You are on page 1of 12

PAGSASALING PAMPANITIKAN

Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 1

Week 012- Pagsasalin ng


Kwentong Piksyon
LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mga paraan sa pagsasalin ng kwentong piksyon


2. Nauunawaan ang mga dapat na taglay ng isang tagasalin ng kwentong
Piksyon
3. Nakasusuri ng mga akdang piksyon na naisalin sa wikang Filipino

Panimula:

Karaniwan sa pagsasaling wika, kapag ang isang tagapagsalin ay natapos


na ang isinagawang salin, lumalagay na sa kanilang isipan na tapos na ang
kanilang obligasyon sa pagsasalin.

Sa pagsasaling wika, hindi natatapos sa pagsasalin ang tungkulin ng


tagapagsaling wika, nararapat na tiyakin ng tagapagsalin ang kahusayan ng
akdang isinalin at ang kapakinabangan nito sa mga mambabasa.

Ang pagsasalin ng mga akdang di–piksyon ay isang gawaing


kinakailangan ng masususing pag-aanalisa ng mga salita upang maibigay ang
eksaktong salin.

Sa modyul na ito tatalakayin at ibibigay ang iba’t ibang uri ng akdang di-
piksyon na naisalin sa wikang Filipino.

PAGSASALIN NG KWENTONG PIKSYON

• Kung ang isang salin ay hindi napuna ng mambabasa na ang kanyang binabasang akda ay
bunga ng isang salin masasabing ito ay maayos na pagkakasalin. Nagagawa ng tagapagsalin
na gawing natural ang daloy ng isinaling akdang pampanitikan kung ang idyomatikong
paraan sa Ingles ay naisalin sa wikang Filipino sa paraang natula at idyomatiko rin ang salin
ay masasabing mahusay.

• Sa aklat ni Santiago (p.207) ibinigay ni Savory ang tatlong pamatnubay na tanong na ayon sa
kanya ay dapat laging tinatanong ng tagapagsalin sa sarili habang nagsasagawa ng
pagsasalin.

Course Module
1. Ano ang sinsabi ng awtor?
2. Ano ba ang kanyang ibig sabihin?
3. Paano ba niya ito sinabi?

• Mapapansin na ang dalawang magkasunod na tanong na inilahad ni Savory ay tila


magkatulad lamang, ngunit ito ay ipinaliwanag ni Savory. Ayon sa kanya, hindi sapat na basta
maisalin lamang ang akda. Halimbawa, ang paimbabaw na kahuluguan ng isang
pangungusap, kailangan na maunawaan ng tagapagsalin ang nais ipaunawa ng manunulat.

• Ang pamamaraan na inilahad ni Savory ay mahalaga lalo na kung ang isasalin ay mga
masining na akdang pampanitikan tulad na lamang ng maikling kwento. Karaniwan sa
ganitong mga uri ng panitikan ay naglalahad ng mga matatalinghagang pahayag na dapat na
maunawaan ng tagapagsalin upang hindi magkaroon ng suliranin sa kanyang salin.

• Ang Ikatlong tanong ay nakatuon sa kung paano ba isinulat ng manunulat ang kanyang akda.
Kung babalikan natin ang mga nakalipas na aralin, matatandaan na hindi dapat gamitin ng
tagapagsalin ang kanyang istilo bagkus dapat ay panatilihin niya ang istilo ng manunulat.

SEGMENTASYON

• Ang segmentasyon ay gawaing mabusisi ngunit mapaghahanguan naman ng karanasan sa


pagsasalin lalo na kung ang isasalin ay mga kwentong piksyon na dapat lamang paglaanan ng
panahon at oras. Lalo pa kung ang magsasalin ay baguhan pa lamang sa larangan ng
pagsasaling wika. Ang segmentasyon ay karaniwang gamit panturo ng mga guro sa kurso sa
pagsasaling wika.

• Sa madaling pagtingin, ang segmentasyon ay may kasimplehan sapagkat ang tagapagsalin ay


magsasagawa lamang ng patilad-tilarin o hahati-hatiin ang mga makahulugang yunit ng mga
pangungusap. Isa-isa itong isasalin at pagkatapos ay bubuoin upang mabuo ang
makabuluhang salin.

• Higit na magiging epektibo ang paraang segmentasyon kung ang tagapagsalin ay may sapat
na kaalaman sa pagbuo ng natural na ayos ng pangugusap. Ang kahusayan ng tagapagsalin sa
pagbabago-bago ng mga salita o segment upang makabuo ng wastong pangungusap ang
makapagpapahusay sa isinasagawang salin.

• Ang segmentasyo ay nahahati sa iba’t ibang hakbang batay sa aklat ni Alfonso Santiago
(p.209-211).

“I’m not surprised because my mother claims to be an expert on mountain shadows in


the desert. “
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 3
Hakbang 1- Paghahati-hati ng pangungusap sa mga segment o sa tinatawag na
“transitional units” (gamitin natin ang pangungusap sa itaas).

1. I’m not surprised


2. Because
3. My mother claims to be an expert
4. On mountain shadows
5. In the desert

Pansinin ang bawat segment ay isang “thought unit” kung ang isang segment ay may
kahabaan, maari itong hatiin sa dalawa o higit pang segment upang walang makalimutang
diwa ng isasalin.
Hakbang 2- Pagsasalin sa nabuong segment

Segment salin
1. I’m not surprised 1. Hindi na ako
nagulat
2. Because 2. dahil
3. My mother claims to be an expert 3. Inangkin na mahusay siya
4. On the mountain shadows 4. Sa mga anino ng bundok
5. In the desert 5. Sa desyerto

Hakbang 3- Pagsasaayos ng mga saling segment

Kailangang ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga segment na isinalin upang maging


gramatikal, natural at hindi himig-salin. Sa bahaging ito ay maaring magkaroon ng mga
pagbabawas o pagdaragdag ng mga salita, o kaya’y pagbabago o pagpapalit upang umangkop
sa balangkas at kakanyahan ng Filipino.

Ang unang-unang dapat gawin ay tingnan kung ang pandiwang “inangkin” ay maaring nang
alisin upang maging natural o idyomatiko ang pangungusap.
Tingnan sa ibaba ang naging resulta pagkatapos alisin ang pandiwang “inangkin”.

1. Hindi na ako nagulat


2. Dahil
3. Sabi ni nanay na mahusay siya
4. Sa mga anino ng bundok
5. Sa desyerto
Course Module
Ang nabuong pangungusap ay waring maaari nang tanggapin, ngunit maaari pa marahil ayusin
ang iba pang segment.

Hakbang 4 – Pagsasama-sama ng nabuong mga pangungusap

Ipagpalagay nating ang mga pangungusap sa isang talata ay dumaan sa ganitong proseso ng
segmentasyon. Ang pinakahuling hakbang ay ang pagsasama-sama ng mga pangungusap
upang mabuo ang talata. Sa pagbubuong ito ay pagtutuunan ng pansin ng tagapagsalin ang
ilang bagay, tulad ng mga sumusunod:

1. Pagsusuri kung maayos ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap (coherence). Dito


ay kakailanganin ng tagapagsalin ang kaalaman sa paggamit ng tinatawag na “cohesive
devices” tulad ng mga salita at pariralang “kung gayon, gayunpaman, mangyari pa, sa
kabilang dako, gaya ng nabanggit na”.

2. Pag-alam kung may mga salitang paulit-ulit na ginamit kayat tingnan kung maaring
kaltasin o palitan.

3. Pagsusuri kung may mga pangungusap na maaaring pag-isahin; dalawang pangungusap


na maaaring gawing isang pangungusap lamang.

4. Pagsusuri kung may pangungusap na dapat hatiin at gawing dalawang pangungusap


upang maging malinaw ang diwa. Tiyakin lamang na ang pagsasagawa ng alinman sa mga
bilang 3 at 4 ay hindi mauuwi sa pakikialam sa estilo ng awtor.

Pagsasalin ng Maikling Kwento

Maikling Kwento- isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga


pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa at nababasa sa isang upuan lamang.

Elemento ng Maikling Kwento

1. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang mga tauhan sa loob ng kwento.

2. Saglit na kasiglahan- bahaging naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang


suliraning inihahanap ng lunas. Dito panandaliang pinagtatagpo ang mga tauhang
nasasangkot sa suliranin.
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 5
3. Suliranin – Sa bahaging ito ng kwento, makikita ang problemang kinahaharap ng tauhan
sa kwento, dito ang mambabasa ay papagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang
damdamin.

4. Tunggalian – Ang tunggalian ay nahahati sa apat

• Tunggalian tao laban sa tao- labanan sa pagitan ng tauhan sa kapawa niya


tauhan.
• Tunggalian tao laban sa sarili- labanan ng tauhan sa kanyang sarili
• Tunggalian tao laban sa kalikasan- labanan ng tao sa pwersa ng kalikasan
• Tunggalian ng tao laban sa lipunan- labanan ng tao laban sa kanyang lipunang
ginagalawan.

5. Kasukdulan – ito ang bahagi ng kwento na nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan, dito


makakamtam ng tauhan ang kanyang kabiguan o tagumpay sa kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan- ito ang tulay sa wakas ng kwento

7. Wakas- makikita sa bahaging ito ang kinahinatnan ng mga suliranin na kinaharap ng mga
tauhan.

8. Tauhan- ito ang nagpapagalaw ng kwento.

• Ang pagsasalin ay makatutulong nang malaki sa pangangailangan ng panitikan at


lipunan. Sa panahong ito, mabilis na pagkakalapit-lapit ng mga tao dahil sa pag-unlad
ng mga paraan ng paglalakbay. Lubhang kailangan ang wastong pagkakaunawaan.

• Ang pagtuturo ng pagsasalin ay magkakaroon ng tatlong magkakaugnay na layunin.


Mabigyan ng mga mag-aaral ng isang dagdag na kaalaman, mapasigla ang pagsasalin
ng mga maririkit na akdang banyaga na makapagpapayaman ng ating panitikan at
madudulutan ng ibayong sigla ang pagtuturo ng mga kursong panlipunnan.

• Sa pagsasalin ng maiklling kwento, tunguhin ng tagapagsalin na maging magkatulad


ng reaksyon ng mga mambabasa ng mga salin at ng mga mambabasa ng orihinal na
wika.

• Kailangang tiyakin ng tagapagsalin na walang nababawas o naidagdag na ideya.


Kailangan ding bantayan kung natural na tama ang baybay ng salita at balarila.

• Sa pagsasalin ng maikling kwento laging tandaan ang pagsasagawa ng unang burador.


Matapos isagawa ang segmentasyon, maari nang simulan ang unang buarador.
Tandaang ang isinasalin ay ang diwa at hindi ang salita sa loob ng akda.

Course Module
• Matapos ang pagbuo ng unang burador simulan na itong muling isulat. Kailangan
maging obhektibo ang tagapagsalin upang makita niya ang kahinaan at kamalian ng
isinagawang salin.

• Sa pagwawasto ng isinagawang salin mas mainam kung itatabi muli ang orihinal at
ang salin, tapos ay basahin nang malakas upang madinig ng tagapagsalin ang mga
mali. Kung madulas ang pagbasa masasabi nating walang mali sa salin ngunit kung sa
bawat pagbasa ay natitigilan tiyak na may mali sa salin.

• Itala ang mga nakitang pagkakamali o ang mga salitang kinakailangang kaltasin, at
muling rebisahin ang salin. Hanggang sa mabuo ang pinal na kopya.

MAIKLING KWENTO (PAGSASALIN)

Ang Lamesa ng Mayaman

Kung nakikita niyo lang na nakaupo kami dito sa luma, gasgas-gasgas na gawang bahay na lamesa sa
aming kusina, malalaman niyong hindi kami mayaman.

Pero ang tatay ko, pilit na sinasabi sa akin na mayaman daw kami.

Hindi ba niya napapansin ang lumang sapatos ko na tagpi-tagpi? O kaya ang pantalon na may butas
ng kapatid kong nasa unang baitang sa elementarya? At bakit iniisip pa niya na may nakaparadang
sasakyan sa harap ng aming tahanan?

“Hindi niyo ko maloloko,” sabi ko. “Mahirap tayo! Ang mga mayayaman ba eh uupo sa ganitong klase
ng lamesa?”

Hinipo ng aking nanay ang parte ng lamesa at sinabing, “Aba, mayaman tayo at umuupo tayo dito
araw-araw.”

Minsan inisip ko na ako na lang ang bukod tangi sa pamilya na may ‘sense’ ang sinasabi.

Siguro dapat kong sabihin sa kanila na kinuha lang nila ang gamit ng paggawa ng lamesang ito sa
mga tinapon na bagay ng iba. Tapos nagdiwang pa sila nang natapos ito.

Naiintindihan ko naman, gusto ko naman ang lamesang ito. Ang sinasabi ko lang eh, hindi naman
siguro galing yan sa bilihan ng mga magagandang kagamitan. Hindi lang kasi talaga iyan tulad ng
mga lamesa kung saan umuupo ang mga mayayaman.

Pero ang iniisip ng nanay ko na kung ang lahat ng mga namumuno sa buong mundo ay magsasama-
sama sa isang palakaibigan na lamesang kahoy sa isang kusina, maaari nilang ma-solve ang kanilang
mga
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 7
problema wala pang isang oras ang makakalipas.

Ngunit ngayong gabi, ito ay aming kusina at aming pagtatalo at aming pamilyang pagpupulong at
ang aming tinapay na nakahain sa ginta ng aming lamesa.

Ako ang nagpatawag ng pagpupulong at ang pag-uusapan namin ay tungkol sa pera sapagkat hindi
na ito sapat sa amin.

Ang sabi ko sa aking mga magulang ay dapat magkaroon na silang pareho ng mas magandang
trabaho para makabili kami ng maraming magagandang bagong gamit. At sinabi ko ding mukha
akong kawawa sa aming paaralan.

“Ayoko ng ganoon,” ang sabi ko, “pero makakatulong kung magkakaroon po kayong pareho ng konte
pang ambisyon.”

Nagulat sila. Makikita mong hindi nila iniisip ang mga bagay na kailangan namin.

Mula dito, masasabi kong ang mga magulang ko ay may kakaibang pag-iisip tungkol sa
pagtratrabaho.

Ang iniisip nilang trabaho na karapat dapat sa kanila ay ang mga trabaho sa labas lamang.

Gusto nila ng disyerto, bundok, bulkan, gubat kapag sila ay nagtratrabaho. Gusto din nila na nakikita
ang magandang kulay ng kalangitan.

Palagi silang magkasamang nagtratrabaho, at ang paborito nilang ginagawa ay ang pagsasala ng
ginto.

Gustong gusto nilang naglalakad sa malawak na butas ng bulkas, tuyong daanan ng ilog, kung saan
ang maliliit na butil ng ginto ay natatagpuan.

Palagi nilang sinasabi na may truck daw na may alam kung saan ang daan para mahanap ang mga
ginto – pero hindi ako naniniwala.

Pagkatapos ng ilang buwan, palagi silang may ibinibentang maliliit na ginto, pero masasabi mong
hindi sila nito napapayaman.

Sa nakikita ko, isa na naman nila itong palusot para makapag-kampo sa isang maganda’t malawak
na lugar sa kagubatan.

Nagtatanim sila ng mga sweet corns. Kumukuha sila ng mga sili, kamatis, kalabasa. Nagtatayo ng
matibay

na bakod o kaya’y tinuturuan ang mga batang kabayo.

Course Module
Sinasabi nilang hindi nila kayang matutunan ang mga bagay o trabaho sa looban.

Ngayon, siyempre, tanong ng tatay ko, “ilang tao ang mapagpalang katulad natin?”

Pero pinatawag ko itong pagpupulong at sabi kong, “kung makakakuha ka ng pera kapag
nagtrabaho ka sa isang malaking gusali sa bayan.”

“Tandaan mo ang ating unang rule,” ang sabi niya. “Kailangan nating makita ang kalangitan.”

“Pwede ka namang tumingin sa bintana,” sabi ko.

Pero hindi nila iniisip ang ganoong bagay.

Nakita mo ba ang ibing kong sabihin tungkol sa pagiging may ‘sense’?

Sa wakas, nagsalita na ang nanay ko, “O sige, Mountain Girl. Ipapaliwanag na namin sa iyo kung
papaano natin kinukuha an gating pera. Kayo ang taga-lista ngayong gabi.”

Binigyan niya kami ng tig-isang lapis at ilang pirasong papel.

Binigyan din niya ang aking bunsong kapatid, kahit na uupo lang siya doon at magkukunwaring
nagsusulat kapag kami ay magsusulat, o magguguhit ng mga taong nagsasayaw sa ilalim ng
kalangitan.

Ah, oo nga pala, hindi Mountain Girl ang pangalan ko.

Yun lang ang tawag nila sa akin kasi pinanganak ako sa kubo sa gilid ng bundok kung saan ay
naghahanap sila ng ginto minsan sa Arizona.

Sabi nila, iyon daw ay isang mahiwagang lugar, ang pinakamagandang bundok na kanilang inakyat.

Siguro nga, pero alam mo naman kung gaano kakaiba ang pag-iisip nung dalawa.

Gusto nilang ang una kong masilayan ay ang gilid ng bundok na iyon kaya binuhat nila ako ng
nakataas ang kanilang kamay sa labas nang papasikat ang araw kung saan ay walong minuto pa
lamang ako.

Ang totoo niyan, gustong gusto ko pa rin ang pagsikat ng araw.

At ang kapatid ko, ang tawag nila sa kanya ay Ocean Boy. Sabi nila, dahil nasa akin na ang
pinakamagandang bundok para sa una kong sulyap sa mundo, inisip nilang maghanap ng
pinakamagandang karagatan para sa bunso kong kapatid. Sa pagkakaalam ko, inikot nila ang buong
Mexico para maghanap ng karagatan na may kagubatan. At kailangan nilang hanapin ang may kulay
ube-asul na kalangitan at ang eksaktong kulay berdeng alon na gusto nila.

Itinaas din nila siya para makita ang mga alon na iyon para sa kanyang unang tingin.

Balang araw kaming lahat ay babalik sa berdeng karagatan ng aking kapatid at sa aking mataas ng
bundok. Pero sa ngayon (kahit na sinasabi nilang napakayaman namin) hindi nila kami madala kahit
PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 9
saan man lang.

Hindi nga katakataka ang pagtawag ko sa pulong na ito tungkol sa pera.

Naniniwala ka bang ang tatay ko ay nakaupo dito at tinitignan ako diretso sa mata at sinasabing,
“pero, Mountain Girl, akala ko alam mo kung gaano tayo kayaman.”

Ang sabi ko, “hindi naman tayo lalayo sa usapan kung hindi niyo aaminin na mahirap lamang tayo.”

“Papatunayan ko sa’yo ngayon din,” ang sabi niya. “Gumawa tayo ng listahan ng mga perang
nagagastos natin sa isang taon.”

“Magkano ba?” ang tanong ko. “Isusulat ko na.”

Pero ang sabi niya, “huwag masyadong mabilis. Maraming bagay pa ang iisipin natin bago
pagsasama-samahin.”

“Anong klaseng mga bagay?”

Ang sabi ng nanay, “hindi lang naman natin pinangbabayad ang pera, anak. Meron tayong espesyal
na plano kung kaya’t nakakabayad din tayo sa paglubog ng araw at sa oras ng paglalakbay sa mga
bundok at paghahanap ng mga pugad ng ibon.”

Ang sabi ko, “pwede niyo ba akong bigyan muna ng numero na isusulat sa papel?”

Nagsimula kami sa one million pesos.

Ganyan ang presyo na sinabi ni tatay sa pagtratrabaho niya sa labas, kung saan nakikita niya ang
kalangitan maghapon at nararamdaman ang hangin at naaamoy ang ulan isang oras bago pa tumulo
ang mga patak nito.

Sabi niya na ganoon daw ang halaga kung saan (kapag gusto niyang kumanta) maaari siyang
kumanta ng malakas na malakas, walang pipigil sa’yo.

Kasusulat ko pa lamang ng one million pesos ngunit ang sabi ni nanay, “Dapat pala one million and
five hundred thousand pesos kasi mga five hundred thousand ang halaga ng naririnig mong pag-
iyak ng coyote pabalik sa burol.”

Kaya sinulat ko one million five hundred thousand pesos.

At naalala di niya na gusto niyang makita ang malalayong bundok na nagbabago ang kulay mga
sampung beses sa isang araw.

Course Module
“Nagkakahalaga iyon ng two hundred fifty thousand pesos para sa akin,” ang sabi niya.

Hindi ako nagtaka kasi sinasabi ni nanay na mahusay siya sa mga anino ng bundok sa desyerto. Sabi
niya masasabi niya ang oras sa pagpapalit ng iyon ng kulay mula sa madaling araw hanggang sa
magdilim.

Pinagsama ko ang sinulat ko at ang kinalabasan ay one million seven hundred fifty thousand pesos.

Nag-isip pa si tatay ng iba. “Kapag namukadkad ang cactus, dapat nandoon ka at pinapanood mo
sapagkat maaaring iyon ang kulay na hindi mo na makikita muli sa mga susunod na araw ng iyong
buhay. Magkano sa tingin mo ang halaga ng kulay na iyon?”

“Bente pesos?” ang hirit ng kapatid ko.

Pero napagdesisyunan nila iyon ng isa pang two hundred fifty thousand pesos.

Kaya ngayon ang isinulat ko ay two million pesos.

Nakalimutan ko pa pala na gusto ni tatay gayahin ang mga huni ng ibon. Kaya niyang gayahin kahit
anong uri ng ibon, pero ang pinakamaganda ay ang paggaya niya sa mga puting kalapati, raven, sa
mga pulang buntot ng hawks at quails. Magaling din siya sa tunog ng agila at ng kuwago. Siyempre,
kailangang pagsamahin ang pang-umagang ibon at pang-gabing ibon na nagkakahalaga ng
kalahating milyon.

Pinagsama-sama ko muli ang lahat at ang sinulat ko ay two million five hundred thousand pesos.

Ngayon ang sabi ni nanay, “Tignan natin kung magkano ang total ni Mountain Girl.”

Nagsisimula na akong mahuli ng malalim nilang pag-iisip kung kaya’t isinuggest ko na five hundred
thousand ang halaga ko kahit na nagsisimula ng tumawa ang kapatid ko.

“Huwag mong minamaliit ang sarili mo,” ang sabi ni tatay. “ Tandaan mo ang lahat ng magagandang
bagay na inilista mo para sa atin.”

Tama siya. Ginawa ko. Gumawa ako ng listahan ng pinakamagandang libro na nabasa na natin at
listahan ng mga librong gusto nating basahin muli. Gumawa din ako ng listahan ng mga hayop na
nakita na natin at ng mga hayop na gusto pa nating makita sa kagubatan – hindi sa zoo o kulungan.

Ang akin ay ang Mountain Lion. Napapanaginipan ko siya apat na beses, at nakikita ko ang mga
yapak niya. Ang pinili ni tatay ay ang mabangis na oso. Si nanay naman ay pinili ang wolf at gusto
niyang marinig ang tawag nito. At ang kapatid ko naman ay hindi malaman kung ano ang pipiliin sa
dolphin at whale. Natandaan ko ang lahat dahil isinulat ko sa listahan.

Napagdesisyunan nila na ako ay nagkakahalaga ng isang bilyung piso.

Sabi ko sa isip ko na hindi siguro pero isinulat ko na rin.


PAGSASALING PAMPANITIKAN
Pagsasalin ng Kwentong Piksyon 11

Lumalabas na ang bawat isa sa amin ay nagkakahalaga ng isang bilyung piso.

Ngayon ay meron nang four billion, two million and five hundred thousand pesos.

Sa huli, sabi ng kapatid ko na dapat may isang daang piso pa para sa pagtulog namin sa labas sa
ilalim ng mga bituin.

Sabi ng lahat na hindi sapat ang isang daan. Kinausap naming siya na gawin na lang twenty five
thousand pesos.

Ngayon, ang papel ko ay may four billion, two million and five hundred twenty five thousand pesos
– at hindi pa kami nagsisimulang magbilang ng totoong pera.

Sa totoo lang, ang parte ng salapi ay hindi na ganoon kahalaga.

Sinuggest ko na hindi naman na iyon kailangan ilagay sa listahan ng aming kayamanan.

Kung kaya’t dito na nagtatapos ang aming pagpupulong.

Sila ay lumabas ng bahay para makita ang maliwanag na buwan. Pero ako ay nakaupo pa rin sa
aming maganda’t gawang bahay na lamesang pangkusina na may isang tinapay na lamang ang
natira, at isinusulat ko ang kuwentong ito tungkol sa amin.

Hinipo ko ang lamesa at natutuwa ako dahil sa amin ito.

Tingin ko, ang magiging pamagat ng kuwento kong ito ay Ang Lamesa ng Mayaman.

Abigail Faith Cawili


Ang Lamesa ng Mayaman
Hango sa "The Table Where Rich People Sit"
ni "Byrd Baylor"

References and Supplementary Materials

1. Santiago, Alfonso O, (2003) Sining ng Pagsasaling Wika (sa filipino mula sa Ingles) Ikatlong
Edisyon:Rex book store, Nicanor Reyes Sr. St. Maynila

Online Supplementary Reading Materials

Course Module
1. Retorika:
https://books.google.com.ph/books?id=ehEBKKc18n0C&pg=PA55&lpg=PA55&dq
=tatlong+paraan+ng+pagsasalin+ng+panitikan&source
Date Accessed; November 20, 2018
2. Pagsasalin ng Prosa:
https://www.scribd.com/presentation/360533240/Pagsasalin-Ng-Prosa
Date Accessed: November 12, 2018
3. Maikling Kwento: https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
Date accessed: November 26, 2018
4. PagsasalinMaikling Kwento: http://afaithlcawili.blogspot.com/2009/09/kung-
nakikita-niyo-lang-na-nakaupo-kami.html
Date Accessed: November 26, 2018

You might also like