa Epekto ng
bomba atomika.

• Surrender of Japan – Ito ay nangyari noong Setyembre 2, 1945 kung saan nilagdaan ng mga Hapones
ang isang kasunduan na nagwawakas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Japan:

1. Maraming tao ang namatay

2. Maraming gusali ang nawasak

3. Pagpapatay ng mga nagkasala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bisa ng Tokyo Trials

4. Pagsakop ng US sa Japan
5. Pagahasa ng mga babaeng Hapones ng mga sundalong Amerikano

6. Pagkakaroon ng de-industrialization ng mga industriyang Hapones

7. Pagbagsak ng Imperyong Hapones

You might also like