You are on page 1of 5

UNIVERSITY OF BOHOL

TEACHERS COLLEGE

iPlan for Filipino 11

Pangalan ng Guro: Emelyn Kwarter: Petsa:


L. Pangan
Pamantayan ng Pagkatuto: Nakagagawa ng pag-aaral gam it ang social media sa
pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit sa wika. (F11EP-IId-33)

Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang epekto ng pag-aaral ng social media sa
paggamit ng wika sa pamamaraan ng pagsulat;
b. Natutukoy ang pagkakagamit ng wika sa mga istatus o
post sa social media;
c. Nasusuri ang pagkakagamit ng wika sa iba’t ibang
sitwasyon.

Paksa: Pagsusuri ng mga Teksto Gamit ang Social Media

Mga Kagamitan: Aklat, Laptop, Internet, Printed Material, Pantulong Biswal

ELEMENTO NG PAMAMARAAN
PLANO
Paghahanda Panimulang  Panalangin
Gawain  Pagcheck sa attendance

BALIKAN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Pinupuntahan ito sa Facebook kung


nais magpadala ng mensahe upang
maging pribado ito.
a) Google drive
b) Internet
c) Messenger
d) Text message

2. Ito ang ginagawa pagkatapos magbigay


ng pahayag o reaksyon sa nabasa sa
internet.
a) Edit
b) Like
c) Message
d) Post

3. Nakasulat sa wikang Filipino ang


nillaman nito sa Internet.
a) Akdang pampanitikan
b) Batas ng ibang bansa
c) Impormasyong pang-agham
d) Rebuy ng pelikulang Ingles
 Pagkatapos sagutan ang mga tanong,
ihanda ang mga mag-aaral para sa
susunod na bahagi ng aralin.
Mga  Itatalakay ng guro ang naka-flash sa
Presentasyon Gawain projector.

 Pagkatapos, bibigyan ng guro ang mga


mag-aaral ng kopya sa babasahing
“Epekto ng Teknolohiya sa Wika”

Analisis
PANG-ISAHANG GAWAIN:

Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga


sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang epekto ng paggamit ng


teknolohiya sa wikang Filipino?
2. Ipaliwanag ang sumusunod na mga
salita ukol sa nangyayari sa wika sa
kasalukuyang panahon.
a) Pagpapaikli ng salita
b) Paggamit ng akronim
c) Paggamit ng mga slang word

PANGKATANG GAWAIN:
Panuto: Suriing mabuti ang mga icon sa loob
ng kahon at kilalanin ito.

a) Pangalanan ninyo ang pamilyar na mga


icon sa social media na nasa loob ng
kahon.
b) Paano nagagamit sa sitwasyong
pangwika ang mga icon na
pinangalanan mo?

Abstraksyo GAWIN:
n/
Talakayan Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
isang text. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong.

a) Ano ang epekto nito sa mag-aaral sa


pagkatuto sa paggamit ng wika?
b) Paano ginagamit ang wika sa pagpo-
post ng mensahe?

Praktis/ Aplikasyon ISAISIP:


Pagsasanay
Panuto: basahin at unawain ang maikling pag-
uusap o diyalogo ng mga kabataan. Isulat ang
sagot sa mga tanong sa sagutang papel.

Bata 1: eyoW PfOSXH!


Bata 2: ohkaysz langh namen dhEaR
Bata 1: nhAkakatwAh nHman
Bata 2: Ou NghA phou
Bata 1: n4!ntindHihan nyOW fOh ba 4NG s!
nasabi kHow??
Bata 2: shakit s4 uLoh maG!ng jhejhemonN

1. Angkop ba ang pagkakagamit ng wika?


Pangatuwiranan.
2. Ano kaya ang mangyayari kung sa
ganitong paraan magsasalita ang lahat
ng mga Pilipino? Ipaliwanag.
3. Paano nakaaapekto sa kabataang tulad
mo ang paraan ng pagbaybay ng salita
sa social media?

Pagtataya Pormatibon  Magbibigay ang guro ng test paper para sa


g kanilang maikling pasulit sa araling ito. Ang
Pagtataya pasulit ay sasagutan lamamng sa loob ng
dalawang minuto.
Takdang-Aralin Magtala ka ng tatlong ginagamit mong
websites o social media applications. Ano ang
isinusulat o ipino-post sa naturang website o
social media? Sagutan ito sa iyong kwaderno
sa Filipino.
WEBSITE O SOCIAL MEDIA ISINUSULAT O IPINO-POST
MO

Panapos na Mag-aral para sa ating pasulit sa darating na


Gawain pagkikita.

You might also like