You are on page 1of 8

Cebu Doctors’ University

Building Dreams, Seizing the World!

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA


WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ronniel Jay F. Maribohoc, LPT Ika-24 ng Hulyo, 2023


Guro Petsa

I. Layunin
Sa pamamagitan ng mga babasahing teksto at grapik organayser, 75% ng mga
estudyante sa Ika-11 Baitang ay inaasahang:
a. nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (ayon
kay M. A. K. Halliday)

II. Paksang Aralin


Paksa : Mga Gamit ng Wika (ayon kay M.A.K. Halliday)
Sangguniang Aklat : Gugol, Ma. Victoria A., Ph.D., Salangsang, Sheila
M., Tolosa, Marites L., Villafuerte, Patrocinio V.
at Lalunio, Lydia P., Ph.D., Bagong Filipino
Tungo sa Globalisasyon (K to 12 Edisyon).
2014. Vibal Group Inc. Nivel Hills, Lahug, Cebu
City. Pahina 150
Santos, Bernie C., Santos, Corazon L. at Espiritu,
Clemencia. Kawil II (Aklat sa Paglinang ng
Kasanayan sa Wika at Literatura. 2002. Rex
Printing Company, Inc. (RBSI). Lungsod ng
Cebu. Pahina 48-52
Manlapaz, Carolina D., Oreo, Jennifer F.,
Ricafrente, Joel J., Lunday IV (Wika at
Panitikan). 2005. Sunshine Interlinks
Publishing House, Inc., Morato Street, Quezon
City. Pahina 168-169
Kagamitan : Powerpoint Presentation, Larawan, Grapik Organayser, at
Handouts
Kasanayan : Napapaunlad ang kasanayan sa pagsulat at pagsasalita gamit ang
kritikal na pag-iisip sa pag-unawa sa paksa.
Pagpapahalaga : Maging gabay ang pag-unawa sa iba’t ibang uri ng teksto
upang mas lalong mapaunlad ang paraan ng pagsusuri bilang
pundasyon sa pagsasagawa ng sulating pananaliksik.

III. Pamamaraan
A. Pangganyak
Cebu Doctors’ University
Building Dreams, Seizing the World!

Isasagawa ang larong “truth or dare” upang masukat at malaman ng guro kung
may dating kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa mga gamit ng wika. Para sa
mekaniks ng laro ay kinakailangang makasagot ng tama ang tatawaging mag-aaral
ukol sa itatanong. Kung magkamali man ay hahayaan siyang pumili, truth upang
sagutan ang isang tanong nang may katotohanan o dare upang gawin ang sasabihin

ng guro sa loob ng klase.

Tandaan: Lahat ng anumang mapag-uusapan sa klase ay mananatili lamang sa


loob ng klase at hindi dapat gagawing biro kahit saan man.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang tawag sa gamit ng wika kung ang sinasalita ay nakikiramay sa
pangangailangan ng mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na
kailangan sagutin? Sagot: instrumental
2. Ang mga sumusunod ay ang halimbawa ng interaksyunal na paggamit sa
wika MALIBAN sa ______. Sagot: D. liham pangangalakal
3. Ang wikang regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Sagot:
TAMA
4. Ano ang tawag sa gamit ng wika kung nais na magpaliwanag? Sagot:
representasyonal
5. Ano ang tawag kung ginagamit ang wika sa pangangalap o pagtuklas ng
impormasyon? Sagot: heuristiko

B. Paglalahad
Mayroon mang kahirapan ang bawat isa na masagutan ang mga tanong sa
laro ngunit alam kong nagagawa na natin ang mga gamit ng wikang nabanggit,
hindi nga lang natin alam ang katawagan nito. Sa araw-araw na pamumuhay ng
tao ay hindi maikakaila ang paggamit natin ng wika sa pakikisalamuha natin sa
kapwa o pakikipagkapwa-tao. Ito ang palatandaan na napakahalaga ng wika sa
pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa. Ito ang ating tutuklasin ngayon sa
pag-unawa natin kung ano nga ba ang mga gamit ng wika.
Cebu Doctors’ University
Building Dreams, Seizing the World!

C. Pagtatalakay
Magkakaroon ng round robin discussion para sa talakayan. Ipapangkat ang
klase sa pito (7) at pipili ang bawat pangkat ng magiging little teacher. Ang little
teacher ang iikot sa bawat estasyon at magpapaliwanag ukol sa iaatas na paksa.
Sila rin ang bibigyan ng handouts ukol sa nilalaman ng paksang tatalakayin.
Mayroon lamang ng tatlong (3) minuto ang little teacher sa pagtalakay sa bawat
pangkat na madaraanan bago dadako sa ibang estasyon. Makinig lamang sa
senyales na ibibigay ng guro bilang hudyat na kailangan nang lumipat ng ibang
estasyon ang little teacher. Inaasahan na lahat ay makikibahagi upang maging
interaktibo ang talakayan. Makikita sa ibaba ang nilalaman ng handouts na
ibibigay sa bawat pangkat.

Ang Gamit ng Wika (ayon kay M.A. K. Halliday)

Ang wika ayon kay Gleason (1961) ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
nabibilang sa isang kultura. Sa makatuwid ang wika ang siyang nagiging tulay sa
pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang isang lipon ng mga tao sa isa pa.
Sinasabing ang wika ay buhay at nagbabago kung kaya’t tama ang tinuran ni G.
Patrocinio V. Villauerte na upang hindi mamatay ang ating wika ay isang mabuting
gawin ay gamitin ito at pagyamanin. Ngunit ang wika ay masalimuot, maraming bagay
na dapat isaalang-alang sa paggamit nito batay sa pangangailangan o sitwasyon. Sa
linggong ito ay matatalakay natin ang iba’t ibang tungkulin at gamit ng wika sa ating
lipunan at inaasahang magamit ito sa isang partikular na gawain na paghahandaan ng
klase sa hinaharap.

Mga Tungkulin at Gamit ng Wika Ayon Kay Halliday


Mga Gamit Halimbawa Karanasan Pansilid-
aralan
G1 - Instrumental
Cebu Doctors’ University
Building Dreams, Seizing the World!

Ginagamit ang wika para sa “Gusto kong…” Paglalahad ng solusyon,


pangangailangang pagkalap ng mga
pangkomunikasyon, mga kagamitan, pagsasadula,
pagpipilian, mga ninanais o paghihikayat
kagustuhan
G2 - Personal “Ang sa akin… Pagsasapubliko ng
Ginagamit ang wika upang ilahad “Sa aking palagay…” damdamin at pakikipag-
ang kasarinlan ugnayan sa iba
G3 - Interaksyonal
Ginagamit ang wika upang
makipag-ugnayan at magplano, “Ikaw at ako…” dula, dayalogo at
magpaunlad o magsagawa ng “Ako ang magiging…” talakayan, pangkatang
isang dula o pangkatang gawain o talakayan
ugnayang sosyal
G4 - Regulatori Pagbibigay ng panuto sa
Ginagamit ang wika upang “Gawin mo ang…” mga laro, talakayan, at
kumontrol o masunod ang mga “Kailangan mong pagtuturo
itinakda gawin ang…”
G5 - Representasyonal Paglilipat ng mensahe,
Ginagamit ang wika upang “Ang sabi ko…” paglalahad hinggil sa
magpaliwanag “Alam ko.” katotohanan ng mundo,
paglalahad ng proposisyon
G6 - Heuristik “Sabihin mo…” Pagtatanong at pagsagot,
Ginagamit ang wika upang “Bakit mo ginawa pagsisiyasat at riserts
matukoy ang mga bagay-bagay, iyon?”
mga palagay o kuro-kuro “Para saan?”
G7 - Imahinatibo “Kunwari…” Mga kwento, dula, awit,
Ginagamit ang wika upang “Nagpunta ako kay tula, bugtong, dugtungan
makabuo, makapagsaliksik at lola kagabi.”
maglibang

D. Pagpapalawak
Pagkatapos ng round robin discussion, kung makikita na sa mga mag-aaral
ang pagkatuto ay maaari nang hindi isagawa ng guro ang pagpapalawak at
dumako sa gawain ng pagbubuod at pagtataya. Kung hindi pa lubos na
naunawaan ng lahat ay tatalakayin ng guro ang paksa kung saan sila nahihirapan
gamit ang gabay na nasa ibaba sa tulong ng powerpoint presentation. Nakasalalay
sa resulta ng isinagawang round robin discussion ang daloy ng magiging
pagpapalawak sa kaalaman.
Cebu Doctors’ University
Building Dreams, Seizing the World!

MGA GAMIT NG WIKA


(ayon kay M.A.K. Halliday)

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano niya tinugunan ang
kanyang
pangangailangan? Sagot:
pakikiusap
2. Ano ang gamit ng wika batay
sa diyalogo?
Sagot: instrumental

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang inilahad ng mga
nagdebate? Sagot:
opinyon
2. Ano ang gamit ng wika batay
sa diyalogo?
Sagot: personal

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang ginagamit nila sa pakikipag-
ugnayan? Sagot:
interaksyon
2. Ano ang gamit ng wika batay sa diyalogo?
Sagot: interaksyonal

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang ginawa niya sa mga tumawid?
Sagot: pinigilan
2. Ano ang gamit ng wika batay sa sinabi ng
pulis? Sagot: regulatori

Mga Gabay na Tanong:


Cebu Doctors’ University
Building Dreams, Seizing the World!

1. Paano tumugon ang estudyante?


Sagot: nagpaliwanag
2. Paano Ano ang gamit ng wika batay sa
diyalogo? Sagot: representasyonal

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang ginamit ng reporter sa pagkuha ng
impormasyon? Sagot: pagtatanong at panayam
2. Ano ang gamit ng wika batay sa diyalogo?
Sagot: heuristiko

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano niya inihayag ang kanyang ideya?
Sagot: malikhaing patula
2. Ano ang gamit ng wika batay sa diyalogo?
Sagot: imahinatibo

E. Pagbubuod
Ibubuod ng klase ang mga napag-usapan sa pamamagitan ng dugtungang
pagsasalaysay. Kung ano ang huling salita na ginamit ng naunang tagapagsalita ay
siya namang gagamitin bilang panimula sa kung sino ang kasunod na magbibigay ng
sagot. Sisimulan ito ng guro sa pamamagitan ng pagbato ng isang katanungan: “Bakit
kailangang pag-aralan ang gamit ng wika?”. Bibigyan ng pagkakataong
makapagsasalita ang lahat at makapagbabahagi ng tig-iisang pangungusap ang bawat
mag-aaral.

F. Pagtataya
Sa parehong pitong (7) pangkat ay hahayaan ang mga mag-aaral na
magbigay ng sariling halimbawang sitwasyon na may kaugnayan sa nakaatas na
gamit ng wika sa pamamagitan ng maikling malikhaing pagsasadula. Ang haba ng
isasadula ay dapat na hindi lalagpas ng tatlong (3) minuto at inaasahan na
maipapaliwanag din ito batay sa kung ano ang gamit ng wikang pinakita.
Magbibigay lamang ang guro ng limang (5) minuto para sa paghahanda ng bawat
pangkat. Pagkatapos ng nakalaang oras ay isa-isang ibabahagi ng bawat pangkat
sa harap ng klase ang kanilang napagplanuhan. Pagkatapos ay maaaring ibigay
Cebu Doctors’ University
Building Dreams, Seizing the World!

ng guro ang sariling komento bilang pangkalahatan at ang iskor ng bawat pangkat.
Makikita sa ibaba ang nakaatas na paksa sa bawat pangkat at ang pamantayan:

PANGKATAN:
G1 – Instrumental G5 – Representasyonal
G2 – Personal G6 – Heuristiko
G3 – Interaksyonal G7 – Imahinatibo
G4 – Regulatori
RUBRIK SA PAGSASADULA
Nangangailangan
Di-gaanong
Napakahusay Mahusay pa ng
PAMANTAYAN Mahusay
(4) (3) pagsasanay
(2)
(1)
Kumpleto at di- Maraming Kulang-kulang Hindi
Nilalaman mapasusubalian impormasyon na ang mga mapagkakatiwalaan
ang mga ibigay sa teksto impormasyong ang mga
impormasyong ibinigay sa teksto impomrasyong
ibinigay sa teksto ibinigay
Kaayusan Maayos na maayos Maayos ang May ilang ideyang Hindi maayos ang
ang pagkakahanay pagkakahanay ng hindi pagkakasunod-sunod
ng mga ideya mga ideya magkakasunod ng mga ideya
ang pagkakanay
Pagkakaisa Lahat ng miyembro May isang (1) May dalawang (2) May tatlo (3) o higit
ay kasali sa miyembro na miyembro na pang miyembro na
pagsasadula hindi kasali hindi kasali hindi kasali

IV. Takdang Aralin

Panuto: Sumulat ng sariling sanaysay ukol sa kahalagahan ng wika at iugnay ito sa


vision,
mission o core values ng paaralan. Palaging isaalang-alang ang mga natutuhan
tungkol sa mga gamit ng wika at huwag kalimutang gumawa ng sariling pamagat.
Isulat ang sanaysay sa loob lamang ng tatlong (3) talata sa isang long size
bondpaper at maging malikhain.

VISION
A globally recognized health- and service-oriented educational institution with
the highest standards of transformative practice.

MISSION
To uphold the highest standards of education rooted in the university's ideals of
wellness, integrity, service, and excellence in the attainment of the individual's
full potential through the embodiment of a transformative culture that responds
to the exigencies of man and society for nation building, positive change and
Cebu Doctors’ University
Building Dreams, Seizing the World!

enhancement of quality of life.

CORE VALUES
W - ellness
I - ntegrity
S - ervice
E - xcellence

RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY


Nangangailangan
Di-gaanong
Napakahusay Mahusay pa ng
PAMANTAYAN Mahusay
(4) (3) pagsasanay
(2)
(1)
Kumpleto at di- Maraming Kulang-kulang Hindi
Nilalaman mapasusubalian impormasyon na ang mga mapagkakatiwalaan
ang mga ibigay sa teksto impormasyong ang mga
impormasyong ibinigay sa teksto impomrasyong
ibinigay sa teksto ibinigay
Kaayusan Maayos na maayos Maayos ang May ilang ideyang Hindi maayos ang
ang pagkakahanay pagkakahanay ng hindi pagkakasunod-sunod
ng mga ideya mga ideya magkakasunod ng mga ideya
ang pagkakanay
Angkop na Tumpak at Tumpak ang Hindi gaanong Walang kaugnayan
Pamagat nakapupukaw ng ginamit na angkop ang ang pamagat sa
pansin ang pamagat ginamit na kuwento
pamagat pamagat
Orihinalidad Maayos at wasto Tama ang May isa – Sinipi o kinopya
ang pagkakasulat pagkakagamit ng dalawang mali sa lamang sa iba ang
at walang katulad. mga pahayag pagkakagamit ng naisulat na teksto.
mula sa sariling pahayag.
ideya.
Wastong Walang mali sa May isang May dalawa – Lampas sa tatlo ang
Paggamit ng paggamit ng mga kamalian sa tatlong kamalian naging kamalian sa
Balarila salita paggamit ng mga sa paggamit ng paggamit ng mga
salita mga salita salita

You might also like