You are on page 1of 4

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-
1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng
mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak,
pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga
bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming puwersang militar upang lupigin ang bawat
kalaban. Isang linggo bago magsimula ang digmaan, ang kasunduang Molotov-Ribbentrop ay nilagdaan
ng dalawang magkakalaban, ang Alemanyang Nazi at ang Unyong Sobyet at sumang-ayon sila sa
dibisyon ng teritoryong nais sakupin sa Poland. Nagsimula lumusob ang hukbong Alemanya sa kanluran,
hilaga, at timog ng Poland noong Setyembre 1, 1939 habang ang USSR ay nagsimulang lumusob sa bansa
noong Setyembre 17 sa silangang bahagi ng Poland. Nang sumuko ang Poland, sila'y pinalipat sa
Romania. Ang hukbong Nazi ay aktibo sa digmaan mula 1939 hanggang 1940 at halos nakontrol ang
maraming bansa sa Europa. Pumasok ang Italya sa digmaan noong June 10, 1940 upang tulungan ang
mga Alemanya. Ang mga bansang Pransiya, Belhika, Netherlands, Austria, Tsekoslobakya, Poland,
Yugoslavia, Ukraine, Belarus, Lithuania, at kanlurang Rusya ay nakontrol ng Alemanya sa panahong iyon.
Pumasok ang Asia sa digmaan noong Disyembre 7, 1941 nang binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa
Hawaii sa umaga. Nagbibigay-daan din ito sa pagpasok ng bansang United States sa digmaan. Habang
nangyari ang pag-atake sa Pearl Harbor, ang walong barkong U.S. Navy ships ay binagsak ng mga Hapon.
Inilarawan itong bilang ''a date which will live in infamy'' dahil nangyari ang pag-atake ng walang anunsyo
o deklarasyon. Pagkatapos ng pitong oras, nagsimulang umatake ang Japan sa mga bansang nasa timog-
silangang Asia tulad ng Pilipinas, Hong kong, at Singapore. Halos nakontrol ng mga Hapon ang mga bansa
sa timog-silangang Asia at ang mga taong nakatira sa mga ito ay pinahirapan at pinatay. Noong 1943,
sinalakay ng mga Alyado ang Sicily, ang isla sa timog ng Italy hanggang sa sumuko ang Italy sa
pamamagitan ng paglagda ng kasunduang Cassibile noong Setyembre 3 at dineklara sa Setyembre 8.
Noong Abril 16, 1945, nangyari ang labanan sa Berlin at ito'y pinakahuling labanan ng hukbong Alemnya
at USSR. Habang nangyari ang labanan na ito, noong Abril 30, si Adolf Hitler ay nagpakamatay sa
pamamagitan ng pagbabaril sa ulo at kasabay niya rito ang asawa niyang si Eva Braun na nagpakamatay
din sa pamamagitan ng paggamit ng cyanide. Sa pagkamatay ni Hitler, humina ang Nazi Germany at
marami sa kanila ang namamatay sa daan. Sumuko ang mga Alemanya noong Mayo 7, 1945 at bunga
nito, nanalo ang USSR. Pagkatapos nito, nagkaroon ng selebrasyon sa Europa. Mula Moscow hanggang
Los Angeles, nagkaroon sila ng malaking selebrasyon. Ang hukbong USSR ay nabigyan ng award sa
kanilang tagumpay, ''Heroes of the Soviet Union''. Noong Agosto 6 at 9, nagsimulang magbomba ang mga
hukbong Amerikano sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki. Ang bombang Little Boy ay ginamit sa
Hiroshima at ang bombang Fat Man sa Nagasaki. Maraming namatay sa mga Hapon hanggang sila'y
sumuko noong Agosto 15, 1945. Upang mabigyang opisyal na katapusan ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang dokumentong pagsuko ay nilagdaan ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Sa
pagtapos ng digmaan, 60 milyon tao ang nasawi.
Unang Digmaang Pandaigdig
Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Ingles: World War I o pinaikling WWI) ay isang pandaigdigang
digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa
mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay
sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula
naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa
sa mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.[1][2]

Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng isang makabayang Serbiyo na nagngangalang Gavrilo
Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan.
Nagsimula ito noong ika-27 ng Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban
sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang nabanggit, kasáma na
maging ang kani-kanilang kolonya, na makibáka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan
ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo.[3][4][5]

Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya.


Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang Pransiya, at ng
bigong pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang mapipilan ng
sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman patungong Paris ay nauwi na sa
pakikidigmang pambambang ang mga sagupaan doon na siya naman nagdulot upang halos hindi na
umusad ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin sa digmaan
ang Imperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at iba pa samantalang bumagsak ang
monarkiya sa Rusya matapos ang Himagsikang Ruso noong 1917 na nagbigay daan upang kumawala ang
mga Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga Aleman sa kanlurang Europa
hanggang sa pumasok ang Estados Unidos sa digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado
pagsapit nang 11 Nobyembre 1918 matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong
Puwersa.[6][7]

Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga Imperyong
Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag noon ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang
anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga kasunduang itinadhana ng Kasunduan ng
Versailles na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga mamamayang Aleman at ang pag-usbong
ng pasismo sa Europa ang ilan sa mga dahilan upang muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang
digmaan pagsapit nang 1939.[8][9]

Tinatawag noong "Dakilang Digmaan" (Ingles: Great War) at "Digmaang Pandaigdig" (Ingles: World War)
ang digmaan bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang digmaan ay kilalá rin sa mga
katawagang "Ang Pandaigdigang Digmaan" (The World War), "Ang Digmaan upang Wakasan ang lahat
ng mga Digmaan" (The War to End All Wars), "Ang Digmaang Kaiser" (The Kaiser War), "Ang Digmaan ng
mga Nasyon" (The War of the Nations) at "Ang Digmaan sa Europa" (The War in Europe). Tinatawag
naman itong La Guerre du Droit ("Ang Digmaan para sa Katarungan") o La Guerre Pour la Civilisation/de
Oorlog tot de Beschaving ("Ang Digmaan para Mapanatili ang Sibilisasyon") sa mga medalya't bantayog
sa Belhika't Pransiya.

Ang katawagang "Unang Pandaigdigang Digmaan" ay unang ginamit nina Ernst Haeckel, isang pilosopong
Aleman, noong Setyembre, 1914 at ni Carlos A. Repington, isang mamamahayag, noong 10 Setyembre
1918 sa kanilang isinulat na mga talaarawan.[10]

Sa ngayon, ang pangalan ng digmaan na ginagamit sa Nagkakaisang Kaharian at Kanada ay "Unang


Pandaigdigang Digmaan" (First World War) samantalang "Unang Digmaang Pandaigdig" (World War I)
naman sa Estados Unidos.

You might also like