You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

1 Sulating Akademik 3

FIL 2

SURIIN:
1. Bakit kailangang sundin ang mga proseso sa pagsulat?
Kailangan natin itong sundin dahil sa pamamagitan nito mas
nasasagawa at nailalahad natin ng maayos ang mga ideya.

2. Ano-ano ang magiging epekto kapag hindi nasunod ang


anumang proseso sa pagsulat?
magkakaroon ng kamalian sa sulatin

3. Ibigay ang kaugnayan ng proseo ng pagsulat sa bahagi ng


teksto sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba.

Course Module
Dapat bigyan ng
kaukulang pansin ang
Panimula
panimula ng tekstong
isusulat. Ang bahaging
Panimula ito ay nararapat na
maging kawili-wili
upang sa simula pa
lamang ay mahikayat
ang mambabasa na
tapusing basahin ang

Sa pagsulat ng bahaging ito,


matatagpuan ang wastong
paglalahad ng mga detalye
at kaisipang nais ipahayag
Katawan
sa akda. Mahalagang
magkaroon ng ugnayan at
kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi
malito ang mambabasa
dahil ito ang
pinakamalaking bahagi ng
teksto. May tatlong hakbang
para maisagawa ang
Dapat isaalang-alang ng
manundat ang pagsulat
Wakas ng bahaging ito upang
makapag-iwan ng isang
kakintalan sa isip ng
mambabasa na
maaaring magbigay buod
sa paksang tinalakay o
mag-iiwan ng isang
makabuluhang pag-iisip
at repleksiyon.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
3 Sulating Akademik 3

4. Bakit kailangan ng mga mag-aaral na tulad mo na pag-aralan


ang mga proseso at bahagi ng teksto?
Ang mga kasanayan sa pag-unawa ay mahalaga sa
katatasan ng wika at kinakailangan para sa tagumpay ng
isang mag aaral, na kung saan ay mahalagang kasanayan
na kailangan upang maging matagumpay sa parehong mga
setting ng pang-akademiko at propesyonal

5. Paano nakatutulong sa iyo ang pagkatuto ng paksang ito?


Nakatutulong ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay
at maging buhay ito upang mas lalong maging mabisa ang
ating pagsasalita at sa paggamit nito sa iba’t-ibang
larangan o disiplina. Kalakip natin ito sa paggamit sa
bawat salitang ating binabanggit, at pakikisalamuha sa
ibang tao. Mangyaring ito ay mapagyaman at mapalawak
dahil sa mga terminong ating ginagamit, dito natin
malalaman ang kaimportansyahan nito.

GAWAIN:
Pasulat o pasalita
Sumulat ng sanaysay ukol sa kalagayang pang-edukasyon ng Pilipinas.
Siguruhing masusundan ang proseso ng pagsulat at ang bahagi ng teksto.

Kaugnayan sa Media
Gumawa ng isang blog mula sa nagawang blogsite. Bumuo ng mga
sanaysay ukol sa napapanahong isyu sa ating lipunan.

Pamantayan sa pagmamarka ng guro:


Nilalaman 40
Malikhaing blog site 30
Pagiging kilala ng mga blog site at mga sulatin 30
Kabuuan 100 puntos

Course Module
Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay gingagamit lamang bilang instrumento ng estado sa paghubog
ng kamalayan at kakayahan ng mga kabataang Pilipino upang sila ay manilbihan para sa iilang
naghaharing uri sa ating lipunan at palaganapin ang mga kaugalian at pamaraan ng pamumuhay ng mga
uring ito. Ang namamayaning uri sa Pilipinas, ang komprador na burgesya at panginoong may-lupa ay
pangunahing tinatangkilik ang interes ng kanilang padrono, ang imperyalistang Estados Unidos. Sa
kontekstong ito natin mauunawan lamang ang kalikasan ng edukasyon na pinapairal ng gobyerno sa
ating lipunan.
Dahil ang edukasyon ay isa lamang instrumento ng ating estado na
kontrolado ng imperyalistang EU at dahil ang pinakamahalagang
instrumento ng pananatili ng kasalukuyang sistema ay ang paggamit ng
dahas laban sa lumalaking rebelyon sa kanayunan, ang edukasyon ay
binibigyan ng mas maliit na prayoridad sa badyet ng gobyerno kung
ikukumpara sa militar. Ngunit, higit sa lahat, ang nangunguna sa badyet ng
gobyerno ay ang pagbayad nito ng utang panlabas sa mga dahuyang
institusyon, kagaya ng IMF-WB at sa mga bangko ng imperyalismong EU at
kanyang mga kapitalistang kaalyado. Habang tumatakbo ang panahon,
bumababa ang paglaan ng badyet sa edukasyon, samantalang ang pagbayad
naman sa utang panlabas at pondo para sa militar ay tumataas.

May batas na ginawa pa noong panahon ni Marcos, ang PD 1177, na


naglalaan ng prayoridad sa pagbayad sa utang panlabas ng Pilipinas na
kasalukuyan ay umaabot na ng 58 bilyong dolyar (may balak pa ang rehimen
ni Macapagal Arroyo na umutang ng panibago sa halaga ng $500 milyun ).
Halimbawa sa ginawang badyet sa taong 2004, sa kabuuang P861 bilyong,
P271.5 bilyon o 31.4% ang nireserba sa pambayad ng utang ng Pilipinas.
Taon-taon lumalaki ang tinatakdang pambayad ng utang panlabas ng
Pilipinas; sa taong 2003 ito ay lumubo ng dagdag pa ng P58 bilyon.

Hambingin naman ang badyet para sa militar na tumaas mula sa P42.5 bilyun
noong 2003 tungo sa P45 bilyun sa 2004 laban sa badyet sa lahat ng state
colleges at universities (SCUs) na P15.68 bilyun lamang para sa taong 2004.
Para sa PNP naman ang badyet sa taong 2004 ay P33 bilyun. Kaya daw
tinataasan ang badyet sa pagamit ng dahas ay para kalabanin ang mga
“terorista” sa Pilpinas sa sugo ni Uncle Sam. Sa kabuuan, ang porsiyento ng
badyet ng Department of Defense sa 2004 ay 5.21%, kalusugan (1.5%),
pabahay (0.3%) at edukasyon (kasama na ang para sa elementarya at
sekundaryang baytang, kung saan mayroon tayong milyun-milyong
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
5 Sulating Akademik 3

estudyante ) ay 15.4%. (Mula sa Badyet ng Pamahalaan para sa Taong 2004


at manipesto ng Anak Bayan Youth Party at iba pa, Dec. 10, 2003)

Course Module

You might also like