You are on page 1of 2

Pelikulang Susuriin: (Mamili ng isa buhat sa mga Nakatala)

1. Pamilya Ordinaryo (https://www.youtube.com/watch?v=Guusp5lJbC4)


2. Paano Hinintay ang Dapithapon (https://www.youtube.com/watch?v=DCfPCAr2Xt4)
3. Bar Boys (https://www.youtube.com/watch?v=UzvAKY6Xbno)

I. PAMAGAT (10 puntos)


Bakit ito ang pamagat? (Sumipi ng isang pahayag buhat sa pelikula na magpapatunay na karapat-
dapat itong maging pamagat.) Ipaliwanag.

II. AWTOR (5 puntos)


Kuhanin ang talambuhay ng awtor/direktor. (Gawing pasalaysay o paglalahad ang paraan ng
pagpapahayag.)

III. SINOPSIS (10 puntos)


Gawing maikli ngunit komprehensibo ang buod. Kung nahahati sa kabanata/bahagi ay gawing isang
talataan ang bawat kabanata/bahagi.

IV. PAGSUSURI
A. Sariling Reaksyon
1. Mga Pansin at Puna sa:
a. Mga Tauhan (5 puntos)
Suriin at ilarawan kung anong katangian ang taglay ng tauhan o kung anong uri ng pagkatao ang
taglay nito.

b. Tema o paksa (5 puntos)


Tungkol saan ang akda? Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o
tutugon sa sensibilidad ng mambabasa. Ipaliwanag nang mabuti at komprehensibo.

c. Mga isyung tinalakay (10 puntos)


Ano-anong mga isyung panlipunan ang natalakay sa akda? (Hal. kahirapan, kawalan ng
hustisya, pagkabaliw sa pag-ibig, pagpapaasa, etc.) Patunayan ito gamit ang akda. Sumipi sa
mismong teksto. Ipaliwanag.

d. Estilo ng pagkakasulat ng awtor (5 puntos)


Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng salita. Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bias ba ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng
akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ano ang epekto ng wikang ginamit sa
kompreehnsyon o pag-unawa ng bumabasa/

e. Personal na pagpuna sa kalakasan at kahinaan ng binasa (5 puntos)


Ano ang mga napuna o nakita mong kalakasan ng akda? Bakit mo ito nasabi? Ano naman ang
kahinaan ng akda? Paano mo ito mapalalakas?

f. Kabisaan ng akda (5 puntos)


Angkop ba ang akda upang masolusyunan ang mga isyung panlipunan na nakabatay sa
realidad? Makatutulong ba ito upang maging bukas at malawak ang isipan ng mga mambabasa
kaugnay ng isyung tinalakay?Ipaliwanag.

2. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip (10 puntos)
Anong napagtanto mo matapos mong mabasa ang akda? Anong bahagi ng akda
ang pumukaw ng iyong interes at nakapagpabago sa iyong pananaw?

b. Bisa sa Damdamin (10 puntos)


Anong bahagi ng akda ang pumukaw sa iyong damdamin o nagbigay ng kurot
sa iyo bilang mamababasa? Ano ang posible mong maramdaman habang
binabasa ang akda? Anong bahagi ng akda ang nakaantig sa iyong damdamin?

c. Bisa sa Kaasalan (10 puntos)


Anong bahagi ng akda ang nagpapakita ng positibo at mga negatibong kaasalan
na posibleng makita sa akda? Ano ang posibleng makapagpabago sa gawi ng
isang tao batay sa akda? Ano ang naging epekto nito sa etikal na aspeto?

3. Paglalapat ng mga Teoryang Pampanitikan (10 puntos)


Sa paglalapat ng teoryang pampanitikan, pumili lamang ng isang teorya na sa tingin
mo ay angkop gamitin sa akdang iyong binasa. Ipaliwang kung bakit ito ang
teoryang ginamit mo at anong katangiang taglay ng teoryang iyong napili.
Patotohanan ang iyong sagot sa pamamagitan ng 10 patotoo mula sa pelikulang
napanood. Isulat ang bahaging nagpapatotoo sa iyong teorya.

FORMAT
● Arial –Font Style (Maliban sa front page)
● 12 – Font Size (Maliban sa front page)
● 1.5 – Spacing
● 1.5 Left at 1 sa iba pang sides
● I-justify ang teksto
● Size: Short Bond Paper (8.5x11)
IBA PANG PAALALA:
1. Isa lamang ang pelikulang susuriin. Isa sa mga ito ang magsisilbing inyong Pagsusulit
kaya marapat na gawin ito nang maayos at tama. Tiyaking sariling pagsusuri ang ipapasa
upang makapasa. Ang magpapasa ng awtput na mapatutunayang kinopya ay magkakaroon
ng bagsak na marka.
2. Pakilakip ang iyong maikling bionote.
3. Ang ipapasang gawain ay kailangang naka-PDF format o Image format.
4. Sundan lamang ang mga sumusunod para
sa file name:
PAMAGAT_SEKSYON_APELYIDO_PANGALN

You might also like