You are on page 1of 18

Pagsusuri ng Maikling Kuwento

PICTOKWENTO!

1. Suriin ang mga ipakikitang larawan sa susunod na slide.


2. Dapat na maibigay ang wastong pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa mga larawan ayon sa mabubuong
paghihinuha ng mga pangyayari. Gamitin ang mga bilang
mula isa hanggang apat.

3. Sa kuwaderno, isulat ang maikling pagsasalaysay ng mga


nangyari sa kuwento.
PICTOKWENTO!
Sagutin:

1. Ano ang mga pangyayaring inilalahad ng bawat


larawan?
2. Ano-ano ang iyong naging batayan sa paghihinuha ng
pagkakasunod-sunod ng mga tagpo sa mga larawan?
3. Paano naaapektuhan ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ang saysay ng isang kuwento?
Dugtungang Kuwento!

PANUTO: MULA SA PAKSANG IBIBIGAY NG GURO, BUBUO


ANG BAWAT MAG-AARAL NG SARILING KUWENTO. TATAWAG
ANG GURO NG ISANG MAG-AARAL NA MAGSISIMULA NG
KUWENTO, ANG MAG-AARAL NA BUMUO NG PANIMULA
ANG SIYANG TATAWAG NG SUSUNOD NA MAGDURUGTONG
NG PANGYAYARI SA KANIYANG SINIMULAN.
Dugtungang Kuwento!
GAYUNDIN ANG MANGYAYARI SA MGA SUSUNOD NA
MAGLALAHAD NG KUWENTO HANGGANG SA MAGKAROON
NG WAKAS ANG AKDA. KUNG MABILIS NA NAGWAKAS ANG
UNANG SINIMULAN NA KUWENTO, MAARING MAGSIMULA
NG ISA PANG BAGONG PAKSA NG KUWENTO.
SAGUTIN:

● BAKIT SIYA O SILA ANG IYONG NAPILI?

● SA IYONG PALAGAY, NARARAPAT BA SILANG ITURING NA


KAYAMANAN SA BUHAY?
1. BAKIT ISINASAGAWA ANG PAGSUSURI NG MGA AKDA?

2. BAKIT MAHALAGANG MATUTUHAN ANG MGA HAKBANG SA


PAGSURI NG MAIKLING KUWENTO?

3. ANO ANG MAITUTULONG NITO SA INYO BILANG MAG-


AARAL?
OPSIYON 1: E-KOMENT-MO

1. Bumuo ng listahan ng mga pamantayan ng isang mahusay na


maikling kuwento batay sa dati nang nalalaman. Kailangang
makapagtala ng lima o higit pang pamantayan.
2. Bawat mag-aaral, tumukoy ng isang kuwentong nabasa na at
maituturing na mahusay ang pagkakasulat o pagkakasalaysay.
Isulat at bigyang-paliwanag ang sagot sa isang buong papel.
OPSIYON 2: KUWENTONG MABUTI

1. Magpangkat-pangkat sa tigtatatlong kasapi.


2. Bawat pangkat, magsaliksik sa internet ng sipi ng buod ng
maikling kuwentong “Ang Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva
Edroza-Matute.
3. Matapos basahin at unawain, maglapat ng kani-kanilang
pagsusuri sa akda batay sa mga elementong taglay ng isang
malikhaing kuwento.
PARA SA OPSIYON 1: E-KOMENT-MO

1. Ano ang pagkakaiba ng iyong itinalang pamantayan sa


mga elemento ng maikling kuwento na nasa Study Guide?
2. Ano-anong kuwento na ang iyong nabasa na mahusay
ang pagkakabuo?
3. Sa iyong sariling opinyon, paano masasabing mahusay
ang pagkakasulat o pagkakabuo ng isang kuwento?
PARA SA OPSIYON 2: KUWENTONG MABUTI

1. Ano ang mga hakbang na inyong isinagawa sa pagsusuri


ng kuwento?
2. Ano-ano ang iyong napuna sa naging paglalapat ng mga
elemento ng awtor sa sinuring akda?
3. Sa inyong palagay, mayroon bang bahagi ng akda ang
dapat baguhin? Ipaliwanag ang kasagutan.
● PAANO ISINASAGAWA ANG PAGSUSURI NG ISANG AKDA?

● BAKIT ISINASAGAWA ANG PAGSUSURI NG MGA AKDA?

● ANO ANG KINAKAILANGANG GAWIN BAGO MAGSURI NG


ISANG AKDA?
GAANO KAHALAGA ANG PAGSUSURI AT PAGSULAT
NG MAIKLING KUWENTO SA PANITIKANG FILIPINO?
1. Nakapagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa ang pagsusuri
sapagkat napagyayaman nito ang diwa ng mambabasa sa
pagtatahi ng mga kaisipang nakapaloob sa akda.

2. Mahalagang salik sa makabuluhang pagsusuri ang mabisang


pagsunod sa mga hakbang sa pagsusuri at wastong
paglalapat ng ideya sa mga salik na sinusuri kaugnay ng isang
akda.
3. Nalilinang ng pagsusuri ang kakayahang ilapat ang
kaunawaan ng mag-aaral sa mga ideya at kaisipang napuna sa
akdang pampanitikan, pasalita man, pasulat, o pareho.
● Ang mga elementong paksang-diwa, kaisipan, tauhan,
tagpuan/panahon, suliranin, tunggalian, banghay, at estilo
ng pagsulat ng awtor ang nagsisilbing pamantayan sa
pagsusuri ng maikling kuwento.

● Binubuo ang banghay ng mga bahaging simula, saglit na


kasiglahan, kasukdulan, kakalasan, at wakas.
● Ilan sa mga karaniwang estilo sa pagsulat ng maikling
kuwento ang flashback, kronolohikal, at daloy ng kamalayan.

You might also like