You are on page 1of 5

KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Gawain 1: Ekspresyon mo, Hulaan ko!

Panuto: Hulaan kung anong ekspresyong makikita sa ilustrasyon sa ibaba.

Gawain 2:

PANUTO: Basahin ang sumusunod na pahayag mula letrang A hanggang letrang D.


Pagkatapos, iyong pag-aralan ang bawat pahayag upang maunawaan ang layunin. Mahihinuha
mo ba ang ibig ipakahulugan ng mga ito?

a. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw
ang priority” – Bob Ong
b. “ Noong una akong kumatok sa inyong puso, ang sabi ko: Gusto kong ipagpatuloy ang
mga simulain ni FPJ.”-Senadora Grace Poe.
c. “Haluin mo lang nang maigi, tapos kung sa tingin mongo key na, kumuha ka ng isang
kutsara dun sa hinalo mo tapos bilugin mo. Bola-bolahin mo. Gaya ng ginawa mo sa
akin. Paikot-ikutin mo sa mga palad mo. Ipagulong mo sa asukal. Paglaruan mo kung
gusto mo total dyan ka naman magaling eh.” –Isang netizen
d. Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice,
identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay
na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi
base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.” –Bob Ong
Ano ang Kakayahang Pragmatiko?
 Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang parikular na konteksto upang
mapahayag sa paraang diretsahan o may paggalang (Lightbown, Spada 2006)

Speech Act.
 Ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang
karanasan kundi "paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita" o speech act. (J.L. Austin
1962 at Hoff 2001). Halimbawa : pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako
 Tatlong sangkap ng speech act: illocutionary force, locution, at perlocution

SANGKAP KAHULUGAN HALIMBAWA


Illocutionary force Sadya o intensiyonal na papel Pakiusap, utos, pangako
Locution Anyong lingguwistiko Patanong, pasalaysay
Perlocution Epekto sa tagapakinig Pagtugon sa hiling, pagbibigay
atensyon
Senaryo: Isang kostumer sa restoran ang nagpahayag sa weyter ng ganito: “Mayroon ba kayong
tubig na walang yelo?”

 Interlanguage Pragmatics
Ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na wika at
nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensyon
sa pamamagitan ng iba't ibang speech act.

Berbal at Di-berbal na Komunikasyon

Berbal na Komunikasyon- gumagamit ng salita sa anyong pasalita o pasulat. • Nagagawa ang


pasalita sa pamamamagitan ng pakikipag- usap sa kaanak, kaibigan, pakikipagtalakayan sa klase
at seminar. Nagagawa ang pasulat sa pamamagitan ng mga sulatin sa klase, paglikha ng
blogspot, pagbuo ng manifesto at bukas na liham.

Di-Berbal na Komunikasyon- ayon sa mga pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong di-


berbal sa pakikipag-usap sa mga taong nakapaloob sa sariling kultura, tinatayang 70% ng isang
karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na element (Maggay 2002).

Iba’t Ibang Anyo

Kinesika (Kinesics)-tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.Bahagi nito ang ekspresyon ng


mukha’galaw ng mata,kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.

Proksemika (Proxemics)- tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap.

Pandama o Paghawak (Haptics)- Itinuturing na isa sa pinakaunang anyo ng komunikasyon.


Halimbawa: Pagtapik sa balikat at pagyakap sa kausap.

Paralanguage- tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.

Katahimikan o Kawalang-Kibo- lubhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-


isip at paghandaan ang sasabihin, o kaya ay maparating ang tampo o sama ng
Kapaligiran- tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag- usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha
ang intension ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.

Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa kagawiang pang komunikasyon ng mga


tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan.Sa pamamagitan nito, natatantiya ng isang mag-aaral ng
wika kung ang kaniyang sasabihin ay maaaring maging lubhang tuwiran o napapalooban ng
tamang pagkilala at paggalang sa kausap.

Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay(2002), kanyang binigyang-diin


ang pagiging high context ng kulturang Pilipino.

Ang pahiwatig ang maituturing na pinakalaganap at pinakabuod ng kulturang


pangkomunikasyon. Ito ay “isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag ng di-tuwirang
ipinapaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at
matunog na pagbasa ng mga himaton; o ng mga palatandaang kaakibat nito.”

Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig(Maggay 2002):

1.Mga salitang ang pinapatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa
paligid at nakakarinig ng usapan.

 Parinig - malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na


kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid
 Pasaring - mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang
mensaheng nakasasakit sa mga nakakarinig na kunwari ay labas sa usapan

2.Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napapatamaan siya.

 Sagasaan - pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang


tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may masaktan: "Dahan-dahan
at baka makasagasa ka".
 Paandaran - mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa
na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon
at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, "Huwag mo akong paandaran".

PANUTO: Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Berbal at Di-berbal na komunikasyon. (30


puntos)

Pagkakaiba pagkakatulad pagkakaiba

BERBAL DI-BERBAL
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba, ano-ano ang mga mensaheng ipinapahiwatig ng mga
kilos at ekspresyon ng mga nasa larawan. Maaaring gawin sa pamamagitan ng Slogan,
Tula(2talata),spoken poetry at diyalogo.

Pamantayan:
Nilalaman ------------------------20puntos
Pagkamalikhain-----------------15puntos
Kalinawan-------------------------15puntos
Kabuuan 45puntos

Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang ipinahihiwatig ng


sumusunod. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.( Kinesika, Proksemika,
Pandama o Paghawak, Paralanguage, Katahimikan o Kawalang-Kibo, Kapaligiran)
_______1. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol
_______2. Hindi pagtugon sa ipinadalang text message
_______3. Galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag ng aralin
_______4. Pasigaw na pananalita
_______5. Pagtabi sa kaibigan
_______6. Pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa.
_______7. Naghihingalong tinig
_______8. Pagpisil ng mukha sa kapatid
_______9. Pag-iwas sa mga nag-iinuman
_______10. Pagtungo sa madilim na sulok ng silid

Kasunduan
Panuto: Gugawa ng isang poster na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon gamit ang isang
application (halimbawa CANVA app) at isusumiti ito online gamit ang facebook .
Tatayahin gamit ang pamantayan sa ibaba.
Pamantayan Puntos
Pagkamalikhain -20
Orihinalidad ng konseoto - 20
Dating o impact - 10
Kabuuan - 50

You might also like