You are on page 1of 5

Ang Alamat ng Barangay Compol

Matagal na panahon, ang barangay


Compol ay walang pangalan, ang kanyang
populasyon ay kakaunti pa lamang na
nakatira malapit sa dalampasigan, ang
pangunahing pamumuhay nila ay
pangngisda at pangangaso. Nagtatanim din
sila nga iba’t ibang uri nga mga pananim na
makakain na kalaunan ay tinawag ang mga
tao nito na “hunlos”. Ang mga tao nuon
kapag pupunta sa ibang barangay ang
sumasakay sila nga kabayo o kalabaw
upang mapadali ang kanilang lakad.
Dumating ang mga espanyol sa
barangay habang sakaysakay ng kabayo
nakita niya ang isang lalaki na putol ang
isang balikat nagtanong kung anong lugar
iyon pero hindi siya naintindihan ng lalaki
at umalis na lamang ito. At dahil duon
pinalangalanan ang lugar na “pungkol” na
kalaunan naging Compol.
Pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa Kolehiyo: Pagtibayin, Hindi Tanggalin

Naging kontrobersyal na isyu ang pagtatanggal sa Filipino at Panitikan


bilang mga asignatura sa kolehiyo ayon sa isyu na inilabas ng Commission on
Higher Education (CHED) noong Nobyembre 10 noong nakaraang taon na
kilala bilang CHED Memorandum Order No.20 series 2013 layunin ng
panukalang ito na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo para
maibaba ito sa senior high school, ayon sa CHED, layunin lamang nilang
gamitin nang husto ang dalawang taong idinagdag sa sekondaryang antas ng
edukasyon at hindi muling pag-aralan ang mga kursong ito sa kolehiyo para
mas makapag-focus ang mga mag-aaral sa kanilang lugar ng interes at
espesyalisasyon. Mariin kong tinututulan ang batas na ito dahil naniniwala ako
na ang pagpapanatili at pagtataguyod ng paggamit ng wikang Filipino ang
tunay na diwa ng pagiging Filipino. Bagama't maganda ang layunin ng CHED,
ang solusyong ito ay magdudulot ng higit na malalang pagkukulang o
kahinaan. Ang pagsuko ng sariling wika ay makakaapekto sa marami, lalo na
sa kakayahan ng mga kabataan na gumamit ng wikang pambansa. Aminin
natin, sa mga unang araw ng pagpapatupad ng K-12 curriculum, ang kalidad ng
pagtuturo sa mga kursong may kinalaman sa Filipino ay nag-iiwan ng
maraming naisin, ayon kay Pher Pasion (2016), isa sa mga problemang
kinakaharap ngayon ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay ang
kawalan ng paghahanda ng pamahalaan sa pagpapatupad ng bagong kurikulum.
Kulang ang mga pasilidad, guro, at maging ang mga paaralan. Bukod pa rito,
kulang ang kahandaang sanayin ang mga guro at ang mga modyul na
gagamitin. Kaya naman, hindi natin magagarantiya na ang mga
magsisipagtapos ay magkakaroon ng malalim na pag-unawa sa Filipino at
panitikan. Hindi lamang ang kakayahan ng mga kabataan sa paggamit ng
wikang Filipino ang maaapektuhan, kundi maging ang gawain ng libu-libong
guro. Ayon sa grupong Tanggol Wika, mahigit sampung libong (10,000) mga
bihasang propesor ang mawawalan ng trabaho sa ilalim ng kautusang ito, at
lumalabas din na pinagkaitan sila ng pangarap at karapatang ibahagi sa mga
kabataan ang kanilang kaalaman sa wikang pambansa. Bagama’t naniniwala
ang Kagawaran ng Edukasyon at ang Komisyon ng Mataas na Edukasyon na
sapat na ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa loob ng labindalawang taon,
ang pagtuturo ng wika at panitikang Filipino sa kolehiyo ay hindi lamang pag-
uulit ng mga aralin dahil ang mga talakayan tungkol sa mga kursong ito sa
kolehiyo ay higit na sa -lalim Ayon kay Propesor Aura Albano Abiera (2014),
ang magandang halimbawang ito ay ang Indonesia at Malaysia ay dati nang
nagpatupad ng K-12 curriculum na gumagamit ng wikang pambansa, habang
kasabay nito ay nakalimutan ng karamihan sa mga Pilipino na bumuo ng
sariling wika. Napakahalagang turuan ang mga Filipino at panitikan sa antas
tersiyaryo upang hindi makalimutan ang sariling wika.

Pagtanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Pagtanggal ng Korte Suprema sa Panitikan at Filipino sa kolehiyo pinal na MAY 28,


2019, by Nica Bangcuyo Sa pagtanggal ng wika sa kurikulum ng kolehiyo,
nangangahulugan din ba ito ng pagtanggal sa sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino?
Pinandigan na ng Korte Suprema ang tuluyang pag-alis sa Panitikan at Filipino bilang mga
kailangang kuning asignatura sa kolehiyo, sang-ayon sa desisyon na nilabas nila noong
Oktubre 2018. Noong Marso 5, lumabas ang resolusyon patungkol sa pagbasura ng Korte
Suprema sa pag-apela ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) sa naturang
desisyon dahil ‘di umano’y wala silang napakitang “substantial argument.” Ayon sa
desisyon ng Korte Suprema, layunin nilang masigurado na ang kukuhaning asignatura ng
mga estudyante sa kolehiyo ay mailalaan sa iba pang larangan na konektado sa kanilang
kursong kinuha. Ito rin ay siyang magbibigay lunas upang hindi na maulit ang mga paksang
naituro noong Grade 1 to 10 hanggang Senior High School. Ngunit maraming umapela sa
desisyon na inihain ng Korte Suprema. Sinasabi ng mga may adbokasiya sa wika na tanging
pagkasira at pagkalimot sa pagkakakilanlan bilang Pilipino ang siyang kinahihinatnan ng
nasabing desisyon. Pag-apela ng Tanggol Wika Umapela ang Tanggol Wika hinggil sa
naging desiyon ng Korte Suprema at Commission on Higher Education (CHED) kaya’t sila
ay nagsimulang kumilos ang nasabing grupo upang muling sumubok sa pangalawang
pagkakataon para sa motion for reconsideration. Sila rin ay umaasang makamit ang layunin
na pigilan ang pagtanggal ng Wikang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo kahit pa ito ay labag
sa desisyon ng saligang batas. “But the fight is not over yet. We will file a second motion for
reconsideration, and we will stop the country’s Supreme Court-sponsored marriage to a
foreign tongue, or shall we dare say, cultural genocide,” ani ng nasabing grupo. Boses ng
mga unibersidad Kasabay ng pagsabog ng nasabing isyu patungkol sa wika, iba’t ibang
unibersidad, partikular sa kanilang mga Departamentong Filipino, ang nakihalubilo at lubos
na nabigo sa naging desisyon ng Korte Suprema dahil sa kanilang iniwang pahayag. Sa
isinagawang panayam ng Rappler sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Sentro ng Wikang
Filipino director Rommel Rodriguez, binigyan diin niya na hindi magiging pareho ang
asignaturang kinuha ng mga estudyante sa elementarya at hayskul bagkus ito’y mapapalalim
at mabibigyang diin ang iba’t ibang konsepto pagdating sa kolehiyo. “Ang malalang krisis
pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa ay kinokomunika gamit ang ating wika. Ang
panawagan ng mga drayber at manininda sa unibersidad ay naririnig natin sa ating wika.
Ang wika ng mga ordinaryong mamamayan ang wikang dapat inaaral at dinadalubhasa,” ani
UP Department of Filipino Chairman Vlademeir Gonzales. Samantala, nagbigay din ng
diskurso ang DLSU Filipino Department Coordinator David San Juan patungkol sa isyu,
hinggil niya na siya’y tutol sa ipinataw na batas ng Korte Suprema dahil kung tuluyang
maaalis ang sariling lenggwahe maaari itong maging resulta ng disintegrasyon ng ating
Republika. Dagdag pa ng isang propesor na ang pagtatanggal ng Filipino at panitikan sa
kolehiyo ay patunay na ang pagkiling ng mga nasa posisyon ay wala sa ating sariling
kasarilan. Nasa bansa tayong kailangang ipaglaban ang sariling atin, ang tama, at ang
nararapat. Sa pagtutol ng sambayanan patungkol sa isyung kinahaharap ng Panitikan at
Wikang Filipino, namayagpag ang pagmamalasakit ng iba sa sariling pagkakakilanlan.
Buhay ang sagisag na ipaglaban ang marapat na ipinaglaban ng batas, namulat ang
bawat isa sa kahalagahan ng sariling atin at hindi lamang sa kung ano ang itinakda ng korte
para sa lahat. Panitikan tanggal na sa college curriculum By Doris Franche (Pilipino Star
Ngayon) Maaari nang alisin sa kolehiyo ang subject na Filipino at Panitikan (Philippine
Literature). Ito ang nakasaad sa pinal na limang pahinang resolusyon ng Korte Suprema
kung saan ito rin ang kanilang desisyon noong Oktubre 9, 2018. Ayon sa SC, walang
bagong inihain na pleadings ang mga petitioner upang mabaligtad ang naunang desisyon.
“No further pleadings or motions shall be entertained in this case. Let entry of final
judgment be issued immediately,” nakasaad sa resolution. Pinaboran ng SC ang
memorandum order No. 20 ng Commission on Higher Education (CHEd) na ibaba sa 36
units ang general education (GE) curriculum at tanggalin na ang Filipino at Panitikan.
Kinuwestiyon ito ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino sa pagsasabing
nakasaad sa Konstitusyon na dapat na isama ang Filipino at Panitikan subject sa curriculum
at sa lahat ng antas. Binigyan diin pa ng SC na sa pagbabawas ng subject, hindi naman ito
makakaapekto sa academic freedom ng mga unibersidad at kolehiyo. Dagdag pa ng SC, ang
K-12 law, ay maituturing na police power measure na maglalayong ipromote ang interes ng
publiko sa pag-aaral at hindi na iilan lamang.
Source: https://-thebenildean.org/-2019/05/-pagtanggal-ng-korte-s-uprema-sa-panitikan--
atfilipino-sa-koleh-iyo-pinal-na/ Filipino,
Source: https://-www.philstar.com/-pilipino-starngayon/-bansa/2019/05/27/-1921282/-
filipino-panitikan-ta-nggal-na-sa-college-curriculum/amp/

1.) Ano-ano ang mga kadahilanan kung bakit ipapatupad ang pagtatanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo?
2.) Sang-ayon ba ang mga mag-aaral sa kolehiyo, ang mga guro at ang lahat ng
departamento sa paaralan na ipatanggal ang asignaturang Filipino sa kanilang
sistema ng edukasyon?
3.) Ano-ano ang mga maaaring epekto nito sa wikang Filipino? 4.) Ano-ano
naman ang maidudulot nito sa mga mag-aaral?
5.) Kanino maipapamana ang yaman ng ating wika’t kultura kung ang asignaturang ito’y
tatanggalin?

You might also like