You are on page 1of 78

Pagsulat

ng
Akademikong
Sulatin
Pagsulat
ng
Posisyong Papel
isang sulatin na nagpapahayag ng
tiyak na paninindigan ng isang
indibidwal o grupo tungkol sa
isang makabuluhang
napapanahong isyu. Naglalaman
din ito ng mga katuwiran o
ebidensya para suportahan
paninindigan.
Mga Hakbang sa Pagsulat
ng
Posisyong Papel
1. Tiyakin ang paksa. May
dalawang posibleng paraan kung paano
nabubuo ang paksa ng posisyong papel.
Una, maaaring reaksiyon ito sa isang
mainit na usaping kasalukuyang
pinagytatalunan.Karaniwan itong binubuo
para sumangkot sa isang napapanahong
usapin na pinagtatalunan (hal. ang
legalisasyon ng marijuana.
Noon, hindi sumagi sa isip ng marami
nag awing legal ang paggamit nito ngunit
nang matuklasan ang medical na
benepisyo ng marijuana, nagkaroon ng
dalawang makatwirang panig) .
Pangalawa, maaaring tugon lamang ito sa
isang suliraning panlipunan.
Karaniwan itong binubuo ng isang
napansing problema sa kagyat na
kapaligiran o lipunan (hal. ang pagbabalik
ng death penalty.Maaaring hindi naman ito
mainit na pinagtatalunan, pero kung may
nakapansin na lumalala na naman ang
krimen sa lipunan, maaaring pasiglahin ang
pagtatalo hinggil sa pagbuhay ng parusang
kamatayan.
2. Gumawa ng panimulang
pananaliksik. Matapos matiyak ang
paksa, gumawa ng panimulang
pananaliksik. Lalo na kung napapanahon
ang isyu, maaaring magbasa-basa sa
diyaryo o magtanong-tanong ng
opinyon sa mga taong may awtoridad
sa paksa para mapalalim ang
pagkaunawa sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon o
paninindigan batay sa inihanay na
mga katuwiran. Maglista ng mga
argumento o katuwiran ng magkabilang
panig upang matimbang and dalawang
posisyon. Mamakabubuting
isulat sa papel ang mga katuwiran sa
dalawang hanayan para magkaroon ng
biswal na representasyon ng mga ito.
4. Gumawa ng mas malalim na
saliksik. Matapos matiyak ang
sariling paninindigan sa isyu,
maaaring magsagawa ng mas
malalimang saliksik tungkol sa
usapin. Maaaring sumangguni sa
mga aklat at akademikong journal.
5. Bumuo ng balangkas.
Matapos matipon ang mga datos,
gumawa ng balangkas para matiyak
ang direksyon ng pagsulat ng
posisyong papel. Maaaring gamiting
gabay ang mga sumusunod na
huwaran:
Introduksyon.
Ipakilala ang paksa. Dito
rin ipaliwanag ang konteksto
ng usapin.
Mga Katuwiran ng Kabilang
Panig. Isa-isang ihanay dito
ang mgakatuwiran ng kabilang
panig. Banggitin din ang mga
sanggunian o pinagkunan ng
katuwiran.
Mga Sariling
Katuwiran. Isa-isa
namang ihanay rito ang
sariling
mga katuwiran.
Mga Pansuporta sa
Katuwiran. Dito maaaring
palawigin ang paliwanag sa
sariling mga katuwiran.
Maaaring magbigay ng
karagdagang ebidensya para
lalong maging kapani-paniwala
ang sariling katuwiran.
Huling Paliwanag Kung Bakit
ang Napiling Paninindigan ang
Dapat Lagumin dito ang mga
katuwiran. Ipaliwanag kung
bakit ang sariling paninindigan
ang pinakamabuti at
pinakakarapat-dapat.
Muling Pagpapahayag ng Paninindigan
at/o Mungkahing Pagkilos. Isa o
dalawang pangungusap na madaling
tandaan, muling ipahayag ang
paninindigan. Sikaping gawing maikli,
malinaw at madaling tandaan ang mga
huling pahayag na ito.
6. Sulatin ang Posisyong Papel.
Kung may malinaw na balangkas,
madali nang maisusulat ang posisyong
papel. Kailangang maipa-
ramdam mo sa mambabasa na kapani-
paniwala ang mga sinasabi
Sa posisyong papel.
7. Ibahagi ang posisyong
papel. Walang silbi ang posisyong
papel kung hindi ito maibabahagi sa
publiko. Maaaring magparami ng
kopya at ipamigay sa komunidad at
ipaskil sa mga lugar na mababasa
ng mga tao.
Modyul 1
Panuto:
Sa isang buong papel,
sumulat ng isang Posisyong
Papel na may temang…
Modyul 1
Tema:
“Panatilihin at pagtibayin ang K-12
program para sa handa at
magandang kinabukasan ng mga
kabataan”
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(5 puntos) HUSAY PANG
(3 puntos) PAGHUSAYAN
(1 puntos)
Linaw ng Nauunawaan Hindi gaanong Hindi napupunto
nang husto ng nauunawaan sa ang
Posisyon mambabasa ang isang pagbasa at mahahalagang
isinulat na may ideya at malabo
posisyon pagkakataong ang posisyon
kumikiling sa
kabilang
posisyon
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(5 puntos) HUSAY PANG
(3 puntos) PAGHUSAYAN
(1 puntos)
Mahahalagang Naitala ang Nabanggit ang Maraming punto
Punto mahahalagang ilang na hindi naitala
punto na mahahalagang at hindi
nakabatay sa punto na nakabatay sa
pananaliksik nakabatay sa pananaliksik ang
pananaliksik mga inilahad
ngunit may
nakaligtaang
banggitin
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(5 puntos) HUSAY PANG
(3 puntos) PAGHUSAYAN
(1 puntos)
Tono Nakapanghihikay Napanghihikayat Hindi gaanong
at ang tono sa ang tono ngunit nakapanghihikay
kabila ng may at sapagkat labis
emosyon pagkakataong ang emosyonng
sapagkat hindi akma ang ipinakita nang
nabalanse ng ipinakikitang walang batayang
pananaliksik tono sa ilang pananaliksik
bahagi
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(5 puntos) HUSAY PANG
(3 puntos) PAGHUSAYAN
(1 puntos)
Gramatika Tumpak at
walang maling
May kaunting
pagkakamali sa
Maraming
maling bantas,
bantas, baybay, bantas, baybay, baybay at gamit
at gamit ng at gamit ng ng salita
salita salita
Kabuuang (20 puntos)
Puntos:
Pagsulat
ng
Replektibong
Sanaysay
• Maihahalintulad sa pagsulat ng isang
journal kung saan nangangailangan
ito ng pagtatala ng mga kaisipan at
nararamdaman tungkol sa isang tiyak
na paksa o pangyayari. Kadalasang
nakabatay ito sa karanasan, kaya
mula sa nilalaman nito ay
masasalamin ang pagkatao ng
sumulat. (Michael Stratford)
Mga Dapat Isaalang-
alang sa Pagsulat ng
Replektibong
Sanaysay
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o
tesis.
2. Isulat sa unang panauhan na panghalip.
3. mahalagang magtaglay ito ng patunay o
patotoo.
4. Gamamit ng pormal na salita.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa
pagsulat nito.
6. Sundin ang tamang estruktura
(introduksyon, katawan, konklusyon.)
7. Gawing lohikal at organisado.
Mga
Hakbangin
sa
Pagsulat ng
Replektibong Sanaysay
•Ano ang aking nararamdaman
o pananaw tungkol sa paksa?
•Paano ito makaaapekto sa
aking buhay?
•Bakit hindi ito makaaapekto
sa aking pagkatao?
Bahagi
ng
Replektibong Sanaysay
Simula. Dapat makapukaw sa
atensiyon ng mambabasa. Maaaring
gumamit ng quotation, tanong,
anekdota, karanasan, at iba pa. sundan
agad ito ng pagpapakilala ng paksa at
layunin ng sanaysay na magsiilbing
preview ng sanaysay. Isulat lamang sa
loob ng isang talata.
Katawan. Dito inilalahad ang mga
pantulong o kaugnayan na kaisipan tungkol
sa paksa o tesis. Maglagay ng obhektibong
datos batay sa naobserbahan o naranasan.
Gumamit ng mapagkakatiwalaang mga
sanggunian bilang karagdagang datos.
Magbigay ng mga patotoo kung papaano
nakatulong ang mga karanasang ito sa’yo.
Wakas o Konklusyon. Muling banggitin
ang tesis o ang pangunahing paksa ng
sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng
pagbanggit kung paano mo magagamit ang
iyong mga natutunan sa buhay sa
hinaharap. Magbigay ng hamon sa mga
mambabasa na magnilay sa kanilang buhay
hinggil sa natutunan o kaya naman ay mag-
iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.
Modyul 2
Panuto:
Sa isang buong papel, sumulat ng isang
Replektibong Papel patungkol sa
kantang,
“Kahit Maputi Na Ang Buhok ko” ni Rey
Valera
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(5 puntos) HUSAY PANG
(3 puntos) PAGHUSAYAN
(1 puntos)
Organisasyon Mahusay ang May lohikal na Hindi maayos
pagkakalahad ng organisasyon ang
ideya sa ngunit hindi organisasyon at
kabuuan ng masyadong walang
talata at mabisa mabisa ang panimula at
ang panimula at panimula at kongklusyon
kongklusyon kongklusyon
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(5 puntos) HUSAY PANG
(3 puntos) PAGHUSAYAN
(1 puntos)
Paggamit ng Napakahusay Mahusay dahil Maraming mali
Wika ang paggamit ng may kakaunti sa balarila at sa
wika, walang lamang mali sa baybay ng bawat
mali sa balarila, balarila, may salita.
baybay, at kaunting
mayaman sa kaalaman sa
bokabularyo bokabularyo
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(5 puntos) HUSAY PANG
(3 puntos) PAGHUSAYAN
(1 puntos)
Mekaniks Tumpak at May kaunting Maraming
walang maling pagkakamali maling bantas,
/Grammar bantas, sa bantas, baybay at
baybay, at baybay, at gamit ng salita
gamit ng salita gamit ng salita
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(5 puntos) HUSAY PANG
(3 puntos) PAGHUSAYAN
(1 puntos)
Presentasyon Malinis at Malinis ngunit Mahirap
ng Papel maayos ang hindi maayos basahin, hindi
pagkakasulat ng ang maayos at
talata. pagkakasulat ng malinis ang
talata. pagkakasulat ng
talata.
Kabuuang (20 puntos)
Puntos:
Pagsulat
ng
Pictorial Essay
Koleksiyon ng mga larawang maingat
na inayos upang maglahad ng
pagkasunod-sunod na pangyayari.
Nagpapaliwanag ng partikular na
konsepto at nagpapayahag ng
damdamin. Hindi limitado ang paksa.
Maaaring serye ng imahen.
Maaring patungkol sa isang tao o
mga kakaibang pangyayari.
Katulad din ng iba pang uri ng
sanaysay nagumagamit ng mga
teknik sa pagsasalaysay.Naiiba
dahil larawan ang gamit sa
pagsasalaysay.
Kalikasan
ng
Photo Essay
Nagpapahayag ng damdamin at
kaisipan sa serye ng larawan. Ang
mga larawan ang pangunahing
nagkukwento samantalang ang teksto
ay suporta lamang.Gumagamit lamang
ng salita kung may mga detalyeng
mahirap ipahayag.
Inaayos ayon sa kronolohikal na
pagkakasunod-sunod o ayon
sadamdaming gustong ipahayag.
Ngunit kadalasan ay nasasaayos ito
ayon sa pagkakaugnay ng mga
larawan. Angmahalaga ay malinaw ang
pahayag sa unang tingin palang.
Dapat Tandaan
sa
Pagsulat ng Photo Essay
• Siguraduhing pamilyar ka sa
paksa.
• Alamin kung magiging interesado
sa paksa ang magbabasa nito.
• Kilalanin kung sino ang
mambabasa.
• Malinaw ang patutunguhan ng
photo essay.
• I-depende ang haba ng
teksto sa paglalarawan.
• Kailangang may kaisahan ang
mga larawan.
• Isaalang-alang ang
consistency sa framing,
komposisyon, anggulo, pag-
iilaw, o kulay.
Hakbang
sa
Pagsulat
ng
Pictorial Essay
1. Maghanap ng isang paksa na
ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik
bago isagawa ang photo essay.
3. Hanapin ang “tunay na kuwento.”
Matapos ang pananaliksik, maaari
munang matukoy ang anggulo na gusto
mong dalhin ang iyong kuwento kahit
na ang bawat ideya ng kuwento ay
pareho. Ang pangunahing mga dahilan
ng bawat larawan ay nararapat na
lumikha ng isang kapani-paniwala at
natatanging kuwento.
4. Ang kuwento ay binuo upang
gisingin ang damdamin ng
mambabasa. Pinakamahusay na
paraan upang ikonekta ang iyong
sanaysay larawan sa madla ay ang
mga damdamin nakapaloob sa
kuwento at gamitin ito sa mga
larawan.
5. Pagpasyahan ang mga kukunang
larawan. Magsimula sa paglikha ng
isang listahan ng mga kuha para sa
kuwento. Ang bawat “shot” ay tulad ng
isang pangungusap sa isang kuwento sa
isang talata. Maaari kang magsimula
sa 10 “shots.” Ang bawat “shot” ay
dapat bigyang-diin ang iba’t ibang mga
konsepto o emosyon na maaaring
pinagtagpi.
Pagsulat
ng
Lakbay Sanaysay
Kilala rin sa Ingles bilang “Travel
Essay”, ito ay isang sanaysay na kung
saan ang ideyang ito ay pinanggalingan
mula sa mga pinuntahang or“nilakbayang”
mga lugar. Kabilang rin dito ang kultura,
trasisyon, pamumuhay, uri nga mga tao,
eksperyensya mula sa awtor at lahat ng
aspetong naalaman ng isang manlalakbay.
Layunin
ng
Lakbay Sanaysay
• Maitaguyod ang isang lugar na
karaniwang ang lugar na
pinuntahan ng manlalakbay.
• Gumawa ng gabay para sa mga
maaring manlalakbay. Halimbawa
nito ang daan at ang mga modo
ng transportasyon.
• Pagtatala ng sariling kasaysayan
sa paglalakbay na kabilang dito
ang espiritwalidad, pagpapahilom,
o pagtuklas sa sarili.
• Pagdodokumento ng kasaysayan,
kultura, at heograpiya ng isang
lugar sa malikhaing pamamaraan.
Uri
ng
Lakbay Sanaysay
Pormal – Ang talakayin nga uri nito
ay ang mga seryosong mga pagsa nga
nagtataglay ng masusing at masusuri
na pananaliksik ng taong sumulat. Ito
ay kadalasang nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang tao, hayop,
bagay, lugar, o pangyayari. Ang
halimbawa nito ay ang pahayagang
editoryal.
Di-Pormal – Tumatalakay naman
nito sa mga topikong karaniwan, personal, at
pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-
aliw para sa mga mambabasa. Ito ay binigyan
din ng mga bagay-bagay at karanasan ng
akda sa isang topiko kung saan maipakita
niya ang kanyang personalidad na parang
nakikipag-usap siya sa isang kaibigan.
Mga Bahagi
ng
Lakbay Sanaysay
Simula / Panimula – Ito ang
pinakamahalaga na bahagi dahil dito
ang inaasahan kung ipagpatuloy ng
mambabasa sa kanyang binabasang
sulatin. Dapat makuha ng akda ang
atensyon at damdamin ng
mambabasa.
Gitna / Katawan – Dito naman sa
bahaging ito mababasa ang mga
mahalagang puntos o idea ukol sa
paksang pinili at sinulat ng may-akda.
Dito rin natin malalaman ang buong
puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos
at mabuti ang paksang pinag-uusapan
o binibigyang pansin.
Wakas – Sa bahaging ito isinasara
ng akda ang paksang nagaganap sa
gitna o katawan ng isinulat niya. Dito
tin naghahamon ang akda sa mga isip
ng mga mambabasa na maisakatuparan
ang mga isyung tinatalakayan niya.
Monthly Examination
Panuto:
Gumawa ng sariling Lakbay Sanaysay batay sa
iyong karanasan sa mga destinasyong iyong
napuntahan o nais pa lamang puntahan.
Isaalang-alang ang mga proseso at katangian
sa paggawa ng sanaysay. I-print sa isang short
bond paper. (50 puntos)
Rubrik sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMA KAILANGAN


(10 puntos) NG HUSAY PANG
(5 puntos) PAGHUSAYAN
(2 puntos)
Nilalaman o Malinaw, may May ugnayan Limitado sa
Ideya pokus, at ang mga ideya datos at
nakatutulong at may ilang walang tema
ang detalye detalye
Rubrik sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(10 puntos) HUSAY PANG
(5 puntos) PAGHUSAYAN
(2 puntos)
Transisyon ng Nakapaglahad Katamtamang Nangangailanga
Talata ng katangi- nakapaglahad ng n ng gabay sa
tanging transisyong pagsulat ng
transisyong talata ayon sa transisyong
talata ayon sa tunguhin ng talata
tunguhin ng buong sanaysay
buong sanaysay
Rubrik sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMA KAILANGAN
(10 puntos) NG HUSAY PANG
(5 puntos) PAGHUSAYAN
(2 puntos)
Organisasyon Mahusay ang Naipakita ang Walang patunay
ng mga ideya pagkakasunud- development na organisado
sunod ng ideya: ng mga talata ang
nagamit din ang subalit hindi pagkakalahad ng
mga bahagi ng malinis ang sanaysay
tekstong pagkakalahad
impormatibo
Rubrik sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMA KAILANGAN
(10 puntos) NG HUSAY PANG
(5 puntos) PAGHUSAYAN
(2 puntos)
Konklusyon Naisuma ang Katamtamang Hindi naisuma
sanaysay ayon sa naisuma ang ang buong
pangkabuuang sanaysay ayon sanaysay
kaisipan/mensahe sa
ng istorya kaisipan/mens
ahe ng istorya
Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMANG KAILANGAN
(10 puntos) HUSAY PANG
(5 puntos) PAGHUSAYAN
(2 puntos)
Gramatika Tumpak at
walang maling
May kaunting
pagkakamali sa
Maraming
maling bantas,
bantas, baybay, bantas, baybay, baybay at gamit
at gamit ng at gamit ng ng salita
salita salita
Kabuuang (50 puntos)
Puntos:

You might also like