You are on page 1of 4

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong


kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng


mga konseptong pangwika F11PT-Ia-85

I. Layunin:

 Nakikilala ang konseptong pangwika ukol sa homogenous na wika.


• Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng mga salitang homogenous.
• Nakabubuo ng presentasyon na nagpapakita ng kanilang pang-unawa sa
konseptong pangwika.

Paksa: Homogenous na Wika

Kagamitan: Powerpoint presentation, meta cards,

Sanggunian:

 Pinagyamang Pluma (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Filipino)
Nina Alma M . Dayag at Mary Grace G. del Rosario
 https://www.youtube.com/watch?v=FaZCGfOWtME
 https://www.youtube.com/watch?v=gVZgJGC8u2k

II. Pagpapalawak ng Aralin:

A. Pagganyak

1. Panoorin ang patalastas ng inumin na ukol sa taong gumamit ng


wika sa lalawigan nila.( video clip )
 Ibigay ang sariling pananaw hinggil sa napanood na patalastas.

2. Magbigay ng mga salitang maaaring maiugnay sa salitang nakasulat


sa loob ng kahon. ( Word Map )
Homogenous na
Wika

 Ano ang kaugnayan ng napanood na patalastas sa salitang


nakasulat sa loob ng kahon?

B. Paglinang ng talasalitaan
 Isagawa ang larong “ansabe” sa pamamagitan ng pangkatang gawain.
Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Isa sa miyembro ng pangkat ay ang
siyang magpapahula at ang natitira ay ang mga huhula ng salita.

Panuto: Ang bawat pangkat ay bubunot ng isang papel na naglalaman


ng salitang pahuhulaan. Bibigyan lamang ng tatlong beses na
pagkakataong makasagot. Sa loob ng isang minuto ay kinakailangang
masagot ng grupo ang pinahuhulaang salita.
1. bulong
2. tambal
3. Homogenous
4. lugar
5. tao
• Ibigay ang kahulugan ng bawat salita at gamitin ito sa isang
makabuluhang pangungusap.
C. Pagtalakay sa aralin

 Ang bawat grupo ay bibigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang


inihanda ng guro mula sa powerpoint na kaugnay ng aralin at
hahayaan silang palawakin ito sa klase.

Walang buhay na wika na maituturing na homogenous dahil ang


bawat wika ay binubuo nang mahigit sa isang barayti. Masasabi lang
kasing homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat
ng gumagamit ng isang wika. (Paz et.al 2003). Subalit hindi ganito ang
wika sapagkat nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba, sanhi ng iba’t ibang
salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-
aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko
o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad. Kung saan tayo’y
nabibilang at ang iba pa.

• Maaaring magdagdag ang guro sakaling may kakulangan o kalabuan


ang ibinahagi sa klase.

III. Mga Gawain

A. Pangkatang Gawain
 Iparinig ang awiting “Atin cu Pung Singsing”.
• Pangkatin ang klase sa tatlo at gawin ang sumusunod:
Pangkat 1: Gumawa ng poster nito at ipaliwanag sa klase ang inyong
nabuong awtput.
Pangkat 2: Magtanghal ng interpretatibong sayaw nito at ipaliwanag sa
klase ang inyong nabuong awtput.
Pangkat 3: Bumuo ng tulang malaya na nagpapahayag ng kahulugan ng
awiting ito at ipaliwanag sa klase ang inyong nabuong awtput

• Ang klase ay bibigyan ng 20 minutong paghahanda para sa kanilang


presentasyong gagawin.
• Ang kanilang awtput ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubriks na
ito:

Nilalaman/ Mensahe 10 puntos


Pagkamalikhain 5 puntos
Presentasyon 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

B. Paglalahat
1. Gagamitin ang dugtungan upang ang opinyon ng bawat isa ay
makuha bilang paglalagom sa paksa
Mga Pahayag:
• Ang homogenous na wika …..
• Sakaling ako ay … dapat na …
• Bilang mamamayan ng aking lalawigan…
• Sa ngayon ang pagkakabatid sa paggamit ng isang wika ay…
sapagkat…
C. Paglalapat:
Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang mga epekto ng
pagkakaroon ng wikang homogenous na wika sa atin.

Positibo Negatibo
Pagkaka-

roon ng di-

Homogenous

na Wika

D. Ebalwasyon/Pagtataya

Maikling Pagsusulit :
Suriin ang mga salitang nakasulat sa metacards at ibigay ang kahulugan
nito.
1. palitaw
2. sitaw
3. haplos
4. kolekta
5. latik

Inihanda nina:

Laureen B. Aguilar -Dibisyon ng Bataan

Abel G. Magpoc -Dibisyon ng Bataan

Krystel D. Libu -Dibisyon ng Pampanga

You might also like