You are on page 1of 3

Emelyn L.

Pangan T1-FIL ED12 1SEM21


BSED Filipino 3 Ika-19 ng Oktobre, 2021

1. Kapag narinig mo ang salitang pamahayagan, ano ang agad na pumasok sa iyong
isipan?
Ang pumapasok sa aking isipan kapag naririnig ko ang salitang pamahayagan ay
diyaryo, radyo, at telebisyon, kung saan ito ay mga bagay na naghahatid araw-araw ng
katotohanang balita upang i-update ang mga tao sa kung ano ang mga nangyayari rito
sa ating bansa o sa iba pang panig ng daigdig upang bigyan tayo ng kamalayan sa mga
pangyayari.

2. Ano ang kahulugan ng pamahayagan?


(a) Ito’y isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magpalimbag ng mga
pahayagan at magasin (Miller 425).
(b) Isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magsulat ng mga bagay na
maipalilimbag sa mga pahayagan at iba pang mga peryodiko (diksyunaryong
Webster).
 (c)Isang gawaing pangangalap ng imformasyon, pagsusulat, pag-eedit at
paglilimbag o pangangalap ng mga balita, maaring sa pamamagitan ng mga
pahayagan at magasin, o kaya’y sa pamamagitan ng radyo at television
(diksyunaryong Webster)
(d) SA KABUUAN: Mabubuo rito batay sa katuturang nabanggit na ang
pamahayagn ay isang uri ng gawaing kinapapalooban ng:

(1) Pagpapalimbag ng mga pahayagan, magasin, polyeto, aklat, atb., at

(2) Pagbabalita sa radyo at/o televisyon, na tumatalakay hinggil sa mga bagay na


bukod sa nakalilibang sa madla ay nagsasaad pa ng mga pangyayaring tunay na
nagaganap di lamang sa sariling pook o bansa kundi gayon din sa buong daigdig.

3. Ano ang saklaw ng pamahayagan?


Sumasaklaw ang pamahayagan sa tatlong gawain gaya ng sumusunod:
(a) Pagsulat- tulad ng pagsulat tulad ng pagsulat ng mga pahayagn, magasin, at iba pa.
(b) Pagsasalita- na karaniwang nagaganap sa radyo sa pamamagitan ng pagbabalita at
pamumuna o pagbibigay ng komentaryo.
(c) Pampaningin- pagbabalita sa television, ng mga on-the-spot-telecast na
pagbabalita, komentaryo, paanunsiyo, at iba pa.

4. Ano ang layunin ng pamahayagan sa mag-aaral, pamayanan, at purok?


A. Tulong sa Mag-aaral
a. Nasasanay ang mga mag-aaral sa makabuluhan at nakawiwiling panunulat.
b. Masiglang nagkakaroon ang mga mag-aaral ng hilig, panlasa at lugod sa
pagbabasa.
c. Lumilinang ng kakayahan ng mag-aaral sa pagmamasid at sa wastong
pagpapahalaga sa mga babasahin.
d. Napasisigla sila sa lalong maningning at mabungang pag-aaral.
e. Nasasanay sila hindi lamang sa pag-akda at panunulat kundi gayundin sa
pamamahala, pagtuturo at paghahanapbuhay, pati na rin sa magandang pakikitungo sa
kapwa, pagsusuri sa kasiningan at kaaghaman ng mga bagay.
f. Natuturuan sila ng wastong pagbasa ng mga pahayagn at ng mga aklat. g.
Naglilinang sa kanila ng mataas na pamantayan ng pagtutulungan, katapatang-loob,
pagpapaumanhin, pagkamaginoo, pananagutan, pagkukusa, pamumuno at
pagpapasunod.
h. Nabibigyan sila ng pagkakataong makasulat ng iskript at makapagbrodkast nito sa
radyo at/o televisyon.

B. Tulong sa Paaralan
a. Naipapaalam sa mga magulang o sa bayan ang gawain ng paaralan.
b. Naglalathala ang lahat ng uri ng balitang pampaaralan.
c. Naglalathala ang mga kurukuro ng mga mag- aaral, guro, kawani o administrador
ng paaralan.
d. Nag-uukol ng kolumna/pitak ng mga mungkahi ng mga mag-aaral at ng kanilang
mga magulang sa lalong ikabubuti ng paaralan.
e. Nagtataguyod ng pagkakaisa ng mga pinuno ng paaralan, guro, magulang at mag-
aaral.
f. Tumulong sa paglinang ng mabuting pamantayan ng pag- uugali ng mga kabataang
mag-aaral.
g. Nagbibigay-daan sa pagkakaisa ng buong paaralan.
h. Nagpapasigla at nagbubunsod ng mga gawaing kapaki- pakinabang.
i. Tumatangkilik sa pakikipag-unawaan at pakikipagtulungan sa ibang paaralan.
j. Nag-aalaga at nagpapasigla sa diwang pampaaralan gaya ng paglikha ng
matangkilik na pag-ibig sa tinubuang lupa.
k. Nagpapahayag at nagpapalaganap ng diwa ng idealismo na higit kaysa
materyalismo.
l. Lumilikha ng magaan na pagtutulungan ng mga magulang, paaralan at pamayanan.

C. Tulong sa Pamayanan

a. Nagpapabatid sa pamayanan ng tungkol sa gawain ng paaralan.


b. Naglalathala ng balitang pampamayanan.
c. Nakakalikha ng paraan sa ikapagkakaisa ng pamayanan at paaralan.
d. nagpapaunlad ng pagkakaunawaan ng pamayanan at paaralan.
e. nagpapaunlad ng diwang makapamayanan.
f. Nagpapasigla ng mahahalagang gawain ng pamayanan.

D. Tulong sa Purok
a. Magpabatid ng mga gawaing pampurok.
b. Maglathala ng balitang pampurok.
c. Makalikha sa ikapagkakaisa ng purok at paaralan
d. Magpaunlad ng pagkakaunawaan ng purok at
paaralan.
e. Magpaunlad ng diwang makapurok
f. Magpasigla ng mahahalagang gawain ng purok

5. Ano ang tungkulin ng pamahayagan?


a. Maglathala ng balita- ito ang pinakamahalagang tungkuling ginagampanan ng
pahayagan.
b. Magbigay puna sa balita- natutuklasan ng mambabasa ang kahulugan ng balita at
kung ano ang sinasabi ng iba tungkol dito.
c. Tumulong sa mambabasa- kabilang dito ang mga pitak, pangkalusugan,
pansikolohiya, pag-aalaga at iba pa.
d. Manlibang sa mambabasa- napatunayan sa isang pagsisiyasat na higit na maraming
bumabasa ng lathalaing manlilibang kaysa balita.
e. Maglathala ng anunsiyo- ito ang tumutustos o nagtataguyod sa pahayagan.

You might also like