You are on page 1of 6

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik

1 Pagwawasto ng Isinulat na Papel

Pagwawasto ng Isinulat na Papel

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Nailalahad isa-isa ang mga dapat isaalang-alang ng isang proofreader
para sa pagwawasto ng isinulat na papel
 Nalalaman ang tamang simbolo sa pagwawasto ng mga sulatin
 Nasusubukan ang pagsisiyasat at ang pagwawasto ng isang isinulat na
papel

Simulain para sa iyo:

Bigyang-pansin ang mga sumusunod na pahayag. Iwasto ang mga salita kung
may nakikitang hindi wasto sa mga ito.

1. Bawal magtapon nang basura dito.


Bawal magtapon ng basura dito.

2. ang bansang ito ay nangangailangan ng pagkakaisa.


Ang
Ang bansang ito ay nangangailangan ng pagkakaisa.

3. Kailangang maging responsible ka na sa sarili mo.


Kailangan na maging responsible ka na sa sarili mo.

4. Ang China ay isa sa pinakamaunlad na bansa. Kaya naman ang China ay


itinuturing din na isa sa pinakamakapangyarihan na bansa.
Ang China ay isa sa

5. Ang pagsalaysay ay nagkukuwento ng mga pangyayari.

Talakayin at unawain:

Ang pagsulat ng mga uri ng sulatin ay hindi isang biro sapagkat


nangangailangan ito ng buong talino sa pagbuo at pagpapahayag ng mga
Course Module
kaisipang nais ipabatid sa karamihan. Minsan kahit pa ginamitan ng burador
at muling isinaayos ang isang sulatin ay hindi malayong muling magkamali
ang manunulat sa ilang bahagi ng kaniyang akda. Kaya naman dapat lamang
na maingat at hindi ito basta lamang ginagawin sa anumang mabigat na
layunin at ipapasa o ipababasa sa publiko nang walang pagwawasto.
Ang pinakamahalagang dapat pagdaanan ng isang isinulat o manuskrito ay
tinatawag na pagbasa ng pruweba o proofreading. Sinusuri at nililinis ang
isang akda ng isang tagabasa ng pruweba o proofreader upang maging mas
maayos at maging kaaya-aya ang pagbasa.
Ilan sa mga sumusunod ang isinasaalang-alang ng isang tagabasa ng pruweba
sa pagwawasto ng isang sulatin, manuskrito o akda:
1. Ispeling o Baybay
Ang pagpapabasa sa madla ng sulating may mga hindi naiwastong mga
baybay ay hindi makabubuti lalo na kung ang salita ay bago sa kaalaman ng
isang mambabasa tulad ng isang bata. Kaya naman isa sa binibigyang tuon ng
tagabasa ng pruweba ay ang ispeling.
Ang suliranin na madalas maranasan ng isang manunulat ay ang paggamit ng
kompyuter upang isulat ang kaniyang sulatin. Madalas mangyari na kapag
ginagamit ang wikang Filipino, nagkakaroon ng autocorrect sa ispeling dahil
sa natatanging wika lamang ang nakikilala ng word processor. Kaya naman
ito ang nagiging sanhi upang mag-iba ang baybay ng ilang salita at hindi
magkaroon ng diwa ang ilang pahayag.

2. Diwa ng mga isinulat na pahayag, akda o teksto


Maliban sa ispeling ay dapat may kamalayan din ang tagabasa sa diwa ng
kaniyang mga binabasa. Minamarkahan ng isang proofreader ang ilang
bahagi sa sulatin kung ano ang mga dapat tanggalin o dagdagan. Ngunit sa
pagkakataong ito ay dapat maging minimal lamang ang dapat niyang iwasto
sapagkat nagdaan na sa pag-eedit ang isang manuskrito.

3. Buong anyo ng akda


Binibigyang pansin din ng tagabasa ng pruweba ang pisikal na anyo ng
sinulat na manuskrito. Mula sa uri ng tipo at font na ginamit. May mga
istandardisadong ginagamit para sa mga uri ng publikasyon at dapat lamang
na kabisado ito ng isang tagabasa ng pruweba. Kasama rin ang pahina at ang
tumatakabong pahina (running head) na dapat ay sunud-sunod ang
pagkakalapat sa bawat pahina. Hindi rin dapat pinapalampas ang mga salita,
linya at ang espasyo.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik
3 Pagwawasto ng Isinulat na Papel

MGA SIMBOLONG GINAGAMIT SA PAGWAWASTO NG SINULAT NA MGA


SULATIN

Alisin (delete)

Pagdugtungin;
Tanggalin ang espasyo

Indent

Maglagay ng espasyo

Pagpalitin (transpose)

Italiko

Ibalik sa orihinal

Bagong talata

boldface

Alisin ang bantas

Course Module
Maliit na titik
(lower case)

Malaking titik

Idugtong sa naunang linya


(run in with previpus line)

Baybayin
(spell out)

Maglagay ng tuldok

Alisin ang buong talata

Iposisyon sa gitna

Maglagay ng panipi
(isahan o dalawahan)

Ayusin ang hanay

Iurong pakanan
(move right)
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik
5 Pagwawasto ng Isinulat na Papel

Iurong pakaliwa
(move left)

Magdagdag

Suriin:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang mga dapat taglayin na katangian ng isang tagabasa ng
pruweba? Ipaliwanag kung bakit dapat ito dapat taglayin.

KATANGIAN: KATANGIAN: KATANGIAN:

2. Bakit kailangang kasama ang pisikal na anyo ng akda sa dapat iwasto


ng tagabas ng pruweba?

3. Sa tatlong dapat isaalang-alang sa pagwawasto ng tagabasa ng


pruweba, ano ang pinakamahalagang dapat bigyang pansin? Bakit?

4. Bakit sa pagwawasto ng diwa ng teksto ay hindi na dapat magtataglay


ng maraming mali ang sulatin?

Course Module
5. Gaano kahalaga ang pagbabasa ng pruweba o pagproofread?
Ipaliwanag.

Gawain:
Pasulat
Sumulat ng isang sanaysay ukol sa “Pilipinas: Bansang Napakayaman sa
Kultura” na may tatlong talata. Humanap ng kapares o kaklase upang kapwa
ninyong iwasto ang inyong mga sinulat.
Kaugnayan sa Media
Ipapangkat kayo sa lima (5) ng inyong guro at bawat pangkat ay bibigyan
kayo ng inyong guro ng magkakaibang artikulo at inyong susuriin at
iwawasto gamit ang mga simbolo sa pagwawasto.

References:
Virgilio S. Almario, 2015, KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat Ikalawang
Edisyon, Komisyon ng Wikang Filipino
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City

You might also like