You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL: LABAN NG PILIPINO SA PANDEMYA

Corona Virus Disease o COVID – 19, ang dahilan ng lahat ng paghihirap. Mula noong umusbong ito sa
Wuhan, China, nag dulot ito ng matinding pagbabago sa buong mundo. Ang pandemyang nagpabago sa
lahat ng pamramaraan ng pamumuhay, edukasyon, at lahat ng institutsyon. Hindi lingid sa ating kaalaman
na ang ating sistema at pamhaalan ay hindi na kinakaya ang pagsugpo sa mga pangyayaring dulot ng
pandemyang ito. Mula sa ulat ng World Health Organization, ang Pilipinas ay may itinala 1,171,403 kaso
ng COVID-19 mula 3 Enero 2020 hanggang 22020 at may 19,763 na kamatayan. Nagkaroon na tayo ng
bilyon - biloyong utang upang maagapan natin ang virus na ito, ngunit sa kakulangan ng ating makakaya,
nasa tuktok parin tayo sa mga bansang mayroong pinaka maraming kaso ng COVID – 19. Ang pandemyang
ito ay nagdulot ng pinakamahapding pangyayari sa mga Pilipino, ang kawalan ng lahat ng ating
kapangyarihan, pag asa, trabaho, buhay at marami pang iba.

Ngunit masasabi ba natin na ginagawa natin ang lahat, ang ating gobyerno na siyang ating lakas, ay nag
lilingkod nga ba sa kanilang bayan?

Ang ating gobyerno ay kinakasangkapan ng mga makapangyarihan mga grupo ng mga indibidwal na
may kapangyarihang tumulong sa kapwa, binasagan nating silang ‘public servant’, tayo ang may
kapangyarihan dahil tayo ang dahilan kung bakit sila nakaupo ngayon sa kanilang pwesto, sila ang may
layang gawin ang kanilang mga sariling paraan para tumulong sana sa kanilang kababayan. Ngunit ating
mapapansin na nababaliktad ang lahat, hindi dapat tayo ang nag pupunas ng kanilang mga sapatos, tayo
dapat ang napaglilingkuran.
Makikita sa editorial ang paghihirap ng isang indibidwal habang may kamay na may dalang pera, ito ang
simbolo ng pagiging alila natin, ang pagtanggap na tayo ay nasa ibabaw lamang, ang pagsasakripisyo natin
para lamang sa pera, para lamang ma buhay, at paglalaban natin ng hindi nakikitang virus para masabi
lamang na may ambag ang gobyerno sa ating paghihirap. Ngayon ating bigyan ilaw ang isyung ito, na dapat
na nating harapin na malabo nating malagpasan ang pandemyang ito kung ganito an gating pamamaraan.
Nakita na natin lahat ang epekto ng pandemyang ito, naramdaman natin ang hirap at higpati nang nawala
sa atin at sapat na itong rason upang tayo ay magsalita. Ating gamitin ang panahon na ito bilang isang
opurtuninad para bigyang pag asa nz buhayin ang isyu na hindi dapat tayo magpaalila para sa trabaho ng
iba, Oo, lahat tayo ay dapat kumilos. Lahat dapat tayo ay mag ambag para sa ikabubuti ng bansa. Sapagkat
hindi dapat natin kalimutan na mayroong tayong gobyerno para doon, kaya nga natin sila inilagay sa
kanilang pwesto upang kumilos hindi mag utos lamang at magbayad. Bigyan hustisya ang ating karapatan.
Tanaw natin lahat ang dulot ng pandemyang ito ngunit hindi ito sapat para tayo ay magtalikuran, sapat na
ito na para mag tulungan at ipaglaban ang karapatan. Ang maibabahagi ko lamang ay ating alalahanin an
gating estdao sa buhay, maging responsible, tumulong, huwag iapsa ang trabaho at higit sa lahat huwag
umabuso ng kapwa Sapagkat, lahat tayo ay may trabaho para sa ikabubuti n gating systema, dapat lamang
na tayong kumilala ng para sa atin at gawin ang nararapt. Nasa atin ang kapangyarihan upang itigil ang
sistemang ito, gamitin natin ito para sa kinabukasan.
Sangguniang:

Inquirer, P. D. (2021, May 31). Editorial cartoon, May 31, 2021. INQUIRER.net.
https://opinion.inquirer.net/140749/editorial-cartoon-may-31-2021.

You might also like