You are on page 1of 3

Don Emilio Omena Memorial School Inc.

Sagay, Borbon, Cebu

Naisusulat ang Isang Talatang Naghihinuha ng mga Pangyayari sa Teksto

Gamiting gabay ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng talata

Ang Pagatatalata

Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin,at pag-unlad ng kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na
maaaring lantad o di-lantad. Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang ganap na
kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay.

1. Kaganapan - May kaganapan ang isang talata kung natupad o naipakita nito ang layunin sa
pagsulat. Halimbawa kung ang layunin sa pagsulat ng talata ay magbigay ng impormasyon,
dapat sumasagot ito sa tanong na "Nakapagbigay ng impormasyon o kaalaman ang talata?"
Kung ang layunin ay mashihinuha, "Nakanuo ng malinaw na paghihinuha sa isipan ng mga
mambabasa ang talata?"
2. Kaisahan - Ang talata ay dapat na nagtataglay ng mga pangungusap na nakatutuling sa
pagbuo ng kaisipang isinasaad ng pamaksang pangungusap.
3. Kaayusan - Ito naman at tumutukoy sa maayos at tamang pagkasunod-sunod ng mga
pangungusap na bumubuo nito.
4. Pagkakaugnay - Ito ay nangangahulugan na ang pangungusap ay magkakaugnay upang
makabuo ng isang pangunahing diwa o kaisipan

Sumulat ng isang talatang naghihinuha kaugnay ng binasang sanaysay. Ipahayag ang mga
bagay na posibleng mangyari kung ang isang tao o partikular ang sarili ay magagamit nang tama
ang mga bagay na nagpapaningning at nagbibigay-liwanag sa kanyang buhay. Banggitin ang
posibleng epekto nito sa kapwa, bansa, at maging sa mundo

Ang talatang bubuoin ay dapat makasunod na ito.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos

Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga 5 puntos


pangungusap.

Ito ay nagpapahayag ng paghihinuha mula sa akdang 5 puntos


tinatalakay.

Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabuting talata. 5 puntos

Kabuang Puntos 15 puntos

5 - Napakahusay 2 - Di - mahusay

4 - Mahusay 1 - Sadyang Di - mahusay

3 - Katamtaman

Nagagamit sa Pagsulat ng Isang Dokumentaryog Pantelebisyon ang mga Ekspresyong


Nagpapakita ng Kaugnayang Lohikal

Isa namang lokal na estasyong pantelebisyon ang bubuksan sa inyong rehiyon. Kung sa
nakaraang aralin ay naging isang batang manunulat ka para sa isang dokumentaryong panradyo,
ngayon ay susulat ka naman ng isang dokumentaryong pantelebisyon tungkol sa mga
bata/kabataang may magandang karanasan sa buhay na maaaring maging inspirasyon ng mga
katulad mo. Kung nais ay maaari kang pumili ng paksang nais mo basta't ito'y tungkol sa
magagandang bagay sa buhay ng mga bata/kabataan sa inyong lugar. Gagawin mo ito upang
maipakitang ang buhay ay hindi laging puno ng kahirapan o pagsubok gaya ng mga
dokumentaryo at balitang naiulat sa araling ito.

Ang dokumentaryong pantelebisyong iyong isusulat ay dapat makasunod sa rubric na ito.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos

Akma sa paksa ang nabuo 5 puntos

Maayos at kapani-paniwala ang inilahad na konsepto o pananaw sa 5 puntos


dokumentaryo.

Nakagamit ng wastong ekspresyong hudyat ang kaugnayang 5 puntos


lohikal.

Makikita ang kahusayang gramatika 5 puntos

Kabuoang Puntos 20 na
puntos

5 - Napakahusay 2 - Di - mahusay

4 - Mahusay 1 - Sadyang Di - mahusay

3 - Katamtaman

Nasusuri ang napanood na sabayang pagbigkas o kauri nito batay sa kasiningan ng akdang
binibigkas, kahusayan sa pagbigkas, at iba pa

Ikaw at iyong kapangkat ay hindi lamang basta magtatanghal ng sabayang pagbigkas kundi
manonood, magsusuri, at magmamarka rin sa pagtatanghal na isasagawa ng iba pang pangkat.
Gamitin ang pamantayan sa ibaba para sa gagawing pagtatanghal at pagmamarka.
4 3 2 1

Kasiningan sa Sadyang Masining ang Bahagyang Hindi naging


Pagbigkas ng masining ang pagbigkas ng masining ang masining
Tula pagbigkas ng tula. Angkop ang pagbigkas ng angpagbigkas ng
tula. Angkop na ginamit na tula. Angkop ang tula. Hindi rin
angkop ang kumpas ng ilang ginamit na angkop ang
ginamit na kamay, tuon ng kumpas ng ginamit na
kumpas ng paningin, galaw kamay, tuon ng kumpas ng
kamay, tuon ng sa entablado, na paningin, galaw kamay, tuon ng
paningin, galaw nanararapat sa sa entablado, na paningin, galaw
sa entablado, na damdamin o nararapat sa sa entablado, na
nararapat sa kaisipang taglay damdamin o nararapat sa
damdamin o ng bahaging kaisipang taglay damdamin o
kaisipang taglay binibigkas ng bahaging kaisipang taglay
ng bahaging binibigkas. ng bahaging
binibigkas. binibigkas.

Kahusayan sa Napakahusay at Mahusay at Bahagyang Hindi naging


Pagbigkas ng sadyang nakaaakit ang mahusay at mahusay at hindi
Tula nakaaakit ang pagkakabigkas sa medyo nakaaakit rin nakaaakit ang
pagkakabigkas sa tula ng lahat ng ang pagkakabigkas sa
tula ng lahat ng miyembro. pagkakabigkas sa tula ng halos
miyembro. Angkop ang tula ng lahat ng lahat ng
Angkop na boses ng lahat ng miyembro. miyembro. Hindi
angkop ang mga kasapi. Angkop ang rin naging
boses ng lahat ng boses ng ilan sa angkop ang
kasapi. mga kasapi. boses ng mga
kasapi.

You might also like