You are on page 1of 1

JUNALYN S.

MAMANTAR GRADE 7-NEWTON

“TATLONG LALAKING MATIGAS ANG ULO"

May isang binatang nagmana ng sandaang ulo ng baka nang mamatay ang kanyang mga
magulang. Siya’y naging malungkutin kaya ninais niyang mag-asawa. Siya’y nagpatulong sa
kanyang mga kapitbahay sa paghanap ng makakasama habang buhay.May kapitbahay na
naghimatong sa kanya, May nakita akong dalagang kanais-nais para sa iyo. Siya’y maganda,
mahusay at matalino. Ang kanyang ama ay napakayaman at nagmamay-ari ng anim na libong
ulong hayop.Ang lalaki ay natuwa nang marinig ang balita at nagtanong, Gaano ang ibabayad na
dote?Gusto ng ama’y isang daang baka, ang sagot.Sandaang baka? Iyan lamang ang bilang ng
aking mga hayop! Paano kami mabubuhay? Tanong ng binata.Pasyahan mo at sasabihin ko sa
amaang iyong kasagutan sa lalong madaling panahon, sabi ng kapitbahay.Nag-isip ang binata at
nagsalita, Hindi ako maaaring mabuhay na wala siya. Siya’y aking pakakasalan! Sabihin mo sa
ama.Sa madali’t sabi ang dalawa’y pinagtaling-puso. Sila’y namuhay nang sarili at dumating ang
pagkakataong sila’y naubusan ng pagkain kaya ang lalaki’y nagpastol ng hayop para sa
kapitbahay upang may maipag-agdong-buhay. Ang kanyang kinikita ay hindi sapat sa buhay-
maharlika ng asawa.Isang araw, nang ang babae ay nakaupo sa labas ng tahanan, may isang di-
kilalang dumating na naganyak ng kanyang kagandahan. Siya’y nagpahayag ng kanyang
paghanga at pag-ibig. Ang sagot ng babae’y magbalik ang lalaki sa ibangaraw.Lumipas ang ilang
buwan. Ang ama ng babae ay dumalaw sa anak. Ang babae ay napahiya sapagkat walang
pagkaing maialok sa ama. Nagkataong noon ding araw na iyon ay siya ring pagdating ng lalaking
nag-alok ng kanyang pag-ibig. Napa-oo ang babae sa lalaki kung ang huli ay magbibigay ng
karneng lulutuin para sa pagkain ng kanyang ama.Nang magbalik ang mangingibig, siya’y may
dalang ulam. Niluto ito ngbabae. Siya namang pagdating ng asawa. Ang tatlo’y nagsalo sa hapag
samantalang ang lalaking mangingibig ay nasa labas. Inanyayahan ng asawang lalaki ang
estranhero na umupo at sumalo sa pagkain.Nang ang lahat ay handa na sa mesa,nagsalita ang
babae, Magsikain kayo, mga hangal! Pulos kayong luko-luko!Bakit ‘kamo kami’y luko-luko?
ang sabay-sabay na usisa ng tatlo.Ama, sagot ng anak, ikaw ay tanga sapagkat ipinagbili mo ang
mahalaga upang makamtam mo ang walang kahulugan. Ipinagbili mo angiyong kaisa-isang anak
sa halagang isang daang baka gayong ikaw ay mayroon nang anim na libong ulo.Tama ka, sang-
ayon ng ama. talagang ako’y isang tanga.At ikaw naman, aking asawa, ang patuloy, nagmana ka
ng isang daangulo ng hayop at ang lahat ng mga ito ay ginugol mo para sa akin hanggang tayo’y
walang makain. Maaaring magkaasawa ka ng ibang babae sa halagang sampu o dalawampung
baka lamang. Kaya ikaw ay torpe at loko rin!At bakit pati ako? tanong ng estranghero.ikaw ang
pinakaloko sa lahat. Akala mo ay mapapalit mo ng kapirasong karne ang bagay na binili ng
sandaang baka.Ang estranghero ay napahiya at noondi’y lumisan.Bumaling ang ama sa anak,
ikaw, aking anak ay matalino. Pagdating kosa bahay, padadalhan ko ang iyong asawa ng tatlong
daang baka upang kayo’y mamuhay nang maginhawa.

You might also like