You are on page 1of 2

José P.

Laurel

Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang


ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng
mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.
Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba
Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate
Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang
sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan
ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng
mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni
Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa
puso at istrok.

Talambuhay

Serbisyong publiko
Habang isang estudyante, si Laurel ay pumasok na isang mensahero ng Bureau of Forestry
bilang isang clerk sa Komite ng Kodigo na inatasang magkodigo ng mga batas ng Pilipinas. Sa
kanyang pagbalik mula sa Yale, siya ay hinirang na Pangalang Kalihim ng Kagawarang Panloob
at pagkatapos ay itinaas bilang Kalihim ng Kagawaran ng Panloob noong 1922. Sa posisyong,
palagi nakikipag-alitan sa Gobernador Heneral ng Estados Unidos na si Leonard Wood sa
Pilipinas. Noong 1923, si Laurel ay nagbitiw kasama ng ilang mga kasapi ng gabinete ng
pamahalaan ni Wood.

Senado
Si Laurel ay nahalal na kasapi ng Senado ng Pilipinas noong 1925. Siya ay nagsilbi ng isang
termino bago matalo sa muling pagtakbo sa halalan noong 1931 kay Claro M. Recto. Siya ay
bumalik sa pagsasanay na pampribado ng batas ngunit noong 1934 ay muling nahalalal sa
opisinang pampubliko bilang delegado ng Kombensiyang Konstitusyonal ng 1935. Kanyang
inisponsoran ang mga probisyon ng Panukalang Batas ng mga Karapatan. Pagkatapos ng
pagpapatibay ng Saligan Batas ng Pilipinas ng 1935 at pagkakatatag ng Komonwelt ng Pilipinas,
si Laurel ay nahirang na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas noong Pebrero 29,
1936.

You might also like