You are on page 1of 18

ANG EDUKASYONG BILINGGUWAL NG 1974

(1974-1986)

A. KAHULUGAN
BILINGGUWALISMO- isang penomenang pangwika na tahasan at
puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito
ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung paano ang lipunan ay
nakapag-aambag sa debelopment ng wika.

& Ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang-Batas ng 1973 at


1987 ay tumutugon sa instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino
upang magkaroon ng pagkakaisa hindi lamang sa identidad sa
pamamagitan ng wika

B. MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG EDUKASYONG BILINGUWAL


1974
panahon ng aktibismo at demonstrasyon- simula ng pag-unlad ng wikang
pambansa.
Sa UP pinagtibay ng dating Presidente Salvador P. Lopez ang tinaguriang
malayang bilingguwalismo. (paggamit ng Pilipino bilang midyum ng
pagtuturo at ang sinumang estudyante sa UP ay makagagamit ng Ingles
at/o Filipino sa anumang asignatura/aralin)
Noong 1969 pinagtibay ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive
Order No.202 na bubuo sa Presidential Commission to Survey Philippine
Education (PCSPE) upang gumawa ng masusing pag-aaral sa
pagpapabuti ng sistema ng edukasyon tulad ng inaasahan. . .ang wika ng
pagtuturo ang siyang nakita ng komisyon na nangangailangan ng
atensyon.
Pinagtibay ng PCSPE na:
(1) ang Pilipino ang pangunahing midyum sa elementary, at ang
bernakular ay pantulong na wika sa unang dalawang taon sa mga lugar na
di-Tagalog

(2) ang Pilipino at Ingles ang mga midyum sa sekundarya at tersiyarya

Noong 1971 sa bisa ng E.O. 318 s. 1971, binuo ng Pangulo ng Pilipinas


ang Educational Development Projects Implementing Task
Force(EDPITAF) sa ilalim ng pamumuno ng Kagawaran ng Edukasyon
upang bumuo ng programa para sa implementasyon ng mga
rekomendasyon sa Komisyon.
Kasunod nito pinagtibay noong 1973 ang palisi sa edukasyon sa
pamamagitan ng bagong Konstitusyon na nagsasaad sa Sek. 3, Artikulo
XIV, na:

Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na makikilalang Filipino.
Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ang
dapat na mga wikang opisyal.
Pebrero 27, 1973, batay sa probisyon ng bagong Konstitusyon sinunod ng
Lupon ng Pambansang Edukasyon ang Bilingguwal na Patakaran sa
Edukasyon. Sa Resolusyon Blg. 73-7 ng Lupon noong Agosto 7, 1973,
pinagtibay ang mga sumusunod (Bernabe 1987-159):
Na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing midyum ng pagtuturo at ituturo
bilang mga asignatura sa kurikulum mula Baitang I hanggang sa
unibersidad sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado.

C. IMPLEMENTASYON NG EDUKASYONG BILINGGUWAL 1974


Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ay naglagda sa
pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga
panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
Ayon sa panuntunang ito:
Ang edukasyong bilingguwal ay binibigyan ng katuturang magkahiwalay na
paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na
asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito’y
kinakailangan.

Ang implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal ay binubuo ng apat na


taong transisyon (1974-1978) na uumpisahan ang paggamit ng Pilipino
bilang midyum sa mga asignaturang tulad ng A.P (Social Studies), Agham
Panlipunan (Social Science), Edukasyong Panggawain (Work Education),
Edukasyon sa Wastong Pag-uugali (Character Education), Edukasyong
Pangkalusugan (Health Education).
Simula 1978 hanggang 1982 magiging sapilitan na ang paggamit ng
Pilipino sa mga paaralan sa mga Tagalog na lugar at sa mga lugar na
nagsisimulang gumamit nito noong 1974-1975.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 50 s. 1975 ipinag-utos ang sumusunod:

Courses in English and Pilipino shall be offered in tertiary institution as part


of appropriate curricula pursuant to the policy of bilingual education;
furthermore, by school year 1984, all graduates of tertiary institutions
should be able to pass examinations in English and/or Pilipino for the
practice of their profession.

Nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersiyarya


(MEC Order No. 22, s. 1978).
simula sa taong panuruan 1979-1980, magsasama sa kurikulum ang lahat
ng mga institusyong tersiyarya ng anim (6) nay unit ng Pilipino.
D. EBALWASYON AT SARBEY KAUGNAY NG EDUKASYONG
BILINGGUWAL 1974
Ang sensus ng 1970 at 1980 ay nagbigay ng impormasyon sa total na
bilang ng mga isipiker sa Tagalog/Pilipino at Ingles na nagbibigay ng ilang
indikasyon sa naging lawak ng bilingguwalismo sa bansa.

1970

(batay sa kabuuang populasyon: 36, 684, 486)

1980

(batay sa anim na taong gulang pataas: 38, 925,000)

Pilipino/Tagalog
20,257,941 (55.2%)

29,998,000 (77.0%)

Ingles
16, 409,133 (44.7%)

25,000,000 (64.5%)

Kastila
1,335, 945 (3.6%)

Kapwa Pilipino at Ingles

24, 356, 000 (62.6%)

Komprehensibong pag-aaral sa Edukasyong Bilingguwal ng 1974 ang


isinagawa noong 1985-1986 na binubuo nina Bonifacio P. Sibayan et. al na
tinawag na Bilingual Education Evaluation (BEPE)
Sa resulta ng ibinigay na proficiency test lumabas ang sumusunod:

(a) na ang kabuuang marka sa proficiency test ng mga guro ay mababa

(b) ang mga guro sa Baitang VI ay nakakuha ng mataas na marka kaysa


sa mga guro sa Baitang IV

(c) samantalang ang mga guro sa ikaapat na taon ng hayskul ay walang-


gaanong kaibahan ang proficiency sa mga guro sa Baitang IV

Ang mga pangunahing rekomendasyon ng pag-aaral ay:


pagpapatuloy ng kasalukuyang patakaran sa Edukasyong Bilingguwal sa
primary
mas maluwag at flexible na implementasyon sa antas sekundarya lalo na
sa mga lugar na di-Tagalog
ang development ng Pilipino bilang wika ng lasrum at iskolarling gawain sa
unibersidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga propesor
na gamitin ang Pilipino sa kanilang pagtuturo, pananaliksik, at pagsusulat
upang makabuo ng mga reperensiya sa Pilipino na magagamit sa mga
paaralang elementary at sekundarya.
inirekomenda rin na sa pagsasanay ng mga guro na pre-service at in-
service, kailangang bigyang-diin ang pagkakaroon ng kaalaman nila sa
nilalaman ng mga asignaturang itinuturo upang maging epektibo ang
pagtuturo.
iminungkahi rin ng mga nagsagawa ng pag-aaral na ang mga mamamayan
ay dapat bigyan ng kaalaman o impormasyon tungkol sa patakaran sa wika
ng edukasyon at ito ay maipatutupad sa pamamagitan ng iba’t ibang
ahensiya ng pamahalaan.
Ang Wikang Filipino ay binubuo ng maraming wikamula sa mga kasalong
wika;(Sugbuanon, Iloko, Kapampangan, Pangasinense,
Waray,Maguindanaon, Tausug at Tagalog) at mgaBanyagang Wika
(Kastila, Ingles at Tsino)

Mayroon bang pagbabawal sa Saligang Batas laban sa mga political


dynasty, o ang paghahalal at pag-upo sa mga posisyon ng gobyerno ng
magkakamag-anak?

Ayon kay Atty. Noel Del Prado, bagaman ginagarantiya ng Saligang Batas
ang "pantay-pantay" na pagkakataong tumakbo ang bawat indibidwal,
nakasalalay lamang sa mga mambabatas ang pagbibigay-depinisyon sa
political dynasty, at ang pagbabawal nito sa batas.

Paliwanag niya "mainit" ang naging debate sa pagtatanggal ng political


dynasty nang binabalangkas pa ang 1987 Constitution kaya umano
ipinaubaya na lamang sa mga mambabatas ang paglalagay ng depinisyon
dito - bagay na gustong baguhin umano ng Consultative Committee ng
binabalangkas na federal charter.

"Ayon sa kasaysayan, hindi 'yan ipapasa ng tao na laban sa kanilang


interes kasi sila-sila 'yung naandiyan na kabilang sa mga pamilya," ani Del
Prado sa "Usapang de Campanilla" nitong Lunes.

Narito lamang ang nakasaad sa Article 2, Section 6 ng Saligang Batas


patungkol sa political dynasty:

"The State shall guarantee equal access to opportunities for public service,
and prohibit political dynasties as may be defined by law."

Sa ngayon, sa Sangguniang Kabataan elections pa lamang ipinagbabawal


ang political dynasty, batay sa SK Reform Act na ipinasa nitong 2016.

Politicians' kin banned in SK elections this May


Ipinagbabawal sa SK Reform Act na tumakbo o maitalaga sa kahit ano
mang posisyon sa youth council ang kamag-anak ng politiko hanggang sa
ikalawang degree ng pagiging magkapamilya sa lugar kung saan
namumuno ang kaniyang kamag-anak.
"Sa katotohanan, sa higit 30 taon, dito pa lamang tayo nakakita at
nakasilip, doon sa SK lamang naitalaga itong batas sa anti-political
dynasty," ani Del Prado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

AYON sa report, 80 porsiyento ng mga mambabatas sa bansa ay nagmula


sa dynasties. Kontrolado ng mga magkakaanak ang pulitika at hindi
mapatid-patid. Mag-aama, mag-iina, magkakapatid, magpipinsan at
hanggang sa kaapu-apuhan ay namamayani ang kawing-kawing na
paghahari sa pulitika. At dahil dito, nakokontrol na rin pati nila ang mga
negosyo. Hawak nila ang pulitika at negosyo sa bansa.

Pero mawawakasan na ang paghahari na ito sa pulitika kapag


naaprubahan ang Senate Bill No. 1765 (Anti-Political Dynasty Act of 2018).
Labintatlong senador na ang lumagda sa panukala. Sabi ni Senate
President, sa ayaw man at sa gusto ng House of Representatives, malapit
nang matapos ang political dynasties. Kahit pa umano maamyendahan ang
bagong federal Constitution, tuloy ang anti-political dynasty bill.

Tama lang na isabatas na ang panukala para matigil na ang pagsalin-salin


ng kapangyarihan ng mga magkakamag-anak. Sabi nga ng Bertelsmann
Foundation, isang German think tank, hindi magkakaroon ng tunay na pag-
unlad ang Pilipinas hangga’t namamayani ang dynasties o oligarchs. Hindi
raw maaabot ang minimithing kaunlaran hangga’t patuloy political
dynasties. Kung nais daw makamtan ang kaunlaran at magkaroon ng
pagbabago ang buhay ng mga Pilipino, wasakin ang political dynasties.

Malaki ang kaugnayan nang pamamayani ng dynasties sa kaunlaran ng


bansa kaya tama ang payo ng Bertelsmann na dapat ma-reduced ang
family clans. Kung mababawasan ang pamamayani ng angkan sa pulitika
at negosyo, uunlad ang bansang ito. Dahil dito, nararapat na ngang ipasa
ang Senate Bill No. 1765 para tuluyan nang malusaw ang paghahari ng
mga mag-aama, magkakapatid, magpipinsan at iba pang malalapit na
kamag-anak. Tama na ang pamamayagpag nang magkakadugo.

Sa panahon ngayon, marami ang nagaganap na iisang pamilya lamang


ang namumuno sa isang bansa o bayan. Ang mga mamamayang
pilipinong tulad ko ay hindi sumasang-ayon ditto, sapagkat ito ay hindi
nagdudulot ng mabuti sa ating bansa bagkus nagdudulot ng korapsyon
dahil sa pagtutulong tulong ng mga politiong pamilya sa gobyerno. Ang
political dynasty ay maaaring iugnay sa monopolyo kung saan isang
pamilya lamang ang namumuno sa isang lugar.

Isa sa maaaring halimbawa ng political dynasty sa kasalukuyan sa ating


bansa ay ang pamilyang Robredo kung saan makikita nating nagsisimula
pa lamang.Kung sa pagdaan pa ng mga panahon at henerasyon ay
kasama pa rin sa gobyerno ang pangalang Robredo, ito ay isang
halimbawa ng political dynasty. Ang kagandahan ng pagkakaroon ng
political dynasty sa isang bansa ay maaaring angkinin ng mga susunod na
myembro ng pamilya ang talino at galing na nanggaling sa mga naunang
myembro ng kanilang pamilya dahil maaari itong magdulot ng kaunlaran sa
ating bansa.

Ayon sa aking pananaliksik may nabasa akong katagang tumatak sa


aking isipan, “Isa lang kada angkan, iba naman, hindi family business ang
gobyerno”, kung saan ito ay tumutukoy sa pag iwas sa political dynasty sa
ating bansa. Isa rin sa nabasa ko sa aking pananaliksik ay “Political
Dynasty is a Corruption” na nagsasabing kadalasan sa panahon ngayon ay
nangyayari ang political dynasty sa paghahangad ng pera ng isang
mamamayan na nagiging korapsyon dahil sa higit na pagnais, at ipapasa
sa kanyang pamilya upang mapanatili ang yaman na nakukuha niya.
Minsan, naiisip ko na ang mga mamamayan ang pag-asa ng bayan
upang magkaroon ng maunlad na bansa. Kinakailangan nating lumaban
upang maiwasan ang polirical dynasty sa ating bansa. Ang political dynasty
ay minsang hindi nagdudulot ng mabuti lalo na kung ang mga namumuno
ay sakim. Minsa’y nakakalungkot sapagkat may batas na nagbabawal sa
political dynasty sa ating bansa ayon sa (1987, Constitution, Article 2
Seksiyon 6) ngunit ang mga mambabatas mismo ang syang sumusuway
sa batas na ito. Naniniwala ako sa kasabihang “a good leader is a good
follower”, kung saan kailangang ang isang pinuno ay masunurin upang
maging huwaran at tularan ng kanyang mga mamamayan.

Kung makikita sa ating bansa ngayon, hindi nakakabuti ang political


dynasty, sapagkat paggamit ng pangalan ng mga kamag-anak ang
nangyayari upang manalo sa halalan kung saan hindi tama o pantay ang
laban. Maraming masasamang epekto ang naidudulot ng political dynasty
sa atting bansa katulad ng pag-abuso sa kapangyarihan, kung saan parang
negosyo lamang ng isang pamilya ang pamumuno sa isang pamahalaan.
Marami ding nababago sa ating ekonomiya katulad na lamang ng paghina
ng check and balances.

Sa panahon ngayon, nananatili ang political dynasty sa ating bansa


dahil sa kayamanan, kahusayan, at katanyagan na inaasahan ng mga
mamamayan. Isa din sa dahilan ng pananatili nito ay ang kakulanagan ng
nakalap o nalamang impormasyon ng mga mamamayang boboto na
nakakaapekto sa dadating na halalan. Maaari ding isang dahilan nito ay
ang mga patronage politics, kung saan nagbibigay ng mga material na
bagay ang mga politico kadalasan ay pera upang sila ay iboto, o tinatawag
na pagbibili ng boto. Binabayaran minsan ang mga mamamayan upang
iboto ang politico sa halalan. Minsan ang dahilan nito ay ang kakulangan
sa mapanuring pag iisip, kung saan hindi iniisip ng mga mamamayang
bobotokung ano ang magiging epekto kapag nanalo ang politikong
kanyang binoto. Kailangan nyanga malaman at isipin kung mabuti ba ang
naidudulot nito sa ating ekonomiya at bansa o korapsyon lamang.
Hindi nagiging madali para sa pamahalaan ang pagpapatupad ng batas
dahil sila misamo ang lumalabag dito. Isa sa halimbawa ng political dynasty
sa ating bansa ay ang pamilya ng mga Estrada kung saan hanggang
ngayon ay kilala pa rin ang kanilang pangalan dahil sa patuloy nilang
pagtakbo sa politika.

Ang political dynasty ay nagpapatunay na nais nilang mapanatiling kilala


ang kanilang pangalan upang patuloy na mahalal sa pagdaan ng mga
henerasyon dahil sa kanilang katanyagan. Nais nilang mapanatili ang
kapangyarihan sa kanilang pamilya. Ang kadalasang dahilan ng political
dynasty ay ang pangungurap o korapsyon, sapagkat kung nais mo naming
tumulong sa pamumuno sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay hindi na
kinakailangang tumakbo ng iyong mga kamag-anak.

Kung iisipin, kapag nangugurap o korap ang isang politico o isang


pamilya sa politika, sa isang pamilya lamang umiikot o napupunta ang pera
ng mga mamamayan. Kaya dapat bago tayo magdesisyon o magpasya sa
ating gagawing aksyon ay alamin muna natin ang magiging epekto o
maidudulot nito sa atin, makabubuti ba o makakasam. So vote wisely!
Paano nga ba magkakaroon ng serbisyong totoo kung political dynasty ang
umiiral sa gobyerno?
Ayon sa Artikulo II Seksiyon 6 ng ating konstitusyon na ginagarantiya ng
estado ang pantay na oportunidad at pagkakataon para sa serbisyo publiko
at pinagbabawal nito ang dinastiyang politikal na batay sa
pagkakahulugang inilahad ng batas.
Ang Political Dynasty ay tumutukoy sa paghawak ng kapangyarihan ng
mga magkakamag-anak sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Umiiral ito
sa ating lipunan dahil nagsasaad ito ng ninanais ng ating pamahalaan sa
pagpapatupad at pagtatalaga ng posisyon.
Sa orihinal na konteksto, ang salitang “dynasty” ay nangangahulugang
pamumuno o pampolitika at pang-ekonomiyang kapangyarihang
namamana o naipapasa sa loob lamang ng isang pamilya sa panahon ng
pyudalismo. Successor o tagapagmana ang tawag sa “sunod sa linya” ng
pamumuno sa kaharian o imperyo. Walang eleksyong kinakailangan, kundi
ang “pyudal na pribilehiyo” lamang ng dugo (blood line) na nagtitiyak ng
kapangyarihan ng pyudal na pamilya ang kailangan.
Matagal ng umiiral ang political dynasty sa pamahalaan ng bansang
Pilipinas. Ayon sa artikulong isinulat ni Atty. Sison, isa sa sanhi ng political
dynasty ay ang pagbili ng boto na kung saan ginagawa ng mga politiko na
naghahangad ng kapangyarihan. Ang pagtanaw ng utang na loob sa hindi
magandang pamamaraan ay isa rin sa sanhi nito. Ibinoboto lamang ang
isang politiko dahil sa pagtanaw ng utang na loob sa kamag-anak ng
opisyal ng pamahalaan. Hindi magandang epekto ito sa ating pamahalaan
at panghuli, kawalan ng batas na magbabawal sa pag-iral ng political
dynasty. Kung tutuusin, mayroong nakahain na panukala ukol sa Anti
political dynasty ngunit hindi pa naaprubahan ng mga mambabatas.
Maraming hindi magandang epekto ng political dynasty sa ating lipunan at
kapakanan ng mga mamamayan. Kapag ang isang pamilya ay matagal
nang namamahala sa isang lugar hindi na nila nabibigyan ng pansin ang
kanilang responsibilidad sa halip inuuna na nila ang kanilang pansariling
interes. Kaya naman malaki ang nagiging epekto nito sa isang lugar.
Nagreresulta rin sa korupsyon ang political dynasty dahil napagtatakpan
ang hindi magandang gawain ng bawat miyembro na nasa posisyon. Hindi
rin naitataguyod ang kapakanan ng mas nakararami. Ang mas nabibigyan
ng tuon ay iilan lamang. Kapag may importanteng desisyon na dapat
ipatupad ay hindi naisasagawa dahil sa mayroong interes na
pinoprotektahan. Naihahalal naman ang kahit sino kahit walang kakayahan
na mamuno sa kadahilanang siya ay miyembro ng pamilya, ang kapalit nito
ay hindi maayos ang nagiging kontribusyon sa sangay na kinabibilangan
ng nahalal. Panghuli, bumabagal ang pag-unlad ng bansa kapag umiral
ang political dynasty.
Ang maimpluwensiyang pamilyang nagkokontrol sa atin ay marapat na
tapusin ang posisyong hindi karapat-dapat. Ito ang makpipigil sa pag-unlad
ng bansa kung hindi ito wawakasan. Tunay na ang political dynasty ay
nagnanais pamang na mapanatiling kilala ang kanilang pangalan upang
patuloy na mahalal sa pagdating ng mga susunod na henerasyon.
Desisyon ng bawat isa ang siyang magpapabago sa bansa, alamin ang
nararapat at makabubuti para sa nakararami.

Ang isang pulitikal na pamilya na tinutukoy din bilang dinastiyang


pampulitika ay isang pamilya kung saan maraming miyembro ang
kasangkot sa pulitika, partikular na pulitika ng elektoral. Ang mga miyembro
ay maaaring may kaugnayan sa dugo o kasal; Kadalasan, maraming
henerasyon o maramihang magkakapatid ang maaaring kasangkot.
Malaki ang epekto na maaaring madulot ng dinastiyang pampulitika gaya
ng mga sumusunod:
1. Maaring isang pamilya lang ang patuloy na mamuno sa iisang lugar
2. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang ibang tao na maglingkod sa bayan
3. Pag-abuso sa kapangyarihan ng polotika
4. Pagbuo ng sariling interes mula sa kapangyarihan
5. Napapanatili sa isang pangkat lamang ang impluwensiya at
kapangyarihan
Bagamat ang mga nasabi ay mga negatibong epekto ng political dynasty,
mayroon din itong positibong epekto

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1022297#readmore

TAMA ang panawagan ng marami na wakasan na ang paghahari ng mga


maimpluwensyang pamilya sa pamahalaan o yung tinatawag na “political
dynasties” sapagkat ito ang nagpapanatili sa pagiging paurong ng ating
bansa.
Gayun man may palagay ako na hindi sapat na isa-batas lamang ang mga
hakbang laban sa political dynasties. Kailangang sabayan ito ng mga
masusing pag-aaral sa mga barangay upang maging malinaw sa taong
bayan kung bakit nakakasama ang ganitong kalalagayan. Dapat mahimay
ng bayan kung paanong umusbong at ano ang lohika sa likod ng pagkilos
ng mga dynasty na ito.
Ayon sa mga eksperto, ang mga political dynasties ay isang pyudal na
balangkas na naging uso nuong unang panahon sa Europa. Naglaho ito
matapos lumaganap ang panahon ng malayang kamulatan o age of
enlightenment. Ang pagkawala ng mga political dynasties ang nagbigay
daan upang umunlad at maging makabago ang mga bansa sa kanluran
kabilang na ang United States of America.
Batay sa karanasan ng mga bansang ito, ang pagkontrol ng mga
maimpluwensyang pamilya sa poder s ay isang balakid sa tunay na pag-
unlad. Ito rin ay nagiging ugat ng pang-aabuso at pagmamalabis ng mga
namumuno.
Paanong magkakaroon ng tunay na sebisyong bayan o
katarungang panlipunan kung ang naka-upo sa poder ay mga
magkakamag-anak? Sa ganitong kaayusan imbes na magkaroon ng
serbisyong bayan ay serbisyong pampamilya ang nangingibabaw. Tanging
interes ng pamilyang dominante ang mauuna bago interes ng bayan.
Iyan ang dahilan kung bakit napakasama at nakakapigil sa pag-
unlad ang ganitong siste.
Pansinin na batay sa ating karanasan, ang mga lungsod , rehiyon,
lalawigan o bayan na pinaghaharian ng iilang pamilya lamang ang may
pinakamataas na insidente ng pagpatay at massacre ng kalabang pamilya,
pagtatakip o whitewash sa mga anomalya, nakawan sa pondong bayan at
iba pang kahalintulad na pang-aabuso sa kapangyarihan.
Ayon sa Center for People Empowerment in Governance
(CenPEG), isang non-government organization, mayroong 178 political
dynasties sa buong Pilipinas at hindi pa kasama rito ang mga maliliit na
dynasties sa mga barangay o maliliit na komunidad. May 94 na porsyento
sa kabuuang 80 lalawigan sa ating bayan ang pinagpapasasaan ng mga
dynasties.
Kaya sa darating na halalan, kung maari lamang ay huwag
nating iboto ang mga magkakamag-anak sa poder. Kung ibig natin na
tunay na maging makabago at mayaman ang ating bansa ay dapat nating
gibain ang pyudal na sisteng ito sa pamamagitan ng pagbasura sa kanila
sa darating na eleksyon.

***

Hindi lamang sa politika dapat alisin ang pyudal na kaisipan,


maging sa ating mga simbahan at linyadong grupong politikal rin.
Simula’t sapol karamihan sa mga relihiyong naglaganap ngayon at mga
grupong nagsusulong ng tinatawag na Pambansang Demokrasya ay
pinatatakbo na parang isang kaharian. Pyudal na pyudal ang mga
balangkas nito kaya nakakatawa kung sila ay nananawagan na tapusin ang
pyudalismo ng political dynasties gayung ang kanilang organisasyon ay
pyudal ang kaayusan.
Bagay sa kanila ang kantang ito…“banal na aso, santong
kabayo…natatawa ako hi-hi-hi-hi”.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort,
Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba.
Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw
ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang


impormasyon.
Sanhi ng Political Dynasty

1. Ang mga kandidado na nasa kapangyarihan na ninanais pa rin na


manatili
sa posisyon ay nag-eenganyo ng kapamilya para makiisa sa politika ang
sanhi ng pagkakaroon ng
political dynasty.
2. Isa pa rito ay ang paniniwala ng mga botante, na kung saan kapag
maganda ang ginawa ng isang miyembro ay maari ring maganda ang
gagawin
ng susunod na manggagaling sa pamilya na iyon.
3. Mayroon mang batas na nagbabawal ng political dynasty ngunit hindi
nito mapipigilan ang isang Pilipino na tumakbo at maging parte ng politika
sapagkat
ito ay kanyang karapatan.
Epekto ng Political Dynasty sa malinis at matatag na pamahalaan
1. Hindi mahirap ang pagpasa at paglunsad ng mga proyekto dahil
komunikasyon sa pagitan ng kaanak ay hindi mahirap.
2. Ang political records ng naunang miyembro ng pamilya ang nagiging
batayan upang pagbutihan ng susunod na miyembro ang pagiging
politiko.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1902856#readmore

Ang political dynasty ay tumutukoy sa magkakapamilyang sunud-sunod na


umuupo sa isang posisyon sa gobyerno. Political dynasty rin ang tawag
kapag mula sa iisang pamilya ang umuupo sa iba't ibang posisyon.
Maraming sanhi ang pagkakaroon ng political dynasties, at marami rin
itong nagiging epekto sa pagpapanatili ng malinis at matatag na
pamahalaan.
Mga sanhi

Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malapit sa pamilya. Maging sa larangan


ng pulitika ay matingkad ang katangiang kultural na ito. Isa lamang ang
matatag na relasyon ng pamilya sa mga dahilan ng pagkakaroon ng
political dynasties.

Ilang detalye pa tungkol sa strong family ties ng mga Pilipino:


brainly.ph/question/393860
Ang isa pang mahalagang sanhi ng problemang ito ay ang kawalan ng
angkop na batas na nagbabawal nito. Nakasaad sa 1987 Consitution of the
Philippines, Article II, Section 26: "The State shall guarantee equal access
to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be
defined by law."
Sa kabila ng probisyong ito sa Saligang Batas, tanging ang Sangguniang
Kabataan Reform Act of 2016 ang naisabatas bilang pagtugon sa political
dynasties sa Pilipinas. Mayroon din namang pagbanggit sa problemang ito
sa Local Government Code, subalit linilimitahan lamang nito ang termino
ng mga lokal na opisyal. Walang probisyong nagbabawal ng pagtakbo ng
mga kapamilya, o yaong pag-upo sa magkakaibang posisyon ng mga
magkakapamilya.
Mga epekto

Mayroon din namang ilang positibong epekto ang political dynasties. Isa na
rito ang pagkakaroon ng long-term at tuluy-tuloy na implementasyon ng
mga proyekto at ordinansa. Sinasabi ring nakakatulong ito sa women
participation sa paggogobyerno dahil humahalili ang mga asawang babae
kapag tapos na ang termino ng asawang lalaki.
Gayunpaman, mas maraming masamang epekto ang political dynasties.
Dahil sa paniniwalang may mamanahing kayamanan at ugnayan, hindi na
nagsusumikap ang mga kaanak ng mga nakaupong opisyal.

Kapag eleksyon, tiyak nang lamang ang nasa dinastiya dahil nga sa
incumbency at popularidad. Hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang ibang
lider na maaari sanang may panibago o epektibong paraan ng pagtugon sa
mga problemang kinakaharap ng pamahalaan.

Ayon sa mga pagsusuri at pananaliksik, karamihan sa mga kabilang sa


dynasties ay mababa ang pinag-aralan dahil nakadepende sila sa mga
ugnayan sa halip na sa kagalingan at pinag-aralan. Mayroon ding sapat na
ebidensya na nagsasabing ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan
upang magpayaman pa. Talamak ang korupsyon at katiwalian. At dahil
madalas ay mula sila sa upper classes, sadyang panig sila sa interests ng
mga mayayaman.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1899336#readmore

You might also like