You are on page 1of 1

“Modernong Bayani”, ganiyan sila kung tawagin sa panahon ngayon kung saan

patuloy ang paglaban ng bansa sa pandemya na dulod ng COVID-19. Sila ang mga tao na
isinasaalang-alang ang kanilang mga buhay upang mailigtas ang buhay ng kanilang mga
kapwa Pilipino. Sila ang mga nurse na itininuturing na mga ‘frontliners’. Hindi biro ang
kanilang sakripisyo upang lubusang masugpo ang kalabang hindi nakikita. Mga bayaning
lumalaban para sa paglaya ng bansa mula sa pandemya. Sila ang tila ipinambabala sa
kanyon sa ganitong giyera.
Sa mga sakripisyong ibinibigay ng ating mga ‘nurse’, nagdudulot ito ng kaukulang
panganib sa kanilang mga buhay. Nandiyan din ang kanilang mga karagdagang sakripisyo
sa transportasyon, oras, pagkain at iba pa. kung kaya, kinakailangan nila ang ‘special risk
allowance na nanggagaling sa gobyerno. Ngunit, nakakadismayang isipin na hindi pa
nabibigay sa karamihan ang kaukulang bayad na nararapat para sa kanila. Nito lamang
mga nakaraang mga araw, hindi na nakapagpigil ang mga ‘nurse’ ng ospital gaya ng St.
Lukes Medical Center na magprotesta upang ibigay sa kanila ang pondo na para sa
kanila. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng buwis-buhay nilang trabaho ay kinakailangan
pa nilang magprotesta para ibigay ang para sa kanila. Sa kanila nakasalalay ang
kapakanan ng bansa sa ngayon, paano na lamang kung magdimite sila sa kanlang mga
trabaho dahil sa hindi nababayaran ng maayos? Isipin nalangnatin na may kaiya-kaniya
rin silang pamilya na iniiwan para iligtas ang ibang tao, kung patuloy silang hindi
mapapahalagahan maaaring maubos ang mga kagaya nila. Sa mga pagkakataong tulad
nito, nakikita natin kung sino ang mga tunay na may malasakit sa bayan at kung sino ang
mga pera lamang ang habol.
Sa paghihirap ng bayan, masuwerte tayo na may mga tao pa ring handing
magpaka bayani para sa atin. Ngunit sa isang banda, may mga taong sadyang pumipigil
sa mga bida. Mga taong pera lamang ang iniisip. Hindi mga laruan ang mga nurse na
hindi napapagod at pwedeng paglaruan. Huwag sana silang gawing pagkakakitaan ng
mga nasa katungkulan. Ngunit ayon nga sa isang kasabihan, walang sikretong hindi
mabubunyag. Mananagot ang may mga kasalanan at mananaig ang kabutihan laban sa
kasakiman at kasamaan. Mabuhay ang mga modernong bayani!

You might also like