You are on page 1of 30

•Brunei •Myanmar

•Cambodia •Philippines
•East Timor •Singapore
•Indonesia •Thailand
•Laos •Vietnam
•Malaysia
Timog-Silangang Asya
-ay isang subrehiyon ng kontinenteng Asya, na binubuo ng
mga bansang nasa katimugang Tsina, silangan ng India at
hilaga ng Australya.
Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang rehiyong
heograpikal: Ang kalupaang Asyano, at ang mga arkong pulo at mga
kapuluan sa silangan at timog silangan. Ang mga bansang nasa
kalupaang Asyano ay kinabibilangan ng Cambodia, Laos, Myanmar,
Thailand, at ang Vietnam; ang populasyon ay pangunahing binubuo
ng mga Tibeto-Burmano, mga Tai, at mga Austroasiatiko; ang
pinakamalaking relihiyon ay Budhismo, na sinundan ng Islam,
at Kristyanismo. Ang mga bansang nasa karagatan ay binubuo ng
Brunei, Silangang Timor, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, at
ang Singapore. Ang ibang paglalarawan sa rehiyon ay sinasama
ang Taiwan sa hilaga. Ang mga Austronesiano ang dominante sa
rehiyon; ang pangunahing relihiyon ay Islam, na sinundan
ng Kristiyanismo.
Ang paghahati sa "Timog Silangang Asya" ay nag-iiba-iba,
subalit karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga bansang
ito:

Brunei Pilipinas
Cambodia Singapore
Indonesia Thailand
Laos Vietnam
Malaysia Silangang Timor
Myanmar
Brunei - ay isang bansa na matatagpuan sa hilagang bahagi
ng pulo ng Borneo, sa Timog Silangang Asya. Ito ay napapaligiran halos ng
Estado ng Sarawak, na bahagi ng Malaysia, maliban na lamang sa hilagang
baybayin nito kung saan naghahanggan sa Dagat Timog Tsina. Ang bansa ay
magkahiwalay sa dalawa na hinati ng Limbang, na bahagi pa rin ng Sarawak.

Ang Moske ng Sultan


Omar Ali Saifuddin sa
Bandar Seri Begawan.
Cambodia - ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya na may
populasyon ng mahigit kumulang sa 15milyon katao at Phnom
Penh ang kabisera nito. Ang Cambodia ay kahalili na estado ng noon ay isang
makapangyarihang kaharian ng Hindu at Buddhist Khmer na namuno sa halos
kabuohan ng tangos ng Indochina mula ika-11 at ika-14 na siglo.

literal na "Malaking Ilog ng


Tubig na Tabang", ngunit
karaniwang sinasalin bilang
"Dakilang Lawa") ay isang
pinagsamang sistema
ng lawa at ilog na may
malaking halaga sa
bansang Kambodya.
Indonesia - ay isang bansa sa Timog Silangang Asya. Ito ay binubuo ng
17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na
binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 238 milyong katao ang
populasyon ng Indonesia,na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa
mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na
pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia.
Isang republika ang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura)
at pangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta.

Ang Bulkang Semeru at


Bulkang Bromo sa
Silangang Haba. Ang mga
aktibidad bulkaniko sa
Indonesia ay isa sa
pinakamataas sa buong
daigdig.
Laos - opisyal na tinatawag na Lao People's Democratic
Republic o Demokratikong Repuklika ng mga Lao, ay isang walang daga na
bansa sa Timog Silangang Asya, na naghahanggan sa Burma at Tsina sa hilagang
kanluran, sa Vietnam sa silangan, sa Cambodia sa timog. at sa Thailand sa
kanluran. Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang o
"Lupain ng Milyong mga Elepante", na nabuo noong ikalabing apat na dantaon
hanggang ikalabingwalong siglo.

Ang mga ilog ay isa sa


pinakamahalagang daanan
pantransportasyon ng
bansa.
Malaysia - ay isang bansang binubuo ng labing tatlong estado at
labing tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang
sukat ng lupa na 329847 km2. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito,
samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang
bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang bansa ay hinati
ng Dagat Timog Tsina sa dalawang magkahiwalay na rehiyon.—ang Tangway ng
Malaysia at ang Silangang Malaysia.

Ang Gubat ay
napakahalanggang
kanlungan ng mga
katutubong hayop at
halaman ng kagubatan at ng
mga elepanteng asyano,
rinoserong sumantran at ng
ulaping leopardo.
Myanmar - dating Kaisahan ng Burma, ay ang pinakamalaking bansa
(sa sakop pang-heograpiya) sa lupaing nasa loob ng kontinente ng Timog
Silangang Asya. Napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Thailand sa
timog-silangan, Banglades sa kanluran, at India sa hilaga-kanluran, kasama
ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa
kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying dagat).

ang ibat ibang likas


yaman ng myanmar ay
haruy=meaning isang
bukid,lorfas=meaning isang
dahon
Philippines - ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa kanluran
ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo,
isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Kabilang sa lupalop o kontinente
ng Asya ang bansang Pilipinas.

Ginamit ng mga Ifugao/Igorot ang Hagdan-hagdang Palayan ng


Banawe upang magtanim ng mga pananim sa matarik na
bulubunduking bahagi ng Hilagang Pilipinas.
Singapore -ay isang pulo, estadong-lungsod, na matatagpuan
sa Timog Silangang Asya, sa timog ng estado ng Johor sa Tangwaying
Malaysia at hilaga ng kapuluang Riau ng Indonesia. Ang pulo ay dating
tinatawag na Temasek at bininyagan ni Prinsipe Parameswara sa
pangalang Singapura, nangangahulugang “lungsod (pura) ng leon (singa)”
noong ika-16 siglo.

Ang kadalasang atraksiyon


panturista, ang Merlion
Ang Merlion statue
sa Merlion Park, Singapore,
na may skyline ng Central
Business District.
Thailand - ay isang bansa sa Timog Silangang Asya, napapaligiran
ng Laos at Cambodia sa silangan, the Golpo ng Thailand at Malaysia sa timog,
at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam,
na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang
"kalayaan" ang salitang Thai sa wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong
etnikong Thai - na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga
kalakihang minoryang Instik, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.

Kahalagahan ay ang festival,


handicrafts at klasikal dances
ay isang pangunahing
lokasyon sa sarili nitong
tradisyon. Karagdagan ay ang
pagkakaroon ng mga
burol ,tribo at ang kanilang
yamang tubig
Vietnam- ay ang pinakasilangang bansa as Tangway ng Indotsina
sa Timog Silangang ASya. Ito ay naghahanggan sa Tsina sa hilaga, sa Laos sa
hilagang kanluran, sa Cambodia sa timog kanluran, at sa Dagat Timog Tsina sa
silangan. Sa populasyon nitong nasa 86 milyon, ang Vietnam ay naging ika-13
pinakamataong bansa sa buong daigdig.

Ang Libingan ng Emperador


sa Hue
East Timor- ay isang bansa sa Timog Silangang Asya. Binubuo ito ng
silangang hati ng pulo ng Timor, ng mga kalapit na pulo ng Atauro at Jaco, at
Oecusso-Ambeno, isang enclave ng Kanlurang Timor sa kanlurang bahagi ng
isla, pinaliligiran ng Kanlurang Timor.

East at West Dili ng East


Timor isa sa popular na lugar
na pinagkukunan ng yaman
lalo sa karagatan gaya ng
coral reefs, isda at iba pang
yamang tubig
Mga Pangunahing Pinagkukunang Yaman ng
Bawat Bansa sa Timog Silangang Asya.
Mga Pangunahing Pinagkukunang Yaman ng
Bawat Bansa sa Timog Silangang Asya.
Prepared by :
Jana Mae Laxamana

Members:
Ma. Elaine Nohay
Annabel Fernandez
Jelliane Del Rosario
Mary Rose De Guzman
Mikko Cornelio
Jomar Salenga
Gerald Dave Chester Cerna

You might also like