You are on page 1of 3

November 9, 2012

Paksiw na Ayungin ni
Jose F. Lacaba.
Paksiw na Ayungin
ni Jose F. Lacaba

Ganito ang pagkain


ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik
(para sa pusa iyan
at ang matirang tinik),
at ilapit sa labi
ang ulo, at sipsipin
ang mga matang dilat;
pagkatapos ay mismong
ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang
katas nito.
           Saka mo
umpisahan ang laman.

Unti-unti lang, dahan-


dahan, at simutin nang
husto--kokonti iyang
ulam natin, mahirap
humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin,
paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
Payat man ang ayungin,
pabigat din sa tiyan.

Ang Batsilyer at Ang Bangkero


ni Virgilio Almario

May isang batsilyer na sakdal ng alam.


Nangga1ing sa klase , uuwi sa bahay,
May isang bangkero siyang natanaw
Tinawag niya't pagdaka'y sumakay.
Nang makasakay na'y binuksan ang libro
At saka tinanong ang pobreng bangkero:

'Magmula sa Langit hanggang sa Impiyerno,


Turan mo kung iIan ang signos ng tao.'
sagot ng bangkero'y 'Di ako bihasa,
Di ako nag-aaral sa alin mang eskwla,
Dito ang bangka ko'y ang aking marterya
At ang aking pluma'y ang sagwan kong dala.'
Sagot ng batsi1yer:'Ikaw ay pangahas
Sa kagaya ko'y palalong mangusap,
Sa iuutos ko'y gawin mo mg agad,
Hayo na't dakpin mo ang alon sa dagat.'
Sagot ng bangkero'y 'Batsilyer na bunyi,
Aking magutin iyong talumpati,
Hayo' t ang bohangi'y lubiring madali.
Sn darakping alo'y siyang itatali.'

You might also like