You are on page 1of 6

PAGLILINAW SA PASIYA NG KORTE SUPREMA NOONG 9 OKTUBRE 2018 HINGGIL SA

CONSTITUTIONALITY NG CHED MEMO BLG. 20, s 2013 (na nagbabago sa core courses sa antas
tersiyarya)
PAGLILINAW SA PASIYA NG KORTE SUPREMA NOONG 9 OKTUBRE 2018 HINGGIL SA
CONSTITUTIONALITY NG CHED MEMO BLG. 20, s 2013 (na nagbabago sa core courses sa antas
tersiyarya)

Kamakailan ay nakatanggap ng malungkot na ulat ang Komisyon sa Wikang Filipino (“KWF”) na


binubuwag ng ilang unibersidad at kolehiyo ang kanilang programa sa Filipino batay umano sa pasiya ng
Korte Suprema hinggil sa CHED Memo Blg. 20, s. 2013 (“CHED Memo Blg. 20”).

Nais linawin ng KWF na ang pasiya ng Korte Suprema ay tungkol sa Constitutionality ng CHED Memo Blg.
20 at sa pag-aarmonisa nito sa iba pang umiiral na batas republikang may kaugnayan sa paggamit sa
Filipino bílang wikang panturo o bílang asignatura sa antas tersiyarya. Tandaan na ang saklaw ng CHED
Memo Blg. 20 ay core courses na minimum requirements lamang. Mainam rin na balikan ang kaunting
kasaysayan ng usapin:

Layon ng CHED Memo Blg. 20, s. 2013 na gawing interdisciplinary ang mga kurso sa tersiyarya, bilang
pagpapaunlad sa competencies na nililinang ng K-12. Ang dáting mga kursong “Math,” English,” at
“Science” ay napalitan ng higit na masaklaw na walong core courses tulad ng “Malayuning
Komunikasyon” at “Pag-unawa sa Sarili.”

Matayog ang layon ng nasabing CHED Memo Blg. 20. Binabanggit din nito na maaaring ituro ang walong
core courses gamit ang wikang Filipino o English.

Nang ilabas ang CHED Memo Blg. 20, iba ang nangyari. Nagkaroon ng pagtatanggal ng asignaturang
Panitikan o Filipino bílang asignatura o bílang wikang panturo sa antas tersiyarya.

Bunsod nito ay naghain ng kaso sa Korte Suprema ang mga organisasyon at mga indibidwal na guro sa
Filipino (“mga petitioner”) at nagkaroon ng Temporary Restraining Order na naging batayan ng
pananatili ng asignaturang Filipino at Panitikan.

Nang maglabas ng pasiya noong 9 Oktubre 2018, tinalakay ng Korte Suprema ang pasiya nito na
Constitutional ang CHED Memo Blg. 20. Ang pasiya ng Korte Suprema ay nakatuon sa iisang tanong:
“Constitutional ba ang CHED Memo Blg. 20, s 2013?”

Ayon sa mga petitioner, nilalabag ng CHED Memo Blg. 20, s. 2013 ang Konstitusyong 1987 dahil hindi
nakalista ang pag-aaral ng Filipino, Panitikan, at Philippine Constitution sa core courses sa antas
tersiyarya.

Dalawang punto ang sinuri ng Korte Suprema para masagot ang nasabing tanong:

I. Nilalabag ba ng CHED Memo Blg. 20 ang Konstitusyong 1987?

A. Probisyon Hinggil sa Wika

Anong uri ng probisyon ang Seksiyon 6, Artikulo XIV na nilalabag umano ng CHED Memo Blg. 20: self-
executory o non-self-executory?

Kapag self-executory ang probisyon, mananaig ang probisyon sa Konstitusyon at ipawawalang-bisa ang
anumang batas o tuntunin na labag dito. Kapag non-self-executory ang probisyon, itinuturing itong
gabay sa Kongreso sa pagbalangkas ng mga batas at hindi ito “judicially enforceable constitutional
rights” (mga karapatan na maaaring ipatupad ng Korte kahit walang batas na nagsasaad nito.)
Ayon sa Korte Suprema, ang probisyon hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang medium of official
communication ay non-self-executory sapagkat may nakasaad na pasubaling may probisyon ng batas na
magpapatupad nito.

Kung gayon, hindi maitatakda ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng probisyon ng Konstitusyong 1987
hangga’t walang Batas Republika o aksiyon ng Kongreso para bigyan ito ng ganap na bisa.

B. Probisyon Hinggil sa Pag-aaral ng Filipino, Panitikan, at Konstitusyon

Sinabi ng Korte Suprema na ang pag-aaral ng Filipino, Panitikan, at Konstitusyon ay ipinatutupad sa basic
education curriculum, o Grade 1–10 at senior high school kaya sapat na pagsunod ito sa Konstitusyong
1987, na hindi nagtakda ng antas ng edukasyon kung saan dapat ituro ang mga ito.

Nagtatakda lámang ng minimum standard ang CHED Memo Blg. 20 s. 2013 kaya malaya ang mga Higher
Education Institution na magtakda ng mga asignatura sa Filipino at Panitikan na kailangang kunin ng mga
mag-aaral.

C. Probisyon sa Labor at Security of Tenure

Ayon sa pagsusuri ng Korte Suprema, hindi judicially enforceable rights (mga karapatan na maaaring
ipatupad ng Korte) ang mga probisyon sa labor at security of tenure. Dahil dito hindi maipapawalang-
bisa ang CHED Memo Blg. 20 batay sa magiging epekto nito sa kabuhayan ng mga guro ng Filipino at
Panitikan na maaaring mawalan ng trabaho.

II. Nilalabag ba ng CHED Memo Blg. 20 ang iba pang batas (Commission on the Filipino Language Act,
Law Creating the National Commission for Culture and the Arts, at Education Act of 1982)?

A. Commission on the Filipino Language (CFL) Act

Ayon sa mga petitioner, ang CFL ang may mandatong magbalangkas at magpatupad ng mga patakarang
pangwika kaya dapat na umiral ang pasiya ng CFL na manatili ang siyam (9) na yunit ng Filipino sa GE
Curriculum.

B. Law Creating the National Commission for Culture and the Arts
Ayon sa mga petitioner, ang pag-aalis ng Panitikan sa core courses sa antas tersiyarya ay paglabag sa
tungkuling preserbasyon at pangangalaga sa pamanang pangkasaysayan at pangkultura.

C. Education Act of 1982

Ayon sa mga petitioner, nakasaad sa Education Act of 1982 ang layon ng antas tersiyarya na paunlarin
ang pambansang identidad at kamalayang pangkultura.

Sa pagsusuri ng Korte Suprema, walang tiyak na probisyon ang mga nasabing batas na nagtatakda na
kailangang isama ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa core courses sa antas tersiyarya.
Binigyang-diin muli ng Korte Suprema ang awtoridad ng CHED na magtakda ng General Education
distribution requirements. Nilinaw ng Korte na maaaring isama ng mga Higher Education Institution ang
Filipino at Panitikan sa mga kurso sa antas tersiyarya.

Ayon sa Korte Suprema, ang CHED Memo Blg. 20 ay may bisa sapagkat hindi nito nilalabag ang
Konstitusyong 1987 at mga Batas Republika na sandigan ng mga petitioner.

Hindi intensiyon ng Korte Suprema na buwagin ang mga programang Filipino sa antas tersiyarya.
Samakatwid, ang mga ginagawa ng ilang kolehiyo at unibersidad na pagbuwag dito ay hindi batay sa
pasiya ng Korte Suprema at hindi rin sang-ayon sa anumang utos ng CHED.

Mga Naganap Matapos Maghain ng Motion for Reconsideration


Sa kasalukuyan, nakapaghain na ang mga petitioner ng Motion for Reconsideration. Kung gayon,
hihintayin ng lahat ng mga ahensiya at institusyon ang magiging pinal na pasiya ng Korte Suprema.

Samantala, ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nagdaos ng stakeholders’ meeting noong 16 Nobyembre
2018 na naghanda ng opisyal na pahayag na ipinadala sa Korte Suprema at CHED.

Natanggap naman ng KWF ang NOTICE OF RESOLUTION ng Korte Suprema (may petsang 12 Pebrero
2019) na nagsasabing natanggap nila ang nasabing opisyal na pahayag.

Naglabas din ng pahayag ang CHED na sumusuporta ito sa enhancement ng paggamit ng Filipino bílang
wikang panturo at bílang asignatura sa antas tersiyarya. Sa katunayan, mula noong 2013 ay
magkatuwang ang CHED at KWF sa pagbuo ng mga sangguniang aklat na “Malayuning Komunikasyon” at
“Imahen ng Filipino sa Sining.” Bukod rito ay may isinasagawa rin na General Education Curriculum (GEC)
Retooling upang lumawak ang kakayahan ng mga guro sa Filipino na ituro ang mga core course sa CHED
Memo Blg. 20 sa wikang Filipino.

Mainam na Hakbang ng mga Kolehiyo at Unibersidad


Hinihimok ang lahat ng kolehiyo at unibersidad na isaloob at sundin ang nakasaad sa Konstitusyong 1987
na gamitin ang wikang Filipino bilang wikang pambansa. Mahalagang kaugnay nito, na magkaroon ng
higit na espasyo ang paggamit ng Filipino bílang wikang panturo at bílang asignatura, maging sa antas
tersiyarya.
Hinihimok rin na lumahok ang mga kolehiyo at unibersidad sa GEC Retooling na isasagawa sa darating na
20–24 Mayo 2019 upang magkaroon ang mga guro ng pagkakataong magsanay at madagdagan ang
kursong ituturo gamit ang wikang Filipino.
Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa mga gaganaping GEC Retooling, maaaring makipag-ugnay
kay Lourdes Hinampas ng Sangay ng Literatura at Araling Kultural (SLAK) sa telepono bílang 252-1953,
0927-6856786, 0942-7365243 at email na kwf.slak@gmail.com.
The Constitution of the Republic of the Philippines

ARTICLE III

Bill of Rights

SECTION 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process
of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.

SECTION 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and
effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any
purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue
except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination
under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and
particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.

SECTION 3. (1) The privacy of communication and correspondence shall be inviolable


except upon lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise
as prescribed by law.

(2) Any evidence obtained in violation of this or the preceding section shall be
inadmissible for any purpose in any proceeding.

SECTION 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or


of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the
government for redress of grievances.

SECTION 5. No law shall be made respecting an establishment of religion, or


prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious
profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed.
No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights.

SECTION 6. The liberty of abode and of changing the same within the limits prescribed
by law shall not be impaired except upon lawful order of the court. Neither shall the right
to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public
health, as may be provided by law.

SECTION 7. The right of the people to information on matters of public concern shall be
recognized. Access to official records, and to documents, and papers pertaining to
official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as
basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as
may be provided by law.

SECTION 8. The right of the people, including those employed in the public and private
sectors, to form unions, associations, or societies for purposes not contrary to law shall
not be abridged.

SECTION 9. Private property shall not be taken for public use without just
compensation.

SECTION 10. No law impairing the obligation of contracts shall be passed.

SECTION 11. Free access to the courts and quasi-judicial bodies and adequate legal
assistance shall not be denied to any person by reason of poverty.

SECTION 12. (1) Any person under investigation for the commission of an offense shall
have the right to be informed of his right to remain silent and to have competent and
independent counsel preferably of his own choice. If the person cannot afford the
services of counsel, he must be provided with one. These rights cannot be waived
except in writing and in the presence of counsel.
(2) No torture, force, violence, threat, intimidation, or any other means which vitiate the
free will shall be used against him. Secret detention places, solitary, incommunicado, or
other similar forms of detention are prohibited.

(3) Any confession or admission obtained in violation of this or Section 17 hereof shall
be inadmissible in evidence against him.

(4) The law shall provide for penal and civil sanctions for violations of this section as
well as compensation to and rehabilitation of victims of torture or similar practices, and
their families.

SECTION 13. All persons, except those charged with offenses punishable by reclusion
perpetua when evidence of guilt is strong, shall, before conviction, be bailable by
sufficient sureties, or be released on recognizance as may be provided by law. The right
to bail shall not be impaired even when the privilege of the writ of habeas corpus is
suspended. Excessive bail shall not be required.

SECTION 14. (1) No person shall be held to answer for a criminal offense without due
process of law.

(2) In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the
contrary is proved, and shall enjoy the right to be heard by himself and counsel, to be
informed of the nature and cause of the accusation against him, to have a speedy,
impartial, and public trial, to meet the witnesses face to face, and to have compulsory
process to secure the attendance of witnesses and the production of evidence in his
behalf. However, after arraignment, trial may proceed notwithstanding the absence of
the accused provided that he has been duly notified and his failure to appear is
unjustifiable.

SECTION 15. The privilege of the writ of habeas corpus shall not be suspended except
in cases of invasion or rebellion when the public safety requires it.

SECTION 16. All persons shall have the right to a speedy disposition of their cases
before all judicial, quasi-judicial, or administrative bodies.

SECTION 17. No person shall be compelled to be a witness against himself.

SECTION 18. (1) No person shall be detained solely by reason of his political beliefs
and aspirations.

(2) No involuntary servitude in any form shall exist except as a punishment for a crime
whereof the party shall have been duly convicted.

SECTION 19. (1) Excessive fines shall not be imposed, nor cruel, degrading or inhuman
punishment inflicted. Neither shall death penalty be imposed, unless, for compelling
reasons involving heinous crimes, the Congress hereafter provides for it. Any death
penalty already imposed shall be reduced to reclusion perpetua.

(2) The employment of physical, psychological, or degrading punishment against any


prisoner or detainee or the use of substandard or inadequate penal facilities under
subhuman conditions shall be dealt with by law.

SECTION 20. No person shall be imprisoned for debt or non-payment of a poll tax.

SECTION 21. No person shall be twice put in jeopardy of punishment for the same
offense. If an act is punished by a law and an ordinance, conviction or acquittal under
either shall constitute a bar to another prosecution for the same act.

You might also like